Angela Dela Cruz:
Nakipagbreak na ako sa boyfriend kong si Jack. Pinaliwanag ko sa kanya ang desisyon, kung bakit ako nakipagbreak. Alam kong hindi ito agad matatanggap ni Jack, pero sa huli'y tinanggap niya rin ito. Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan na feeling ko'y naging malaya na naman ang aking pagkababae o medyo nakakarecover na ako, na mas nagpokus na lang ako sa masasayang bagay: sa pamilya at kaibigan ko, at mga projects, lalo na sa computer programming.
At dahil rin kay Ryan kung bakit tumaas ang passionate na magfocus muna ako sa pinaka importanteng bagay.Nag Youth Program for First Year Students only kami. Naging masaya at makulay ang buhay naming estudyante, na dahilan para may kapulutang aral at kaalaman tungkol sa aming mga kabataan; tinuruan kaming pangalagaan ang aming sarili: magpakatotoo, na tungkol din sa 'in teenagers relationships...', at higit sa lahat ay ang pagkakaroon ng self confidence at disiplina.
Naging masaya rin ang overnight ng mga genius kong ka grupo sa computer programming leadership para sa project naming kinabukasan.
Pagkapresenta namin ng project sa prof., ay nagsuccess kaming mapagana ang computer program kaya nagalak kaming lahat sa room, at nagcelebrate kami, sa magandang kainan ng SM Calamba. Nagselfie pa kaming lahat nang masasaya, at magagalak.
I'm 16 years old at feeling young, wild and free like a 'magot babes'. Bukas ay magseseventeen na ako kaya naman sinabi ko agad ito sa butihin kong mga kaibigan.
Hindi pa rito natatapos ang pagsasaya, dahil manghuhung over pa kaming mag tropa na pinangakuang mag iinuman at magpa party. Pinayagan naman ako ng magulang ko na sumama sa kanila dahil malapit lang ito sa bahay namin; kinala naman sila ng magulang ko, dahil kababata ko sila.
Magdamag kaming nagparty party. Friday naman bukas e, at sa sabado'y school trip na ipagdiriwang ang anibersaryo ng school namin sa Enchanted Kingdong sa Sta. Rosa Laguna, sa dadating na September 27.
Dumating na rin ang araw ng birthday ko. Aba! Naghanda talaga kami, at sayang ay hindi pa ako magdedebu sa 18. Masaya naming dinaraaos ang kaarawan ko na kasama ang mga kaibigan, kaklase, magulang at manliligaw kong kaklase, na si Raymond Abines. Dahil close friend ko rin siya'y nalaman niya sa ingay ng kaklase ko, na break na kami ni Jack.
Ngayon, ay hindi ko akalain na umiinom rin pala siya ng alak; ang tingin ko kase sa kanya'y tahimik lang at mabait pero marunong pala siyang makisama sa tito, tita't tatay kong malakas uminom. Nanliligaw kase siya sa magulang ko muna bago sa akin, kaya pinayuhan muna ng magulang ko na maghintay pa siya, bago ako maging girlfriend, na sa halip, ay intindihin na lang ang pag aaral.
Aaminin ko, na matigas ang ulo ko. Kapag nakita na ng magulang ko na may boyfriend na ako pagtumagal ay matatanggap rin nila ito.
Tuwang tuwa ang mga kaklase ko sa aking birthday party, at sa panliligaw sa akin ni classmate Raymond Abines sa gabi.
Kinabukasan, ay nagkita na kami ng mga tropa sa school ng STI, na nakahanda na ang bus na sasakyan namin. Ito'y may bawat numero kung saang sasakay ang magkaibang kurso ng mga estudyante. Masaya ang iba na nabalitaan ang nangyari sa birthday party ko kagabi, pati na ang panliligaw sa akin ni classmate Raymond.
Naghihintay na lang ang mga estudyante na makasakay ng bus nila, samantalang ako'y relaks lang, dahil marami akong kaibigang nakaka excite magkwento. Tumatiming si Raymond manligaw muli sa akin, na kasama niya ang kanyang mga tropa, na pinagkukunan niya ng lakas ng loob na lumapit. Nakalapit na siya sa akin. Maraming taong nagtinginan at kinilig sa amin, lalo na ang mga kaibigan ko; matagal din kami nagkaintindihan at nagkausap ni Raymond.
BINABASA MO ANG
♥ A.R Love Story ♥
Teen FictionHighest Rank Achieved: #3 epiclovestory #8 collegestories #27 collegelovestory Ito ang kwento ng kapwang Nerds, na mag schoolmate sa unang araw ng 1st year college, na nagka unawaan, sa kabila ng mga mapanakit na bagay bagay sa kanilang scho...