Trouble in two lovers

54 4 0
                                    

Angela Dela Cruz:                                                                                                   

Nung sumunod na mga araw, ay nagkita kami ni Ryan sa school. Nabalitaan pala niya ang tungkol sa post nung nakaraang party sa Facebook.

Hindi na raw ako nagpapakita sa kanya.                                                                                                              

Kung tinatawagan naman niya ako'y bigla na lang daw akong nawawala na ang totoo ay tinataguan ko nga siya.      

Maraming papuri ang tinatamasa ko sa mga kaibigan ko, at sa mga friends sa Facebook, dahil kay kila Kevin, ngunit hindi ring maiwasang may bashers, dahil rin siguro sa mga nagiging boyfriend ko. Ok lang dahil sanay na rin ako.

At merong din namang ibang taong hindi supportive katulad ni Ryan. Aba! Iba na ang posture niya ah-straight na siya, na parang may confidence na, ngunit may salamin pa rin.

May pagka nice guy pa rin pero seryoso na, at funny kung makipag usap sa tao. May pagbabago na talaga sa kanya, at may kasama siyang mga tao nung humarap siya sa akin.

Ngunit nung kinausap na ako'y nag iba siya ng shift!

Paano na raw ang mga achievements ko, na pinagyayabang raw sa kanya, pag aaral, at specially daw ang mga mahalaga sa akin?! Kinala ko ba raw kung sinong taong pinakikisamahan ko araw araw, at ang pag iiba ng aking sarili?!

Wow, hindi ko alam ang sinasabi niya, at mas lalong hindi ko siya kaano ano; mabuti pang hindi ko na lang siya nakilala noon e! Nangingi alam na siya.

Nagalit na ako sa kanya, pero hindi ko pa siya pinagtaasan ng boses.

Hindi ko siya maintindihan; ayaw na lang niya maghanap ng ibang babae; totally naman ay may alam na ngayon siya?! Si kristelle di ba?! Pero kahit anong effort ng kaibigan ko sa kanya'y inamin ni Ryan na mas focus raw siya sa akin, at hindi raw niya talaga maintindihan kung bakit lumalayo ako, at nag iiba raw.

Alam niya sa sarili na may gusto rin raw ako sa kanya, at ramdam niya ito. Nagpapasalamat daw siya kay Kristelle dahil isa siya sa naging parte ng buhay niya, nung wala ako sa pagbangon niya;

Pero ako raw pala ang gusto niya; ang palaging hanap hanap niya, at nagpapagaling, na galit niya itong sinabi sa akin. Gusto lang naman daw ni Ryan na mapabuti ako.

Hindi na lang daw niyang gugustuhing magpakita sa akin, kung gagawin ko raw na lumayo sa kanya at pipiliin ko lang ang lugar, kung saan ay walang makakaintindi sa akin.

Walang makaka intindi?! Sinagot ko siya tungkol kung anong mayroon sa kanila; kung bakit mas gusto ko sa kanila; kung bakit ako galit sa kanya dahil sa sinabi niyang hanap ko lang naman daw ay isang 'Trophy boy...'?!

WTF! Dahil wala siyang karapatang sabihin sa akin itong pagbabastos, ay bigla na lang akong umiyak, at sinuntok siya.

Nandito kase ang hanap kong mga taong magpapasaya sa akin: mga kaibigan, advice, party, relationship, at iba pang benefits.

'PERO ANO RAW BA ANG TUNAY KONG KAGUSTUHAN AT KAILANGAN HUH!': ang sigaw niya na nagpaliit, at nagpatulala sa akin; naniniwala siyang hindi ito ang tunay kong kailangan.

Pinauulit ulit pa niya ito na parang hindi ko na maintindihan; naaapektuhan na ako; maski ang mga sugat ko'y nagpapa high blood na sa akin.

Naaalala ko ang mga advice sa akin nung nakaraan.

Hindi ko pa ba raw nahahanap ang tunay na magpapasaya sa akin mula sa mga sumusuporta: magulang ko, kapitbahay, tunay na kaibigan, at siya?!

Nung nakita niya akong nasaktan dahil sa sinabi niya'y nagpasensya siya, at tina try niyang ayusin ito, na parang nagsisisi pa siya, kaya bigla na lang akong umalis sa harapan niya sa sobrang higpit ng aking nararamdaman.

♥ A.R Love Story ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon