Chapter 1: Fall
Zepheir Academy: The Princess Agony**
Luna Veralizza.
Mahinang mga sigaw ang maririnig mula sa akin. Nahihilo na ako sa bilis ng pagbagsak, may humihilang mahika rin sa akin. Hindi ko na dapat ito nararamdaman dahil wala na ako sa mundo marahil ala-ala na lang. The Secret Art. "Mi Virion Ze Ril," huling gamit ko sa aking libro pati ang mahikang iyon. The consequence of that spell is my life. But, what the hell is hapenning to me?!
My vision is starting to blur. I close my eyes. Another dimension? A guess, nor that idea popped up in my mind. That was impossible. I sacrifice myself for heavens' sake!
Sinubukan kong alalahanin ang huling mga bagay bago ang pagtatapos ng bisa ng Secret Art. Pero wala namang senyales sa makukuha roon. Kung anong pangyayari ang nagaganap.
Bumagsak ako kung saan. Ramdam ko ang pagtama ko sa lupa, tiningnan ko ang paligid. Open field? Malalakas na hangin ang humahampas rito. Makululay na bulaklak rin ang nagbibigay buhay sa lugar. Iilang mataas na puno rin ang makikita. Maganda ang lugar. Refreshing.
Tumigil na ang tila pag-ikot na nararamdaman ko kanina. Nakahinga ako ng maayos.
Napatayo at mabilis na pinagpag ang ilang mga lupa na dumikit sa katawan ko. Sigaw ng isang babae ang biglang nagpaingay sa paligid. Ang boses na iyon. Si Elisa.
Katulad nang nangyari sa akin kanina bumagsak rin siya sa lupa. Palingon-lingon pa ito. Biglang tumigil ako paglalakad papunta sa kanya kay Elisa. Nandito rin ang babaeng iyon, tiningnan ko ang mga paa ko kung bakit biglang akong napatigil sa paghakbang. Chain Lock.
Nakangiting pumunta si Elisa sa akin. Mabagal pa itong naglakad papunta sa pwesto ko. Napaupo ako sa biglang paghigpit ng mga kadena sa paa ko.
"Bakit andito ka?" tanong nya.
"Malay ko ba! Atsaka ano ba alisin mo nga ang mga kadenang ito!" sigaw ko.
"Huh? Sinasabi mo dyan. Wala akong ginagawa sayo. Baliw ka talaga."
"Bakit pangiti-ngiti ka pa ng lumapit sa akin kanina at ang bagal pa nang paglalakad mo? Nababaliw ka rin ba?" sabi ko ulit. Nanatili akong nakaupo sa lupa.
Umirap naman ito. "Wala lang! Gusto ko lang mag-inarte ng ganoon. Atleast mas maganda pa rin ako sayo! Witch."
Napahilamos ako sa aking mukha sa mga sinabi nya. "Talagang naisip mo ba ang ganyang mga bagay. Ang wirdo ng isip kong babae ka! Ewan ko sa iyo! Tulungan mo na lang ako para maalis ito,"
"Psh. Ayoko nga bahala ka diyan. Hahanap ako ng paraan para makaalis sa lugar na ito." akmang aalis na si Elisa ng sumigaw ako.
"Alam ko ang daan para makaalis dito. Kung tutulungan mo ko. Isasama kita palabas." sabi ko. I lied. Syempre yon lang naman ang paraan para may tumulong sa akin. Hindi naman pwedeng gumapang ako rito o umupo lang.
"Talaga? Mabuti naman at may silbi ka pa rin." lumapit si Elisa sa akin, tinulungan nya akong kalasin ang mga kadenang ito. Mabuti naman at mabilis namang natanggal. Nakatayo na ulit ako ng maayos.
"Ano na saan ang daan? Prinsesang baliw? May portal ba dito?"
"Ah-ano kasi, eh- pano ba 'to kasi nakalimutan ko na kung saan eh. Hehehe. Maglakad lakad na lang kaya muna tayo? Baka maalala ko lang kung pwede?" pag-arte ko. Kunyaring nakalimutan ko pero malay rin kung nasaan kami.
"WHAT?" sigaw ni Elisa halos magdikit na ang mga kilay nito.
"Vix Eliv." pagbanggit nito ng spell.
BINABASA MO ANG
Zepheir Academy: The Princess Agony
RandomZepheir Academy Princess Agony She become invisible. A lost princess, together with her last enemy the queen of darkness. Kinakailangan nilang tapusin ang misyon na ini-utos sa kanilang dalawa. To restore the pages of their respective book of spells...