Princess Agony
Chapter 3: Lost Soul Princess**
Luna Veralizza.
"Alis na lang kaya ulit tayo dito sister? Hindi pa naman ata magigising ito."
"Ano! Aalis na naman kayo? Mga baliw na makukulay na buhok! Matapos ninyo kaming iwan na nakipaglaban dito aalis na naman kayo?"
Sigaw ni Elisa yun panigurado.
"Atleast kahit papano, naranasan nyo ulit na lumaban. After two years. Tag team pa nga sila." sabay hagikgik ni Alira.
"Ang galing nga nila. Natalo nila yung arachna. Tama naman pala ang desisyon natin na wag silang tulungan." boses naman ni Leana.
"Mga bully kayong dalawa. Nakakainis kayo ng sobra, so kapag namatay kami doon ayos lang?" sarcastic na sabi ni Elisa base sa kanyang pananalita.
Hanggang dito ba naman may mag-away pa rin? Ayoko pang malaman nila na gising na ako. Makikinig na muna ako sa kanila. Masakit rin ang ulo ko.
"Naku! Delikado pag namatay kayo sa ganitong kalagayan." sabi ni Alira.
"At bakit naman?"
"Mamaya ko na sasabihin pag gising ni Luna." magiliw na litanya ni Alira.
Naramdaman ko naman ang mahinang pagtapik ni Elisa sa akin. "Gising na Luna, marami pa akong itatanong sa mga babaeng makukulay na ulo na ito."
"Grabe ka talaga sa amin 'no? Buhok ang may kulay sa amin okay? Hindi ang ulo!" si Alira ulit ang nagsalita. Tahimik naman si Leana.
"Whatever."
Hindi pa rin ako dumidilat kahit na tinatapik na ko ni Elisa, pero nung maramdaman kong malakas na hampas na ang ginagawa nito sa akin. Dumilat na ako.
"Ugh! Ganyan ka manggising ng taong tulog ang galing talaga." mahinang sabi ko.
Inirapan naman ako ni Elisa. "Ayan gising na si Luna. Sabihin nyo na ang mangyayari kapag namatay pa kami sa ganitong sitwasyon."
"Mawawala na kayo ng tuluyan maging ang inyong mga pisikal na katawan. Maglalaho ng lang ng bigla. Parang bubbles lang in a snap of second your body will be gone forever." paliwanag ni Leana.
Napatango na lang ako. Normal na siguro ang mga ganitong bagay. Kailangan na lamang namin na ingatan ang mga sarili namin.
"Pero nasaan ba tayo? Zepheir Clinic?"
Umaasang tanong ko. Sana nga nasa clinic kami ng paaralan. Nakahinga ako rito sa isa sa mga kama. Maliwanag na naman sa labas base sa nakikita ko mula sa bintana sa gilid. Umayos ako at umupo. Halos kulay puti lang ang pintura nang lugar na ito.
"Wag ka nang umasa Luna, masasaktan ka lang. Nandito lang kayo sa isang artificial place." malungkot na sabi ni Leana.Tumingin na lang ako sa bintana. Iniwas ang tingin sa kanila. Pinipigilan kong maluha dahil gustong-gusto ko nang bumalik. Magsimula ulit. Marami na panigurado ang nagbago sa loob ng dalawang taon.
Pero isa lang ang gustong hindi magbago. Si Ken... Ang nararamdaman nya sa akin. "I love you." huling narinig ko bago ang secret art at sana marinig ko pa ng mas matagal.
"Bakit naman nahimatay pa bigla ito si Luna nung gumamit sya ng spell. Ang arte lang." sabi ni Elisa.
Hindi ko na lang inintindi ang sinabing iyon ni Elisa at nanatiling tahimik.
"Atleast naligtas ka." pangbabara ni Alira.
"Baka may mag-away pa. Ang dahilan ng pagkawala ng malay ni Luna ay ang kakulangan ng mahika sa katawan, kaya hindi na pwedeng umulit ulit ang ganung mga move ha? Ang reckless. Saka mapapahamak ka Luna."
BINABASA MO ANG
Zepheir Academy: The Princess Agony
SonstigesZepheir Academy Princess Agony She become invisible. A lost princess, together with her last enemy the queen of darkness. Kinakailangan nilang tapusin ang misyon na ini-utos sa kanilang dalawa. To restore the pages of their respective book of spells...