Marcos Highway-Part 2

1.4K 13 0
                                    

Minulat ni John ang mga mata niya. Tagaktak siya sa pawis at hingal na hingal. 

"Panaginip lang pala." Usal ni John sa sarili.

Pinaandar muli ni John ang sasakyan. Wala ng ibang sasakyan sa daan kaya tinulinan niya ang takbo. Mahimbing na natutulog ang buong pamilya ni John.

Lumiko si John at isang grupo ng mga tao ang nakita niya. Puro mga nakaitim ito at may bitbit na kabaong. Nag over-take si John, lumingon siya upang tignan ang mga ito. 

Pula ang mga mata nito at may isang bata na tumingin kay John. Pulang-pula ang mata nito at ngumiti siya. Mayroon itong pangil na kulay itim at mayroong sungay. Inalis ni John ang kanyang tingin sa bata at binalik sa daan. "Pagod lang 'to."

Bumulis ang tibok ng puso ni John.

Huminga siya ng malalim.

Sa kaliwang parte ng leeg niya nararamdaman niya ang isang paghinga.

Dahan-dahang tinignan ni John ang gilid niya at isang babaeng mahaba ang buhok at duguan ang galit na galit na nakatingin sa kanya.

"PINATAY MO KO!" Sigaw ng babae.

"HINDI KO ALAM ANG SINASABI MO!" Sagot ni John na pilit na nagugulhan sa mga nangyayari.

Inagaw agaw ng babae kay John ang manibela. Pilit na lumalaban si John ngunit unti-unti ng nawawalan ng lakas si John.

Kinalmot ng babaeng si John at patuloy na nabitawan ni John ang manibela.

Bumangga ang sasakyan ni John sa isang tricyle at kinaladkad pa nito ang isang grupo ng mga tao at isang bata.

Agosto 30, 1987

Isang banggan ang naiulat sa Marcos highway na pumatay ng humigit kumulang 50 katao. Si John Mendoza ang naiulat na drayber ng sasakyan. Kasama niya ang buong pamilya niya na kagagaling lang sa bakasyon. Ang sinasabing dahilan ng mga pulis ay nakadroga ang nasabing lalaki at nagkaroon ng hallucination kaya binangga niya ang mga tao sa pag-aakalang mga demonyo ito.

Pero naniniwala ang mga tao na nakatira sa Marcos Highway na totoong may mga nagpapakitang demonyo dito at pinakikita sa mga bumibyahe dito ang mga nakaraang karumal-dumal na pagpatay at aksidente sa Marcos Highway.

Kasalukyang nasa Mental Hospital si John at nagpapagaling dahil sa pagkasira ng ulo niya dulot ng sobrang pag gamit ng pinagbabawal na gamot.

************************************************************************************************************

Ngekkkkssss,,,,waley ba hihihi sorrrryyyyy guys..T___________T MEDYO LUTANG...........

BOTO? Thank you po..

Komento" Libre lang po walang bayad.....XD

Follow me^_________________^ yieeee

Thank you for reading...

Mga Kwento ni Aling BebangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon