“Hii bunsoooo! Tara kain na tayoo!” paglabas ko nang banyo yun ang pangbungad ni Mae sakin ,nagulat ako sa sinabi niya.
Tinawag niya akong BUNSO! Nakakatuwa. Sineryoso niya ata yung sinabi ko.
“Oo nga pala! Sasamahan kita ngayon ah! Gusto ko ubusin tong sabado na to na kasama ko. Yun eh kung papayag ka” ngumiti pa siya eh ano pa magagawa ko napatango nanaman ako. Kinikilig na kasi ako deep inside! Anaba si Mae yun eh tatanggi pa ba ako?
Pagkatapos naming mag breakfast sabay kami nag hugas! Kung alam niyo lang kung pano ko kinikilig! Kasi nahawakan ni Mae yung kamay ko. Tapos nagpisikan pa kami ng tubig! O san ka ngayon! Hahaha nararamdaman ko na yung sarap ng kasama siya. Sabay din kaming nag toothbrush! Ewan ko bakit ako kinikilig basta ang sarap sarap sa feeling ng kasama ko siya lagi.
“Teka umuulan ba?” lumingon ako kay Mae
“Ligo po tayo sa ulan!” sabi ko sakaniya.
“Nako! Wag na,, pag nagkasakit ka kargo pa kita eh!” pag tanggi naman niya sa alok ko. Nakakainis kaya. Gusto ko maligo eh pero di ako titigil.
Nung tumalikod siya,, Bigla ko siyang yinakap!!! “PLEASE!! Sigi na po?”. Dahil sa magmamakaawa ko pumayag siya sa gusto ko . ginulo nanaman niya buhok ko.
Naligo kami sa ulan. Hinatak ko yung kamay niya. Nagpisikan kami ng tubig.
“Alam mo po ba? Gustong gusto ko naliligo sa ulan. Gusto ko nga laging umuulan eh kasi ang sarap sa pakiramdam.” –ako
Tumingin lang siya sakin. Kung ano ano ginawa ko. Kumanta, nakipag harutan at sumayaw. Si Mae Tawa lang ng tawa sakin. Seryoso kasi siyang tao. Silent type siya eh, kaya saming dalawa ako yung madalas lokoloko. Nakipaglaro din ako sakaniya ng taguan. Parang ayoko nang huminto yung ulan. Para akong bumalik sa pagka bata. Nang napagaod ako umupo ako sa isang upuan tsaka tinabihan ako ni mae.
“Oh ano? Pagod ka na? Hahahahha”- tanong sakin ni Mae
“Oo eh hahaha nakakapagod pala” sumandal ako sa balikat niya. Ang sarap talaga ng ulan eh sarap sa pakiramdam.
“Alam mo po, Lagi mo nalang ako pinapasaya. Ano po ba pwede kong gawin para masuklian ko naman po..” tumingin ako ng direkto sa mga mata niya.
Tumayo si Mae. Muntikan na nga ako mabuwal eh. Tumayo siya sa harapan ko.
“Stella! May sasabihin ako sayo. Tanggapin mo kong bilang kaibigan. Yun lang at mapapasaya mo na ko.” Sabi niya sakin.
Tumayo ako sa harap niya. Hinawakan ko yung pisngi niya.
“tanggap na tanggap naman po kita ah? Diba nga po bunso na tagaw mo sakin?” sabi ko naman sakaniya
“kasi Stella.. Ahh kasi Stella… Tom ako. Yun na yung nararamdaman ko ngayon. Di ko naman sinasabi na gustuhin mo ko eh. Ang gusto ko lang maging kaibigan mo parin ako kahit ganito ako.” Sabi sakin ni Mae
Nung narinig ko ‘yon sakaniya niyakap ko lang siya. Hindi ko alam pero tanggap ko naman kung ano man siya eh. Kahit ano man siya. Masaya ako kasama siya at kung yung papaging tom ang ikahihiya ko sakaniya mawawala lahat ng saya ko ngayon.
“Alam mo naman po sagot ko diyan eh. Tanggap na tanggap kita dahil part ka na po nang buhay ko.” Bulong ko sakaniya habang nakayakap ako.
Para maging ok siya hinwakan ko ang kamay niya at tumakbo ako. Dadalin ko siya sa lugar na kaming dalawa lang. Ang lugar kung san ako madalas pumunta papakita ko sakaniya ‘yon para hindi na kami magka ilangan.
“san ba tayo pupunta?” tanong sakin ni Mae
“Basta sumonod ka nalang.” –ako
Nakarating kami sa lugar kung saan ako madalas pumupunta. Tabing ilog at pwedeng pwedeng sumigaw.
“ TANGGAP KO SI MAE SPARKS KAHIT TOM SIYAAAAA!!!” sigaw ko nagulat si Mae sa ginawa ko. Hinatak niya ko sa bewang para tumigil at tumawa ko sa harapan niya.
“Ayan napasaya na ba kita?” – sabi ko sakaniya. Ngumiti lang siya at yinakap niya ko ng sobrang higpit.
![](https://img.wattpad.com/cover/7870653-288-k94325.jpg)
BINABASA MO ANG
My Giant Star(Lesbian Story)
RomanceStella Meyer is a High school student who's stil confuse of her gender after what she had experienced with her past relationship with a boy. All of a sudden a girl named Mae Sparks who is secretley a tom fall inlove to her. Will Stella accept or rej...