Marcos Highway-Part 1

1.8K 15 1
                                    

 DON'T PLAGIARIZE, BAKA USO MAG-ISIP DI BA? HEHEHEHE JOKE LANG........

THANKS FOR READING

****************************************************************************************************

 Marcos Highway

Pauwi ang buong pamilya ni John sa Maynila. Si John ang nagmamaneho habang himbing na natutulog ang kanyang buong pamilya. Hindi gaano mabilis ang pagpapatakbo ni John dahil bukod sa madilim ay lubak-lubak pa ang daan.

Walang ilaw at konti lamang ang mga naninirahan sa Marcos high way kaya madami ang napapabalitang naaaksidente dito. Doble ingat si John sa pagmamaneho. Hindi lang sa mga aksidente sikat ang Marcos Highway pati na rin sa mga multo na nagpapakita. Isa ito sa mga sinasabing dahilan ng mga tagaroon kaya nagkakaroon ng mga aksidente.

Alam ni John ang mga balitang ito pero hindi siya naniniwala sa mga multo. Para sa kanya kaya may mga naaksidente ay dahil hindi nag-iingat ang mga drayber. 

Patuloy lang si John sa pagmamaneho hanggang sa may nasilayan siyang mga kandila. Nang malapit na siya, nakita niya na mga grupo ito ng tao na may bitbit na kabaong at ang iba sa mga ito ay may hawak na kandila. Ang nakakapagtaka sa isip ni John bakit dis-oras sila ng gabi nag puprusisyon. Nagkibitbalikat na lamang si Marcos at pinagpatuloy ang pagmamaneho.

Ilang saglit lang ay nakita siyang matanda na naglalakad sa gilid ng kalsada. Mabagal itong naglalakad at wala itong dalang ilaw o kandila. "Delikado ang ginagawang ng matandang ito.." Sabi ni John sa kanyang sarili.

Napapreno si John dahil hindi niya napansin ang isang tricycle. Bigla na lang itong sumulpot  sa harapan ni John samantalang alisto naman siya sa pagmamaneho. Nagovertake siya at tinignan niya sa rear view mirror ang driver ng tricyle. Wala itong mukha ng unang beses itong makita ni John. Pinikit niya pangsamantala ang kanyang mga mata at tinignan muli ito. Wala na ang tricyle. Hindi na niya ito maaninag.

Nagulantang si John ng makita ang isang bata na malapit na niyang mabangga, nakabarong ang batang lalaki. Pumreno ng malakas si John at napapikit. Laking gulat niya bakit walang tumunog na kahit ano?

Bumaba si John ng sasakyan upang silipin ang batang lalaki. Tinignan niyang mabuti ang buong paligid pati ang ilalim ng sasakyan subalit wala siyang nakitang kahit ano maliban sa tila walang katapusang dilim ng daanan. Nagtataka man ay bumalik si John ng tahimik sa sasakyan.

Pinikit ni John saglit ang kanyang mga mata. "Inaantok na ata ako." Usal niya sa sarili.

(to be continued)

Mga Kwento ni Aling BebangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon