The Reunion

67 4 0
                                    

Ryan Magpayong:                                                                                                                                                                                                                                    

Araw ng fiesta sa aming lugar nung pumasok ako ng computer shop para ako'y magtrabaho nang part time;                                                                                   

Ang mga tao at bagay na pumapalagpag, kung saan saan ay maiingay, dahil may mga naglulutong pamilya ng kung anu ano, sa labas ng bahay.

Magpapahuli pa ba ang pagka hospitable party ng pinoy, na lahat ng tugtog ng musika'y maiingay, nakakaaliw at masasaya;

Pumaparada at lumilibot sa aming lugar ang mga maiingay na bandang Drum and Lire.
            
Masasaya at maiingay naman na naglalaro ang mga players ng bilyaran at video karera, na mayroong din ditong makukulit na batang naglalaro, nag aasaran, naghahabulan at nag aakyatan, kung sino man ang may responsibilidad na sawayin ang mga ito na maiwasan ang aksidente sa daan o matataas na lugar, ay ang mga magulang.

Sa computer shop ako nagtatrabaho. May makikitang hanggang second floor na bahay, kung saan, ay nandito ito, na nasa ibaba naman ang coffee shop, na ang sosyal na pangalan nito'y may 'Le' tapos 'pangalan nito'.

August, Friday 12:00 am kaya wala kaming pasok. Makulimlim ang ulap at itim na itim, na parang uulan. Hindi pa ako nakakatunton sa mismong ground floor nito, nung inabutan na ako ng malakas na ulan, na dali dali naman akong tumakbo at sinakluban ko agad ng jacket ang aking ulo sa malakas na tagastas ng tubig. Umakyat ako nang tumatilamsik pa ito sa akin, at pumasok na ako sa pinagtatrabahuhan.

Pagpasok ko nang basang basa ang Jacket, ay bumungad sa akin ang malawak na pa-square na espasyo ng computer shop, na ang arrangement ng mga kompyuter ay nakaletrang pabaliktad na 'U', na sa gitna at ibaba nito'y ang main computer, na ito ang nagbubukas ng lahat ng costumer's computers, kaya madali si kuya Mark (ang namamahala), na makakamamasid sa gitna nito, kung sino man ang magtangkang bumuklat ng mga kalokohan sa internet.

Si kuya Mark ay mapayat at may pagkakalog kung makisama sa tao.

Aba! Marami pa lang kostumer. Mayroong mga kolehiyalang magaganda, simple o tama lang ang taste na hindi mayabang, at walang may pagkalandi kung kumilos at manamit na masakit sa mata.

May mga nakasanayan na naming estudyanteng maiingay at mayayabang na hataw palagi sa paglalaro ng Dota. Sa kabilang bakante naman, ay kaming magtropa, na mga Totoy Brothers pero mga sweet lovers!; mga naka ordinaryong pandamit pambahay: nakasando, maliit na shorts, ordinaryong T-Shirt-hindi na sikat o inaamag na, may langis o oil pa ang mga mukha na halatang may asim; sorry kung pinahaba ko pa, na kami'y simple at ordinaryong tropa lang.

Kaming mga Totoy Brothers pero mga sweet lovers: si Hustin, na madalas kong kasa kasama sa lahat ng masasayang trip, at introvert din siya sa kanyang malamyos na itsura, ngunit hindi siya nakasalamin na hindi katulad ko. Masayahin siya na nakikitawa lang sa mga biro ng tropa, at minsan ay nagpapahayag din ng mga kwentong barbero.

Dahil sa pagka introvert namin ay may pagkamahinhin kami minsan, mahina ang kompiyansa sa sarili, at namumuhay ng ordinaryong mamamayan nang masaya kahit walang special skills.

Si Jek Jek, ay isang mataba, mahilig magkwento ng kwentong barbero, at magaling magkompyuter na mas lalo nasa computer games.

Si Elmer, ay may pagkamapayat, na ewan ko kung ano ang impormasyon tungkol sa kanya, kase hindi naman siya madalas na nagpapahayag ng tungkol sa kanya e; nakikisama lang siya sa amin: nakikitawa, nakikinig at nagkukwento rin minsan ng kanyang kaunting kwento. Henyo siya sa pag aayos ng sirang gamit na mas lalo na ang kompyuter kaya naman dahil sa kanya'y mayroon akong trabaho rito sa shop bilang assistant niya.

♥ A.R Love Story ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon