Chapter 6

108 1 0
                                    


Nagising ako na katabi ko siya kayakap at nararamdaman. Nang tinititigan ko siya habang tulog isa lang gusto kong gawin, yun ay ang halikan siya. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari sa mga susunod na araw. Pano kung may nakilala na siya. Pano kung bigla nalang magbago isip niya. Pano kung hindi kami magkatuluyan sa huli? Pano kung kagaya siya nung na una ko. Natatakot ako.. Ano ba 'to bigla nanamang tumibok ng malakas puso ko.

"Good morning! Gising ka na pala di mo naman sinabi." Sabi niya sakin habang nakatingin siya sakin.

"Ah! Good Morning!! Hahaha sorry tara mag ayos na tayo medyo late na eh. Hahaha." Sabi ko naman sakaniya nagmadali ako sa pagtayo.

Nakapaligo na kami, nakaayos na kami ready na kaming pumunta ng school. Medyo maaga pa nga eh. Di ko alam na raramdaman ko. Basta tahimik kaming dalawa.

"Stella breakfast muna tayo? Maaga pa naman eh? Ano tara?" Tanong sakin ni mae nang makasakay kami sa taxi.

"Ah wag na medyo marami kaming gagawin eh. Tsaka kailangan ko makausap si Sandy. Next time nalang siguro." Sabi ko sakaniya. Hindi ko alam kung bakit ako biglang tumanggi sa gusto niya.

Nakarating kami ng school ng hindi nag uusap. Ok naman kami kagabi eh. Hindi ko lang alam kung bakit biglang nagkaganon? Ang alam ko sa sarili ko kaibigan ko siya at oo kahit tomboy siya hindi tama na magkagusto ko sakaniya. Babae ako, tsaka hindi tama tong nararamdaman ko kasi babae ako. Kaibigan lang dapat ang turing ko sakaniya. Mahirap mapasok sa relasyon na yon. Kung yung una nga hindi nang work sakin ito pa kaya. Siguro kailangan ko munang dumistansya sakaniya. Mahirap masyado kasi eh.

Nakita ko si Sandy sa classroom pagpasok ko. Alam kong galit siya sakin pero kailangan ko siya kausapin. Tinabihan ko siya. Umupo ako, tahimik kami mga 5 mnts siguro kaming hindi nag uusap. Nilabas ko yung post it ko tsala color pens. Sumulat ako ng "sorry :( " sa post it. Dinikit ko sa desk niya. Mga ilang seconds lang tumawa na siya. Tumawa narin ako. Di ko na namalayan na nag kwekwentuhan na kami. Kinuwento ko lahat ng naranasan ko at nangyari sakin ng araw na yon.


"Grabe kaibigan talaga kita. Sabi na eh di mo ko matitiis hahahahaha" sabi ko kay Sandy

"Adik ka kasi eh! Hahahahhahaa" sabi naman sakin ni Sandy.

Habang nag uusap kami ni sandy tunog ng tunog phone ko. Txt galing kay Mae



Mae:

Hi! Kamusta ka na?

Mae:
YOw wassup!

Mae:
Uso reply bata! Hahahaha

Mae:
Tara alis tayo!

Nakita ni sandy mga txt ni mae.

" lam mo friend kausapin mo nalang siya. Mahirap yan iniiwasan mo nang hindi niya alam yung dahilan." Sabi ni Sandy sakin. Ayoko sabihin sakaniya mahirap yon tsaka baka masaktan lang siya kaya nag reply nalang ako.

Stella:
Mae slr. Next time nalang medyo busy pa kasi ako eh.

Mae:
Ah ganon ba bukas kaya?

Stella:
Mag-aaral ako eh sorry.

Mae:
Sa Saturday nalang?

Stella:
Next time nlang. Sabihin ko nalang kung kailan ako free di ako pwede this week sorry ha.

Mae:
Ah ok.

Nang mabasa ko yung "ah ok" bigla kong naramdaman na tama ba yung ginawa ko? Medyo masakit pero siguro naman masasanay din ako. Mas mahirap na mapunta sa ibang level yung relationship namin. Ok na yung friends lang. Hanggat nandito pa yung nararamdman ko na hindi tama di ko muna dapat siyang kausapin.

My Giant Star(Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon