Chapter 7

100 1 0
                                    

Ilanh days na ang lumilipas. Pag nakikita ko siya sa hall nagdadaanan lang kami ng parang hangin. Wala talagang pansinan. Di ko alam kung bakit ganon. Habang tumatagal ako yung nasasaktan.




"Ano ba yan ha?! Ano yon daanan nalang kayo ng daanan? Pwede ba naman yon? Parang hindi ata Stella." Sabi sakin ni Sandy habang naglalakad kami pauwi.




"Ha? Ang alin ba? Anong daanan? Hahahaaha" sabi ko kay Sandy. Binatukan niya ko ng medyo malakas.




"Wala akong kaibigang tanga Stella! Tigil tigilan mo ko!" Sabi sakin ni sandy




"Bakit wala naman akong ginagawa ah! Sakit nun ah!" Napahawak ako sa batok ko't napakulot ang nuo. Pero kung tutuusin masasanay naman siguro ako. Sa simula lang siguro to.




"Tara libre kita date tayo!" Sabi sakin ni Sandy. Napatingin ako kay Sandy at nanglaki mata ko sakaniya. Napahinto ako habang siya nag lalakad. DATE?!



"Utang na loob bestfriend kita Sandy natitibo ka na ba sakin?! Please wag hahhahaahha" pang bibiro ko sakaniya.




"BALIW!! Itong muka, katawan't kaluluwa ko nilaan ko lang para sa lalaking para sakin!" Pag eemote niya habang sinasabi niya yon. Parang baliw lang talaga.





"Ok stop it na. Ok na hahahahahaa tara na game gusto ko yan. Hahahaha. So ano tara?!"





Hinatak ko siya papuntang sa loob ng Starbucks. Nagkwentuhan kami habnag naglalakad. Sobrang saya namin. Ito talaga ang kaibigang hindi ko kayang mawala. Nakarating kami ng safe at ok. Binuksan ko yung pinto nag order kami ng drinks tapos kwentuhan. Ang dami namin napagkwentuhan ng putulin ni Sandy yung usapan at ilipat kay Mae





"Pero eto talaga Stella eh. Kilala na kita. Lahat lahat. Alam mo ang isa pang gusto ko malaman? Ano ba yang nasa puso mo ah? Ano ba talaga kayo ni Mae?"




"Sandy... Edi friends kami.." Sabi ko kay sandy




"Sigurado ka?!" Putol ni Sandy sa usapan.





"Bakit mo iniiwasan? Kailan lang ok kayo. Diba pumunta siya sa condo mo?" tanong sakin ni Sandy.




"Oo nga alam mo Sandy may mga bagay na mahirap iexplain hahaha. Complicated. Ayoko lang na ilagay yung status ko sa komplikado." Sabi ko kay Sandy



"Ay baliw lang? Naman friend! Kita ng dalawang mata ko kung gano ka kasaya pag nag uusap kayo. Kung gano ka ka aamazed pag nakikita mo siya. Kung gaano ka kinikilig pag magkasama kayo. Ikaw lang naman tong may problema eh. Alam mo ba yon?" Pag papaliwanag naman ni Sandy ng malumalay.





"O bakit ko naging kasalanan yon? E...."





"E hindi mo po siya pinapansin!! Iniwasan mo siya ng walang dahilan? Bakit? Aba hindi ako si Mae na tabihan mo lang eh papansinin ka na. Ano nga ano problema?" Pagputol ni Sandy sa usapan namin. Napatingin nalang ako sa labas ng bintana habang nakasalungbaba. Inisip ko rin bakit ko nga ba siya biglang iniwasan. Anong meron? Anong dahilan ko? Di ko nalang namalayan tumulo nalang bigla luha ko. Namula at sumisingot na ko.




"Omg Stella. Don't tell me you like her na?" Tanong ulit sakin ni Sandy. Nilapit niya yung upuan niya malapit sakin. Tinabihan niya ko. Ako nakatingin parin sa labas habang umiiyak, hinihimas himas niya likod ko habang sinasabi niya sakin na magiging OK lang ang lahat. Namimiss ko siya bakit ako nangkakaganto. Parang di ko kaya na bigla nalang magka ganon. Gusto ko siya makita. Gusto ko siyang kamustahin, gusto kong sabihin na gusto ko siya, gusto kong sabihin na gustuhin niya rin ako pero pano?

My Giant Star(Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon