"Hi po ate! I'm back!" Ngiti sakin nung batang grade six. Aba dumating nga. Kala ko naman niloloko lang ako eh. Ano bang malay ko.
"Eto po ate oh." Inabot sakin ni Mich (shemay tinawag ko siyang Mich) Mukang nilsteran pa ko ng batang to ah.
"Ah pinabi igay po ni ate Mae yan eh. Nakakatawa nga po eh para hindi siya mapansin ng mga teachers niyakap po niya ko nilagay niya po sa bulsa ko yan sabay sabi na ibigay ko daw po sayo yan." Sabi niya sakin. Actually nagulat ako sa sinabi niya.
"Eh bat nagtatawanan kayo kanina?" tanong ko sakaniya.
"Ah nag joke po kasi siya. Bentang benta nga po sakin eh. Hahahaha, sige po ate Stella una na po ako iniintay po kasi ako ng mga kaklase ko eh babye po" pagpapaalam niya sakin ng nakangiti. Tinawag niya pala kong Stella, ibig sabihin kilala niya ko. At pano naman niya ko nakilala?
Hawakhawak ko yung bigay na sulat sakin. Sa totoo lang ayokong nakakatanggap ng sulat eh. Kada nakakatanggap ako natatakot ako. Natatakot ako kung ano yung laman, natatakot akong mabasa yung hindi ko dapat mabasa na alam kong masasaktan ako kung meron man. Natatakot akong makita yung nakalagay dito. May parte sakin na ayokong basahin at gusto kong basahin. Half half kungbaga.
Mahigit trenta minutos na nakalilipas pero hawak at nag dedesisyon parin ako kung bubuksan ko ba o hindi tong sulat na to. Natatakot akong basahin, nangbiglang may kumalabit sakin.
"AY PUSANG PANGIT!!!! ANOOOBAAAA!!!!" Sabi ko, nagulat ako eh kinalabit ako ni Sandy nangpaalam palang mag washroom.
"Hahahhahahahaha kala ko naman malungkot ka dito pero muka namang hindi hahahahaha." Pagbibiro ni Sandy sakin.
"Ok lang ako adik ka talaga!! O kamusta na si ma'am sungit?" Tanong ko kay Sandy
"Ayun masungit parin. O sige na bumaba lang ako para kamustahin ka. Ingat ka ah wag kang mag alala 2 oras nalang Stella hahaah!! Ako na bahala sa lectures mo. Byeee" pang aasar niya sakin.
"Baliw!! Hahaha" sabi ko kay sandy. Eto hawak ko parin yung letter. Osige wala na kong magagawa bubuksan ko na to. Pero Lord ikaw na bahala sa magiging reaksyon ko ah. Binuksan ko na nga.
Date: May 2, 2013
Time: 1am
Place: bahay ko na walang laman
Subject: ikaw at akoHi! Ah mag seseryoso ba ko o hindi? De joke mag seseryoso ako. Kamusta ka na? 2 weeks and 6 days na tayong di nag uusap ah. Mag iisang buwan na. Kaya mo pa ba kong iwasan? Kasi ako hindi na, may nagawa ba ko? Kung meron sabihin mo naman sakin oh. Mahirap kasing manghula. Ang sabi mo kaibigan mo ko? Ang sabi mo tanggap mo ko? Bakit bigla mo nalang ako iniwasan? Masakit sakin na sa araw araw kitang nakikita dinadaanan lang kita. Txt ako ng txt sayo pero hindi ka nag rereply. Bakit ka ganyan? Bakit ba may panahong kakausapin mo ko at masaya tayo pero after non makalipas lang ng ilang araw di mo ko kakausapin ng tatlong araw tapos kakausapin mo na naman ako na parang walang nangyari? Tapos gagawin mo nanaman. Ginagawa mo ba yon kasi alam mo na hindi kita matitiis? Nakakapagod eh. Ngayon na ko napagod. Gusto mo malaman kung ano? Oo gusto kita, gusto ko humigit pa tayo sa pagiging magkaibigan kasi sayo ko nararamdaman yung kumpleto ko eh. Gusto ko palitan ng mas magagandang bagay yung mga masasamang nangyari sayo dati. Pero ayaw mo kong payagan. Ngayon alam ko na, alam ko na ayaw mo na kong papasukin diyan sa buhay mo. Rerespituhin ko yon. Pero sana sabihin mo man lang sakin kung ano yung problema mo ng maintindihan man lang kita kahit papano.
