Kapitbahay

1.2K 13 1
                                    

Author's note: Yieee Malapit na mag 700+

Ang susunod na storya, ay storya ng kaibigan kong itago na lang natin sa pangalang Ryza

***************************************************************************************************************

Tanghaling tapat.

Tulad ng palagi kong ginagawa tuwing lunch nagpunta kong canteen para bumili ng pagkain.

Umakyat ako sa taas.

Pagkadating ko sa corridor namin may nakita akong liwanag.

Hindi ito kasing liwanag ng sikat ng araw.

Malabo ang mga mata ko kaya hindi ko kagad nalaman kung ano ang nakikita ko.

Ilang dipa na lang ang layo ko ng tuluyan ko ng maaninagan kung ano ito.

Napatigil ako sa ko.

Nabitawan ko ang bitbit kong pagkain.

Tumulo ang luha ko.

Gustong kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa  lalamunan ko.

Takbo. Ryza takbo. Pero parang nadikit ang lupa ko sa sahig.

Hindi ako makakilos.

Ilang saglit lang dumilim ang paligid hanggang sa wala na kong nakita ng iba kundi kadiliman

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Nasa clinic na pala ko.

Bumangon ako at nakita ko si Jaya sa tabi ko. Tinitignan niya lang ako. 

Medyo may pagka-creepy si Jaya pero mabait siya. Siguro dulot na rin ito ng pagkakaroon niya ng 3rd eye.

"Kilala ko nakita mo kanina." Sabi niya ng malumanay. Hindi ako sumagot. Parang tuyo pa rin ang lalamunan ko. "Isang matandang babae. Mahaba ang buhok na kulay puti. Nakatayo sa tabi ko habang nag-uusap kami ni Dan...."

"Tama na." Pakiusap ko. Ayoko ng maalala pa yung nakita ko, sobrang nakakatakot ang itsura niya hindi ko na kayang alalahanin pa.

"Sorry kapitbahay ko siya dati. Siya si Lola Bebang, hinahanap niya ang apo niya kaya hindi pa siya matahimik. Asahan mong mas makakakita ka pa ng maraming multo Ryza."

"Bakit?" Tanong ko. Ayokong makakita ng multo. Hindi ko kaya ang naramdaman ko kanina.

"Bumukas ang 3rd eye mo dahil sa isang pangyayari sa buhay mo. Muntik ka ng mamatay di ba? Noong isang linggo?"

"Oo." Iyon lamang ang nasagot ko.

"Marahil iyun ang dahilan."

"Pero ayokong makakita ng multo."

"Wala kong magagawa Ryza. Pero wag kang mag-alala umarte kang wala kang nakikitang multo para hindi ka nila lapitan, nasayo iyan kung tutulong ka."

Lumabas siya ng clinic. Tumingin ako sa bintan at nakasunod si Lola Bebang kay Jaya mas maaliwas na ang mukha niya kung para nung una ko siyang nakita.

Pumasok ang nurse ng nakapamewang sa akin at tila nagugulumihanan. "Sino ba iyang kausap mo?"

"Po? Si Jaya kalalabas niya lang po."

"Jaya Reyes ba ka mo?" Tanong nito at tumango lang ako. "Namatay si Jaya sa isang car accident noong isang linggo." Iyon lang ang sinabi ng nurse at lumabas na muli siya.

Car accident? Last week habang papunta kami ni papa sa mall may isang sasakyan ang bigla na lang lumiko sa harap namin ng sobrang bilis at tumama siya sa puno. Jaya...

*******************************************************************************

Ngek....

yieee

vote?

commment?

follow?

Yieeee thank you po.....

Mga Kwento ni Aling BebangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon