Ryan Magpayong:
Nakaka miss namang pumasok sa school. Mag ii special exam na lang daw ako ng midterm, at prefinal sa finals. Masakit pa rin ang mga natamo kong pasa, bugbog, at bukol sa anumang parte ng katawan ko. Hindi ring gaano ako makalakad nang maayos kaya kailangan ko ng pangsaklay. Nakaraang dalawang linggo pa ako nakalabas ng hospital. Binayaran na pala ni Angela ang bills namin sa Hospital, at mga gamot ko.Haisst! Nakakahiya naman. Kailan ko kaya ulit makikita si schoolmate Angela? Miss na miss ko na siya!
Kagigising ko lang nang umaga. Walang nagtetext ni nag mimiss call sa lumang cellphone ko. Simple lang ang bahay namin: kubo, at sa likod nito'y mga pananim na palay.
Ang sinag ng umaga'y kay sarap kung tumama sa balat ko. Ang mga pananim ay ok lang. Ikinabubuhay namin ay pagtatanim ng palay; mga magsasaka kami. Nagpa music muna ako na lagi kong routine araw araw para matanggal ang kirot ng mga sugat, pasa, at depression sa umaga.Gusto kong maka text si Angela, pero hindi ko naman nakuha ang cellphone number niya, kaya kinausap ko na lang ang mga tropa ko.
Usap usapan na pala ako sa STI Calamba na pinagbubugbog para lang maipagtanggol ang irog kong si Angela. Sa tingin ninyo kung paano ako nakapag aral sa STI school? May tito kase akong nagtatrabaho sa Seoul, South Korea ang nagpapaaral sa akin.
Paglabas ko ng bahay, ay bumulingaw ngaw sa akin ang mga masasayang tao na kanya kanyang gawain sa labas ng mga bahay. Umaalingaw ngaw na naman ang giyerang sinapit ko sa kamay ng mga bumanat sa akin.
Maaga si mama na namang nagtanim ng gabi' sa bakuran namin. Nung nakita ako'y pinagsabihan munang magpahinga. Baka kase ma injury raw ako. Sabi ko naman sa kanya'y ok lang naman na ako kaya mag eehersisyo muna ng paglalakad. Araw araw ko kase itong ginagawa para gumaling na ako nang mabilis. Hindi muna ako pinapasok sa trabaho sa computer shop.
Dumating na ang buwan ng November, at tumama na ang araw na ito sa araw ng mga patay, kaya maraming katatakutan ang naganap sa amin, pero hindi naman ako natakot sa kanila. Pero mas natakot ako kay Oliver... Ha ha ha Biro lang! Kausap ko nga pala ang mga tropa ko. Habang tumatagal ang boredom ko'y nadedepress na ako talaga dahil sa ginawang masakit sa akin ng tao at matagal na rin ako sa bahay na nagpapagaling. Kung naaalala ko ito'y parang pinapanalangin na ayaw ko ng magising araw araw, at magigising na lang ako kung kailan ko gusto.
Pero sanay na rin ako. Dito ko na ngang nakuhang maging malakas, tapos ay susuko pa ba ako?!
At ganun din palagi ang ginagawa ko na laging nasa bahay; nakakainis ni hindi ako makapag gala kung saan ko gusto. At hanggang sa dumating na naman ang buwan ng December. Kamusta na kaya ang mga kaklase ko. Nagtetext naman sa akin ang iba pero iilan lang, pero atleast may nangungumusta.
Masaya na naman ang buwan ng December sa akin, at ilang araw na lang pasko na, na ramdam ko na naman ang malamig ng simoy ng hangin.
At malapit lapit na rin akong gumaling. Pero sana'y gumaling na talaga ako...Ayaw ko na talagang maging talunan...Hanggang sa nagpasko na at nag saya kami, at dumating na rin sa araw ng New Year's Day. Grabeh ang saya kapag nakikita ko ang mga taong sobrang saya!...
Iniisip ko kung paano ako makikipag usap kay Angela nang regular para makita ko na siya?!
Miss na miss ko na siya talaga. Habang tumatagal ang hindi ko pagpasok sa school, ay mas lalong umaalab ang pag ibig ko na hindi ko maintindihan.
BINABASA MO ANG
♥ A.R Love Story ♥
Teen FictionHighest Rank Achieved: #3 epiclovestory #8 collegestories #27 collegelovestory Ito ang kwento ng kapwang Nerds, na mag schoolmate sa unang araw ng 1st year college, na nagka unawaan, sa kabila ng mga mapanakit na bagay bagay sa kanilang scho...