-Mae
Ito yung ayokong mabasa yung totoong ginagawa ko. Di ako umiyak. Ok lang ako e yun yung alam ko. Pero sa loob ng puso ko gusto kong umiyak at sabihing gusto ko din siya pero alam nasaktan ko siya.
Natapos na ang araw. Ako nakatulala at hindi alam ang gagawin. Nagpaalam na ko kay Sandy na mauuna na ko umuwi sakaniya kasi hindi pa maganda yung nararamdaman ko. Pumunta ko sa pool section ng hotel. Nag isip ako ng pwede kong gawin.
"Lord isang sign lang isang malaking falling star lang gagawin ko na lahat." Nag antay ako. Pero makapal ang ulap mukang wala. Isang oras ako nag antay pero wala talaga. Tumayo ako at naglakad papunta sa unit ko. Nang may biglang bumagsak sakin.
"ARAY!! Ano ba yon!!" Sabi ko
"Ay ma'am sorry po! Nag dedesign po kasi kami ng building. Di po namin sinasadya. Sila po kasi nakaisip na ilagay tong malaking star sa may glass eh. Sabi na eh makakasakit" sabi nung isang trabahador don.
"Falling star??" Sabi ko habang hindi parin ako makapaniwala.
"Nako ma'am!! Nagdudugo po nuo niyo! Teka po kukuha ako ng first aid," sabi niya sakin pero hindi ko yon naintindihan tumakbo ako. Nagmadali ako, nagpara ako ng taxi at sabi ko sa drive na bilisan at dalhin ako sa bahay ni Mae.
Masaya ko na kinakabahan, ang gusto kong mangyari ay makita ko siya at sabihin din ang nararamdaman ko. Sana matanggap parin niya ko kahit na ang dami ko nang masang bagay na nagawa sakaniya. Bumaba ako sa taxi at binayaran ko siya. Nasa harap na ko ng pinto nila Mae. Kakatok na ko kaya ko to!
*TOK TOK*
Ang tagal buksan ni Mae yung pinto naka dalawang beses ako nung pangatlo na bumukas na. Nakita ko siya sasabihin ko na eto na to talaga.
"Mae! Gus...." Sasabihin ko na nang may nakita akong babae sa likod niya. Babae na mahaba ang buhok, maputi siya katangkaran ni Mae. Nakapangtulog at maganda siya.
"Sino siya?" Sabi nung babae sa likod niya. Nagulat ako, hindi ko siya kilala anong ginagawa niya sa bahay ni Mae?
"Ah sorry dun ka muna sa loob sunod nalang ako." Sabi ni mae sa babae. "Oh Mae bakit? Napadaan ka? Pasok ka tara!" Pag aalok pa sakin ni Mae.
"Ah hindi gusto ko lang sabihin na Mae salamat sa lahat yun lang! Sige aalis na ko." Sabi ko sakaniya
"Teka napano yang nuo mo! Teka tara dito STELLA!!!" Sigaw sakin ni Mae pero tumalikod na ko ng parang walang naririnig. Napatulo na luha ko, ang buong alam ko ok lang ako pero nasasaktan ako. Ang sakit sakit talaga eh sobrang sakit. Huli na hindi ko na mababalik yung dating kami.
BINABASA MO ANG
My Giant Star(Lesbian Story)
RomanceStella Meyer is a High school student who's stil confuse of her gender after what she had experienced with her past relationship with a boy. All of a sudden a girl named Mae Sparks who is secretley a tom fall inlove to her. Will Stella accept or rej...