CHAPTER 1
Ako si Stella Meyer. Kulay itim ang buhok, katamtaman ang laki, brown ang mga mata at medyo maputi , 5'1 ang tangkad. Minsan na kong nabulag sa pag-ibig at nangakong di na iibig sa lalake. Nasa abroad ang mom and dad ko para saming mag kakapatid. Apat kaming magkakapatdi at bunso ako. Nakuha na ng mom and dad ko ang 3 kong kapatid kaya ako nalang ang nandito sa Pilipinas. Nakatira ako sa Condo at sgastos ko sa pang araw araw ay meron akong credit card kung tawagin. Nag-aral ako sa Blossom Highschool. Di ko alam kung sasakto ako sa school na'to dahil kilala ako bilang "one of the boys"kaya biggest challenge ito para sakin.
"Hayyy.. Makakasundo ko kaya tong mga babae na nag aaral dito?" tanong ko sa sarili ko habang nakatayo sa malaking gate ng school.
"Oo naman bakit naman hindi? Bago ka dito no? Hi! I'm Sandy James!" pag papakilala niya sakin.
Maganda, mahaba ang buhok, morena at maganda ang mga mata. Magkasing tangkad lang kami. Si Sandy ang naging unang kasama ko sa school na to.
Si Sandy ang naging malapit at una kong kaibigan. Nasasakyan niya lahat ng trip ko sa buhay at madalas din siyang matulog sa unit ko. Siya lang ang kaibigan ko dahil di ko nasasakyan ang ugali ng iba kong kaklase. Meron naman pailan-ilan na kaibigan pero iba parin talaga si Sandy.
Kumakain kami ng lunch ni Sandy. Nang mapatulala ako bigala. Lagi ko kasing nakikita yung babaeng yon. Well halos lahat naman makikilala mo sa skwelahan namin dahil konti lang kami. Bigla akong kinausap ni Sandy.
"Grabe Stella! Alam mo ba yung babaeng yon! Kung lalaki lang siya gusto ko na siya eh! Kaso hindi! Pero wag ka! Sikat na sikat yan dito!" Sabi ni Sandy nang bigla akong napatingin sa libro ko habang ngumunguya ng pagkain ko.
"Ahh.. Kung sikat siya bakit di ko siya kilala? Ilang buwan na ko nag aaral dito. Yaan mo nga siya haha.." pag sagot ko naman sakaniya. Pero sa totoo lang madalas ko siyang napapansin eh. Lalo na pag napapatingin ako sa mata niya.
"O sige na nga to naman basa ka ng basa diyan eh!"-Sandy
Sa mga panahong yun napatingin ulit ako sakaniya, Ang babaeng tinutukoy ni Sandy. Maputi, matangkad, itim ang buhok, maamo ang muka at pagkakamalan mong tom. Pero ang una kong nakita sakaniya ang mga mata niya. Mga mata niya na parang may nakatagong lungkot.
Kinabukasan quiz na namin sa school. Papaalis na ko ng condo ng biglang nag txt si Sandy.
From: Sandy
Stella! Di ako makakapasok, May sakit ako eh baka bukas or next bukas pa sorry
From: StellaOk sige mag-iingat ka ako nang bahala sa mga lecture mo dalin ko sa bahay niyo later!
Habang naglalakad ako papasok ng school dun ko naramdaman yung takot. Unang beses ko na di makasama Sandy. Pumasok ako ng room nang tahimik. Malungkot na araw para sakin. Dumating ang break time at mag isa lang akong nakaupo sa bench nang may lumapit sakin na pamilyar ang muka at tinabihan ako.
"Hi!" bati niya sakin. "Nakita kita eh! Mag-isa ka, Bakit?" tanong niya.
"Ahh. Maysakit kasi yung kaibigan ko eh. Kaya eto" sabi ko naman sakaniya
"Isa lang ba kaibigan mo? Di sapat ang isa!" sabi niya sakin.
Tumingin ako sa mg mata niya "Hindi naman pamantayan kung isa o marami ang kaibigan sa isang tao. Basta totoo ka sa mga tao na makakasalamuha mo." Sabi ko sakaniya
Nagulat siya sa sinabi ko kitang kita sa mga muka niya. "wow. (tumawa siya nang papilit) Ako nga pala si Mae Sparks. Mas matanda ako ng 1 year sayo."
BINABASA MO ANG
My Giant Star(Lesbian Story)
RomanceStella Meyer is a High school student who's stil confuse of her gender after what she had experienced with her past relationship with a boy. All of a sudden a girl named Mae Sparks who is secretley a tom fall inlove to her. Will Stella accept or rej...