“Surprise!” – sabay smile sakin ni Mae
Ako naman nakatulala lang sakaniya, nangmahismasan ako umikot ako, puro picture ko nung bata ako. Habang nililibot ko yung salas ko tinitignan lang ako ni Mae. Hindi ko alam kung masaya ako o galit ba ako. Para sakin masyadong mabilis ang mga pangyayari. “ano pong meron Mae?” sabi ko sakaniya.
“kailangan ba may okasyon para bigyan ng surpresa ang isang tao?” sabi niya sakin. Lalong tumibok ng mabilis puso ko nung sinabi niya yon. “Ngayon lang po kasi may gumawa sakin nito at hindi ko alam ang sasabihin ko.” Nung sinabi ko yun hinawakan niya kamay ko. “Alam mo Stella, mabait ka eh, gusto pa kitang makilala kaya sana payagan mo ko” malambing na sinabi ni Mae sakin. Bigla ko siyang niyakap at hindi ko alam kung bakit tumulo ang luha ko. Siguro dahil siya ang unang tao na gumawa sakin ng ganon. Sobrang saya at di ko ma explain ang nangyayari sakin. Tinanggal ni Mae ang pagkakayakap ko sakaniya at pinunasan niya ang luha mga luha ko. “bakit ka umiiyak! Hahahaha dapat masaya ka, guso ko lang ibalik yung ginawa mo sakin nung nagkasakit ako. Kaya ito ang naisip kong paraan” dugtong ni Mae.
Kumain kami ng dinner at umupo kami sa couch. Haaaaaaaaay napaka sarap ng may nag aalaga sakin. Pero hindi ko naman siya katulong pero ang sarap talaga ng feeling ko. Magkatalikuran kami, sumandal ako sa likod niya. “ang cute mo ditto Stella oh!” sabi ni Mae at pinakita ang picture ko nung bata ako. “san mo nga po pala na kuha yung mga pictures ko?” sabi ko sakaniya.
“Secret syempre, magaling ako eh kaya wag mo na alamin hahaha” sabi niya sakin, wala na kong nagawa kaya pinabayaan ko nalang siya. Habang tinitignan niya ang mga pictures ko bigla akong napatanong sakaniya.
“Diba ok lang naman po kung magtanong ako sa’yo?”-ako
“Oo naman ano ba ‘yon?” sabi ni Mae at humarap sakin.
“Yung po totoo? Tom ka po ba?” sabi ko sakaniya
“Hindi”-Mae
“Weeeh po?”-ako
“muka lang pero hindi.”-Mae
“gusto kop o maging honest ah.. wag ka po magagalit, pero muka po kasi eh.” Sabi ko sakaniya ng magalang na paraan
“Wala akong gusto sa babae, bati rin sa lalake. At hindi parin ako nagmahal.” sabi ni Mae at tumingin sakin.
“Ah ok po,”dugtong ko naman wala na kasi ako maisip na tanong.
“Ikaw ba? Nainlove ka na?” tanong ni Mae sakin.
Tumango lang ako nung sinabi sakin ni Mae ‘yon ayoko man ikwento pero nagtanong na siya. “Ano nangyari tsaka pano mo nalaman na mahal mo nga isang tao?.” Sabi ni Mae.
“Ang dami mo naman pong tanong, haha. Sige po sasagutin ko ‘yan isa-isa.” Sabi ko sakaniya at umayos ako ng upo at humarap sakaniya. “Ang love po kasi di mo mamamalayan. Pwede po makasama, pwede naman din pong makabuti, nung nainlove po kasi ako ang naramdaman ko nung una parang lagi akong nakalutang. Laging akong masaya, tsaka laging malakas tibok ng puso ko.” Tinapat ko ang kamay ko sa puso ko. “yung tipong hindi ko ma control. Pero sa umpisa lang po ‘yon kasi may dadating na mga asungot o kaya naman po makikilala mo yung totoong siya.” Dugtong ko.
BINABASA MO ANG
My Giant Star(Lesbian Story)
RomanceStella Meyer is a High school student who's stil confuse of her gender after what she had experienced with her past relationship with a boy. All of a sudden a girl named Mae Sparks who is secretley a tom fall inlove to her. Will Stella accept or rej...