Hagdan

593 5 0
                                    

Tangna ito nanaman Lunes nanaman. Isa akong nursing student sa isang unibersidad sa Maynila. Nasa main building ngayon ang klase ko. Tumatakbo na ako kasi masyadong strikto ang prof ko, ayaw niya sa mga late pero lagi din siyang late.

Natatanaw ko na yung elevator, sakto walang nakapila, kapagka sineswerte ka nga naman oh. Kaso ilang dipa pa lang ako nakita ko na yung maliit na karatula, nakalagay sa bond paper na out of order.

Tangna this!!!

No choice maghahagdan ako. Bihira ang mga dumadaan sa hagdan dahil sa elevator pero bukod dun may mga nagsasabi din kasi na may multo ng dating nursing student ang nagpapakita doon. Magsisimula daw na mangamoy sampaguita at may mga kandila ka na makikitang nakakalat sa sahig at bigla na lang iinit ang paligid.

Binuksan ko ang pinto medyo madilim pero wala eh. Wala ring tao nakakapagtaka dahil Lunes ngayon. Sa 5th floor pa ang klase ko tatakbuhin ko na lamang ito.

Nakakatatlong hakbang pa lang ako ng mga narinig akong sumitsit. Lumingon at bigla nagsara ang pinto tangena man wag ganun?!!!

Huminga ako ng malalim tatakbuhin ko na putanginang hagdan na ito. 1...2...3 OKAY TAKBOOOO!!!!

Tumakbo lang ako tuloy pa din ang pagsitsit. Anong floor na ba? Tumingin ako sa mga pader. Ground floor? Grond floor pa din. Tumingin ako sa likod andoon pa rin ang pinto. Nyeta. May engkantoo ba dito sa school?

Isa pa tatakbo pa ko ulit Tumakbo lang ako Takbo. Takbo. Takbo.Takbo Wala pa rin. 

Naalala ko noon sabi ng lolo ko kapag nangyayari ang gantong bagay babaliktarin ko lang ang damit ko. Gagawin ko ito habang tumatakbo. Oo. Okay. Ito binubuksan ko na ang butones ng damit ko ng.....

"PRE PRE GISING ANO KA BA? NANAGINIP KA ATA? WAG KA MAGHUBAD DITO!!!!"

Minulat ko ang mata ko. Nasa classroom ako? Nasa classroom na ako? "Tangna pre wag ka maghubad dito." Sabi niya ulit

"Ano?" Tanong ko. "Lunes ngayon ah bakit nasa classroom tayo? Bakit ako nasa classroom paakyat pa lang ako ng hagdan ah?"

"Gago pre galing pa tayong canteen kanina sabay pa tayong kumain, at friday na ngayon anong Lunes?! Nag weeds ka ba? Kala ko matino ka na?" Tapos tumawa siya ng malakas.

Nyeta sigurado ako eh.. Ano nanaman ito?

********************************************************************

Gosh thank you po 14K na. ^____^

Mga Kwento ni Aling BebangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon