Dormitory

912 7 0
                                    

Tagal ko ba mag update???

SORRY NAMAN PO!!! T////T BUSY KASI AKO EHHH..........

ETO NA SIYA

COMMENT?

VOTE?

FOLLOW???!!!!!

**************************************************************************************************

Story 1

3 am

Bumangon ako para mag cr. Sinuot ko ang salamin ko at tumungo na sa banyo. Madilim walang tao sa kusina, sala at lao na sa cr.

Naghugas muna ako ng kamay ng may kumatok sa pinto ng cr. "Palabas na!!" Sabi ko at binuksan ko ang pinto.

Pagbukas ko isang babae ang bumungad sa harap.

Maputla siya at may mahabang buhok. Wala siyang mata pero para siyang nakatitig sa akin.

Ilang saglit lang hindi ko na alam ang nangyare. 

Dumilim ang paligid at isang malakas na kalabog ang narinig ko.

Story 2

12 noon 

Nag-aaral ako sa sala. Tanghaling tapat pa lang.

Masyado akong naka focus sa pag-aaral. 

Napansin ko si Bebang paakyat ng hagdan napakabigat ng hakbang niya para siyang nagdadabog kaya binati ko siya pero hindi sumagot. Muli akong nagsalita. "SABAY TAYONG KUMAIN GUTOM NA KO EH!!!!' Hindi siya sumagot. Nag-alala na ko kaya sinundan ko siya sa taas. 

Sinilip ko ang kwarto namin pero walang tao.

Story 3

9:35 pm ng gabi

Nasa sala pa rin ako nag-aaral. May tao pa sa kusina kaya napagpasyahan ko na mag-aral pa. Babae din siya. Siya siguro yung freshman na sinasabi ni Bebang.

Tumayo ako para kumuha ng tubig. Nakaupo lang yung freshman. Binuksan ko yung ref ng mapansin kong may tumutunog na parang ginagamit ang tinidor na pangkalamot sa plato. Tinignan ko yung freshman. Nakatingin din siya sa akin kaso wala na siyang mukha at patuloy siya sa pagkalmot sa plato niya gamit ang mga kuko niya.

Story 4

Pumasok ako sa kwarto para mahiga na. Binalot ko ang buo kong katwan ng kumot.

Pilit kong kinakalimutan ng mga nangyare kanina.

Lumamig lalo ang paligid. 

Pinikit ko ang mga mata ko.

Nagsimula ng manginig ang buo kong katawan sa lamig. Nanikip ang mga dibdib ko. Pakiramdam ko hindi ako makahinga.

Tinanggal ko yung kumot ko pagtingin ko sa paligid ko may apoy na kumakalat. May nagganap na sunog. Gusto kong mataranta pero parang may sariling buhay na ang katawan ko.

May babae sa tabi ko. Nakahiga lang siya. Hindi ko alam pero parang may kung anong pwersa sa akin na humatak at bumalik ako sa pagkakahiga ko.

Tumagilid ako para tignan siya. Naka-uniform din siya tulad ng suot ko. Mahaba buhok niya pero ang balat niya naagnas na. Dahan-dahan niya ako tinignan.

"Tama na," Unti-unting nagbago ang anyo niya. Si Bebang, kuminis ang anyo niya. "matagal na tayo patay."

---------------------------------------------------------------------------

Sana nagustuhan mo, thank you po sa 10k na reads :)

Mga Kwento ni Aling BebangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon