Ryan Magpayong:
Nabalitaan ko ang nangyari nung nakaraang rumble, at nakita ang resulta nito sa Facebook.
At kasalukuyang pinag uusapan si Angela dahil sa ex-boyfriend niyang si Kevin; mayroong mga negative at positive issues tungkol sa kanya, at sa aming dalawa, ngunit wala lang sa akin ito, na mas may pakialam ako sa kanya.
Gusto kong makita na si Angela sa College Night. Nag aalala na ako kay Angela...
Saktong six na nagsimula ang College Night.
Late na akong nakapunta kaya pagpasok ko pa lang ay sayawan, at tugtugan na.
Pagmulat ko'y mistulang panay silang bida sa palabas: may mga mala prinsesa na parang may mga prinsipe silang sasayawan. May mga photographers, staffs, mag couple kasama ang mga tropa nila, mga nagkukwentuhan at nagsasayang teachers.
Sosyal ang pag set up ng College Night, at maganda ang mga ilaw.
Sa gilid ay mga lamesa't upuan na pinagtatambayan ng mga masasayang tropa, at sa gitna naman ay 'Rock n' Roll na'; wala pang gaanong mellow music ang pinapatugtog; first time akong makakita ng ga Hi Energy ing sumayaw, at magsaya. May mga tao ring hindi naman nakikisayaw o nakikibagay, na nakiki 'mafia' lang.
Mayroon ding mga bida't kontrabida sa party na lagi nating nakikita sa soup opera o T.V., na hindi na mawawala ang mala kwentong 'prinsesa't prinsipe'. At may nakikita akong mga bullies, pero ok naman silang makibagay sa mga tao. And the rest, ay mga normal na taong nakikibagay lang.
Ngunit hindi rin pala mawawala ang pinagtutuunang pansing reyna na nanalo sa STI beauty queen, o isang Campus Queen, at mga kaibigan nitong mga batang babae. Magaganda sila, at bongga ang kasuotan.
Umiikot sa kanila, at pinupuri ng mga prinsipe nang may respeto. Hanggang sa may napili na at sumayaw na sila. May isang stage kung saan umaakyat ang iba para magsaya at sumayaw.
Tuloy tuloy lang ang party!
Ngunit nasaan na nga ba si Angela Dela Cruz?
Nakita ko ang mga kaklase ko sa may gilid ng sayawan. Relaks muna ako kaya nakipagkuwentuhan muna, at tinanong ako kung ok na raw ako, na sabi ko'y YES! :D
Tinanong ko sila kung nakita ba nila si Angela Dela Cruz ang fullname. Hindi pa raw nila nakikita, hanggang sa malugod na natapos ang rock n' roll music.
Naalala ko na naman ang bangungot na kantang ' Before I let you go', nung nag seniors' night kami ni Trish noon...Wala na pala ito; Move On na! :D
Nais ko nang makita si Angela. Kaya nung nabigo akong magtanong sa maraming tao, bago matapos ang tugtog ng rock n' roll, ay sinubukan kong tumaas sa upuang hagdanan para hanapin siya, at ito nga na nakita ko na siya sa malayo.
Tama ang akala ko'y parang may pinagdadaanan siya. Nangungunti ang mga kaibigan niya, dahil niyaya silang sumayaw, pero wala man lang sa kanya nagyaya.
Ang ganda pa naman ng gown niya!
Nung nagsimula na ang tug tog ng...Before I let you go-Freestyle!
Nakaramdam na agad ako ng kaba, pero kami pa rin dapat ni Angela ang bida rito noh!
Sa pag intro'y nagsimula na akong bumaba para puntahan na siya, kahit nasa malayo, at marami nang nagsasayaw na mga tao: mga pinakilala kong mga tauhan kanina maliban sa may gilid section lang, at nakiki mafia! ;D
Masaya namang sumasayaw nang parang El Bimbo ang magkaharap, at magkahawak na mag partner sa isa't isa. Nakakatuwa talaga silang pagmasdan kahit trying hard silang sumayaw sa likod ng kanilang pagkukunwari; feel na feel talaga nila ang music kahit hindi pan pormal talaga ang pagsasayaw nito; parang silang mga taong hindi pa nauulanan ng blessings na bago palang sa kanila ang pagbabasbas. Samantalang ang iba'y nanatiling active sa kanilang pinag aabalahan.
Hindi ako nagpadaig sa maraming tao dahil nakipagsiksikan talaga ako, maabot ko lang si Angela. Ano na kaya ang nangyayari kay Angela sa unahan...?! Nadedepress na kaya siya?!
Malapit ko na siyang mapuntahan.
Hanggang napuntahan ko na siya nung saktong second stanza na ng music na ito.
Siguro'y tuwang tuwa para sa akin si Kristelle, at iba ko pang kaklase, at kaibigang bullies kung nakita nila kami ni schoolmate Angela.
Nagtawagan kami ng dati naming tawagan na: 'Hi -SchoolMate-Ryan at Angela'!
Nung nakita niya ako'y agad niya akong niyakap, at niyakap ko rin siya. Na miss ko talaga siya nang sobra. Tuwang tuwa siya dahil ok na raw ako, dahil hindi niya raw mapapatawad ang sarili niya kung may mangyaring masama sa akin. Inaamin na ba niyang iniibig ako?! Obvious naman sa katawan niya kaya nag keep in touch na lang kami.
Nagsayaw kami nang may tears of joy, at buong humor, na basta'y hindi talaga namin ma express ang moment na ito nang sobra!...
Kinamusta ko siya, at sinagot din naman niya ako with confidence, na may buong pag aalala rin.
Sobrang nagsosorry siya para sa akin, pero hindi na talaga mahalaga ito.
Ang mahalaga'y inamin na namin na kami'y para sa isa't isa, at ito'y maswerte talaga dahil hindi lahat ng ganito'y nangyayari kung maaga pa. Ang dami naming pinagdaanan bago kami nagka aminan sa pag ibig.
Hinihintay pa rin sa akin ang pagtanggap ng sorry niya. Hindi ko alam kung anong mayroon, kung bakit pa niya ito hinihingi.
Alam ko na! Ayaw ko namang mawala na lang siya sa akin, kung sasabihin kong pinapatawad na siya dahil ito lang ang magpapaginhawa lang sa kanya. Alam kong nahihiya, at nagkokonsesya siya kung papatol pa ba siya, kahit na iniibig naman niya ako, dahil ayaw na niya akong mawala sa buhay niya. Maulit pa ang isang pagkakamali'y hindi na raw niya matatanggap ang sarili. Kaya nagdesisyon siyang lalayo na lang sa akin.
Hindi ko ito tinanggap. Pero sabi niya'y hindi pa ba kami mulat sa nangyayari sa lahat ng naging boyfriend niya..., sa magulang, pag aaral, at sarili!... Malakas na pinadama niya sa akin ito-(Kunting silents...). Sinayaw ko ulit siya.
Pero ang kailangan lang naman namin ay magtiwala sa natataglay naming pag ibig eh.
Kung hindi man naming magawa'y atleast binigay namin ang best...pero may tiwala kami sa aming pag iibigan, at alam kong matibay ito.
Oo, lahat tayo'y may pagkukulang pero tao lang kami; hindi namin masisisi ang sarili.
Kaya ito lang ang alam ko, na ang magtiwala lang sa pag iibigan namin; ang pinaka best Gift at Miracle sa buhay teenager namin, at sa susunod pang mga henerasyon, baby!!
Alam kong hindi pa ulit siya papasok sa ganitong relasyon, dahil gulong gulo pa siya. Pero sa maniwala o sa hindi'y ito na ang tadhana namin.
At nung umalis na siya'y saktong natapos na ang music, na dinala ko ang kanyang ngiti, at ginhawa, kahit na may pag aalinlangan.
BINABASA MO ANG
♥ A.R Love Story ♥
Teen FictionHighest Rank Achieved: #3 epiclovestory #8 collegestories #27 collegelovestory Ito ang kwento ng kapwang Nerds, na mag schoolmate sa unang araw ng 1st year college, na nagka unawaan, sa kabila ng mga mapanakit na bagay bagay sa kanilang scho...