Chapter 10

101 0 0
                                    

Sinubukan akong habulin ni Mae dahil nagdudugo nga yung ulo ko pero huminto ako.




"Wag kang lalapit! Ok lang ako maniwala ka pls wag muna ngayon Mae, baka bukas ok na ko umuwi k na iniintay ka ng kasama mo" sabi ko sakaniya. Pero ang totoo ayoko siyang bumalik sa babaeng nakita ko sa bahay nila.




"sigurado ka ba diyan Stella, patingin muna ng ..." - Mae




"WAG! Please wag ka ng lumapit, utang na loob." Putol ko sakaniya. Ayokong makita niya kong umiiyak. "Sige na, aalis na ko bye" sumnyas ako ng babye sakaniya tsaka umlis. Nang mga panahong yon ang sakit sakit talaga. Di ko alam gagawin ko. Naglakad lang ako ng naglakad. Dinala ko ng mga paa ko kila Sandy.





*BUZZ BUZZ*





Binuksan ni Sandy yung gate. Niyakap ko siya ng sobrang higpit.





"Stella? Anong nangyari? Tara pumasok ka muna" sabi ni Sandy.





Umupo kami at ako imiiyak parin. Sa totoo lang hindi ko naramdaman yung sakit ng sugat ko. Mas nararamdaman ko yung sakit ng puso. Akala ko mas matimbang ang pisikal na sugat kesa sa sugat sa puso. Masakit eh. Sobrang sakit.





"Suportado naman kita Stella eh. Tanggap kita kung ano ka, para na kitang kapatid eh. Kaya nasasaktan din ako pag nasasaktan ka." Sabi ni Sandy habang ginagamot niya sugat ko.





"Nasasaktan na kasi ako eh, ang sakit sakit. Akala ko pwede pa eh. Kala ko iba siya Sandy." Sabi ko habang umiiyak.






"Basta kung ano man maging desisyon mo suportado kita ok?" Pag kakalma ni Sandy sakin. Yinakap ako ni Sandy habang ako naman. Iniisip ko na mag move on. Kailangan ko ng kslimutan si Mae. Kailangan para di na ko nasasaktan ng ganito.






Natulog ako kila Sandy nung gabing 'yon, maaga din akong umuwi para mag ayos ng sarili ko. Alam kong mahihirapan ako sa pag limot kay Mae pero dapat kong kayanin. Biglang tumunog ang phone ko tinignan ko kung sino, ang mommy ko tumatawag.






"Baby kamusta ka na? " pagtatanong ng mommy ko.





"Ok lang ako mommy, mommy di kaya pwedeng diyan nalang ako mag highschool?" Sabi ko sa mommy ko, alam kong masyadong naging mabilis yung mga desisyon ko. Basta ang alam ko gusto kong makasama pamilya ko.





" Sigurado ka ba diyan? Ok sige padadala ko yung pera at asikasuhin mo mga papers mo. Ok ba 'yon?" Sabi ng mommy ko





"Ok po sige po, bye. " nung sinabi ko yon unti unti na kong nakakaramdam ng takot, takot at lungkot.





Ok na ko ayos na ko naka suot na uniform ko, ayos na rin gamit ko. Nang may nag email sakin. Letter na galing sa daddy ko na ipapasa ko sa school. Para 'yon sa ipapasa ko sa school. Nakalagay don na afte ng first quarter eh aalis na ko. Walang eksaktong date pero alam ko malapit na. 1 week nalang at exam na.





Nasa harap na ko ng gate ng school at saktong nakasabay ko si Sandy






"Stella!! Smile na! Lintik yan. Pangit pag nakasimngot lagi! Sige ka papangit ka niyan!" -Sandy





"Baliw! Sandy, aalis na ko."






"San ka namang lupalop pupunta?"





"Kila daddy. Dun ko pagpapatuloy highschool ko."



Biglang huminto si Sandy.


"Ang daya mo! Tsk. Alam mo yan ang hirap sayo eh, makasarili ka." Sabi ni sandy.





"Hindi naman sa ganon. Gusto ko na makasama pamilya ko eh. May skype naman eh. Wag kang mag alala oras oras kitang tatawagan sa skype. " pag sususyo ko kay sandy at niyakap ko siya,




"Tara na!! Muka tayong timang oh! Hahahahha tama na yan Sandy! Tara na!" Hinatak ko siya papuntang room namin.

-------




"Good morning po ma'am Albesco, ma'am may ibibigay lang po sana ako." Inabot ko sa guidance counsellor yung papel na pinrint ko na galing naman sa daddy ko. Agad binasa ni ma'am yung papel.






"Ok, i will submitt this to tpour principal. Pero anong gagawin mo don?" Pagtatanong naman sakin ni ma'am gusto kong sabihin na, ma'am maglalaro, malamang po mag aaral, di binasa. Di binasa. Hahahahaha pero syempre di ko sinabi yon.






"Bukod po sa mag-aaral, gusto ko na pong makasama yung parents ko ma'am."





"Ok sige, you can go now. I will call you kapag meron ng balita ok?"





"Ok po ma'am thanks po" pagpapasalamat ko sabay labas ng room. Eto na malapit na konting konti nalang Stella.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Giant Star(Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon