Zepheir Academy: Princess Agony
Chapter 5: Balance, Rules and Limitations.
**
Luna Veralizza.
Matapos ang naging laban namin ni Elisa sa mga beast, katulad ko. Nakakuha rin s’ya ng tig-sampung mga pahina sa kanyang libro.
Ninety (90) na pahina pa. Ang dami pa namin na kailangan hanapin. Hindi ko alam kung kakayanin ito ng katawan namin, sana matapos na ‘to.
“Luna. T-tingin ko makakabalik pa kayo tayo?” bakas sa boses ni Elisa ang lungkot habang sinasabi n’ya ang mga salitang ‘yon.
“Oo naman ‘no. Magtiwala lang tayo. Pagsubok lang lang ito. Wala namang pagsubok na hindi pwedeng malapagpasan, hindi ba? Isa nga sa kasabihan ‘Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan.’” pinilit kong gamitin ang magiliw kong pagsabi sa mga salita para kahit na paano, magkaroon si Elisa ng tiwala na makababalik din kami.
“Psh. Ang dami mong sinasabi.”
Mataray na sagot pabalik ni Elisa sa akin. Natawa na lang ako at napailing. Masasanay din ako sa ugali nang taong ‘to.
Kung tutuusin, wala pala talaga akong choice kung hindi masanay sa presensya, sa pag uugali, pananalita nang tao kasama ko ngayon ang dating kalaban ko. Na ngayon ay kakampi at kaibigan ko na.
Dalawang taon. Ang tagal na pahanon. Gustong gusto ko nang bumalik.
“Nasaan na ba at hindi ka bumalik ang mga babaeng may makukulay na buhok.” inis na salita ni Elisa. Ang tinutukoy n’ya ay sina Alira at Leana. Ang mga taong tumulong at nagsabi sa amin ng aming gagawin.
“Mawawala na kayo ng tuluyan maging ang inyong mga pisikal na katawan. Maglalaho ng lang ng bigla. Parang bubbles lang in a snap of second your body will be gone, forever.” isa ito sa mga sinabi nila na natandaan ko. At ang aming misyon na. ‘The Lost Pages’ base narin sa pangalan nito ay ang paghahanap ng bawat pahina sa libro ninyong dalawa.” ito ay ang naging paliwanag ni Leana, dagdag pa na hindi kami pwedeng maghiwalay ng landas ni Elisa sa paghahanap dahil hindi magpapakita ang mg pahina.
“Kahit ako. Hindi ko alam kung kailan ulit magpapakita sina Leana at Alira.” sagot ko sa reklamo n’yang iyon.
Naglalakad na kami ngayon, sa Zepheria. Kung san nagsimula at nagtapos ang lahat.
Hindi ko alam kung paano kami nakapunta rito. Halos puro lakad lang ang ginawa namin. Lakas do’n, lakad r’yan. Hanap, masid. Ganyan ang gawain namin. Dahil ang nakakalungkot pa. Hindi kami nakikita ng mga tao sa paligid. Sa lagay namin ngayon.
Meisie. Charles. Zack. Reivy at si Ken.
Ang mga kaibigan ko na naiwanan ko sa Zepheir Academy.
“Tawagin n’yo ang mga taong makakatulong sa atin! Bilis, kung hindi lahat tayo rito ay masasaktan!”
Sabay kaming napalingon ni Elisa sa boses na narinig namin. Mula ito sa isang matandang lalaki na nagtitinda ng mga antigong kagamitan.
Nagtatakbuhan. Nagsisigawan na ang mga tao sa pagilid. Mga halimaw! Ang biglang sumugod sa Zepheria. Iba-ibang laki, pero pare-parehas na may matatalas na kuko at mga ngipin. Sunod-sunod at malalakas ang mga pagtapak ng mga ito sa lupa. Dahilan para mas matakot ang mga tao.
BINABASA MO ANG
Zepheir Academy: The Princess Agony
RandomZepheir Academy Princess Agony She become invisible. A lost princess, together with her last enemy the queen of darkness. Kinakailangan nilang tapusin ang misyon na ini-utos sa kanilang dalawa. To restore the pages of their respective book of spells...