------------------------------------------ Moment Memories no.1 ---------------------------------------------------
Ryan Magpayong:Mahal ko na si Angela nung unang araw pa lang ng pasukan sa kolehiyo.
Nagkaroon na ako ng interest sa kanya bago pa lang siya makipag usap sa akin.
Napakagaan ng loob ko sa kanya.Tapos, simula nun ay nangarap na akong mag-aral nang mabuti, dahil siya'y ispesyal na tao.
Hindi siya tulad ng iba kong kaklase na sobrang matalino...i mean tama lang.
Sa lahat ng pinagdaanan ko ng high school ay sobrang depres ako.
Kasama ko palagi ang mga kaibigang Nerds: mga taong di naman napapansin sa lipunan, pero magugustuhan naman sa pagiging mabait sa babae, at observant sa paligid.
Nagkagusto na ako kay Angela; hindi lang dahil masayahin siya, at tulad ko rin siya na inuudyok ng mga tao sa paligid.
Parang kami lang kase ang nagkakaintindihan, kung papaano niya ibagay ang kanyang sarili sa mga tao, na mas lalo na sa aking tigang na pagkatao.
Pinakita niya sa akin ang kagandahan ng mga bagay: makipag-usap nang confident sa mga tao; kilala ko kase sila bilang mapanakit na tao.
Parang tinuruan niya akong mahalin ito sa kabila ng paghahasel sa akin.
Di ko nga alam kung bakit nag-iba yata ako!
Ako yung tipo ng tao na ayaw sa mga korning tao.
Araw-araw kong nakikita ang kababawang magpahayag ng kanilang nararamdaman, at kung paano nila sang-ayunan ang kanilang sarili---walang originality---malaya silang sumang ayon sa lahat. : |
Ngayon ay kasama ko na ang mga tunay na kaibigan:
Matapat at mapagkatiwalaan: mga nerds at iba pang nagpakatotoong tao sa akin.
Ang ibang mga tao sa STI Calamba'y parang iba iba ang perspective tungkol sa amin.
Kapag makikisama kami ng parang normal sa tao'y hindi nila maiwasang umalis ang mga mata sa amin, at meron pang nag indirect attack habang kami'y nakatalikod---kami lang naman ang mga grupo ng lesbians, giks, at non ordinary living things!
Kung kaya'y agad rin kaming nag emerged para sa pagkaka isa at maintindihan pa ang aming sarili.
Ganun na talaga ang pag iisip natin ngayon...
Pero ayaw ko talaga ng ganoong uri ng komunikasyon, dahil nag paalala lang sa akin ito ng masakit na karanasan ng isang api.
Meron talagang time na ayaw kong ituring na naiiba sa ibang tao at tropa ko.
Nagustuhan ko na rin ang mga totoong tao, nung nakilala ko si Angela na parang hulog ng langit!
Sa totoo lang, ay ewan ko ba kung bakit nahulog na lang ako sa duyan niya?!
Siguro sawa na ako sa mga porn videos; ayaw ko na ng mga mababaw na babae; parang wala na ring kaseng tiwala sa kanila!
Kaya habol ko na lang ay true sexy love XD
Siya'y simpleng babae lang, ngunit talagang pambihira at katangi tangi!
Tuwing tinatawag niya akong "Hello school mate, kamusta!", At sabay ngiting parang bata; eh hindi pa kami'y magkakilala nun; e alam ko lang nung time na ito'y nagpapakilala lamang ng kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
♥ A.R Love Story ♥
Teen FictionHighest Rank Achieved: #3 epiclovestory #8 collegestories #27 collegelovestory Ito ang kwento ng kapwang Nerds, na mag schoolmate sa unang araw ng 1st year college, na nagka unawaan, sa kabila ng mga mapanakit na bagay bagay sa kanilang scho...