Chapter 2: Spell

1.4K 59 13
                                    

Princess Agony
Chapter 2: Spell

***

Luna Veralizza.

Parang ginamitan kami ng kung anong mahika sa katawan. Nakatulala lang kaming dalawa ni Elisa, sa harap nila Leana at Alira.

Ilang munito ang lumipas, nagsalita si Leana. "Hayaan na muna namin kayo dito ha? Nawala bigla kayo sa mga sarili nyo, girls humiwalay lang kayo sa physical body ninyo. Okay?"

"Bye-bye muna?" kumaway pa si Leana sa amin.

"Wait lang- ano bang sil--" hindi na natuloy ni Elisa ang sasabihin nya dahil nawala na yung dalawa.

Tahimik ulit. Hindi pa rin ako makapaniwala na dalawang taon ang nakalipas. Dapat masanay na ako. Sa mundong ginagalawan namin everything is possible. Magic, ability and power.

Wala na naman akong magagawa? Ang dapat ko na lang isipin ngayon ay ang mga mangyayari. Itatanong ko na lang sa mga kaibigan ko kung anong nangyari sa nakaraang dalawang taon. Kung makikita ko pa sila.

"Okay ka lang?" tanong ko kay Elisa pagbasag ko sa katahimikan.

"Tinatanong pa ba yan? Well, kung wala ka lang maisip na sabihin. Hindi. Sino ba naman ang magiging okay kung nalaman nyang dalawang taon na pala ang nakakalipas mula ng mangyari ang lahat ng mga panahong nabubuhay pa. Hindi ko nga alam kung anong tawag sa atin sa kalagayan na ganito."

Sa kabila nang pagtataray sa mga salita nito. Kabaligtaran naman ang emosyon na nanggagaling mula kay Elisa. Sadness. Pain.

Iniisip ko na lamang ang mga posibleng mangyari kung magkikita kami. "Hi! Kumusta kayo tagal nating nagkita may nagbago ba?" pwede rin namang "I'm back!" ang pangit namang sabihin ano 'yun parang walang nanyari?

Hay. Pag-da-daydream na lang ba ang gagawin ko dito. Hapon na at hindi pa rin bumabalik sina Leana. Malay ko naman kung saan sila nagpunta.

Si Elisa naman umalis muna para maglakad-lakad. Hindi na rin kami nag abalang maghanap ng dadaanan dahil paniguradong tutulungan naman kami ng dalawang babae kanina na may mga kulay ang buhok.

Ken... Kumusta na kaya siya? Ang dami na namang nagkakagustong babae sa kanya for sure.

Umalis na lang rin muna ako sa puno, kung saan kami nagpagaling sa laban kanina. Hahanap na lang muna ako ng pwedeng pansamantalang tulugan. Mas lumakas rin ang ihip ng hangin dito. Sana makaalis na kami sa lugar na ito.

Sa paglalakad, nakita ko si Elisa sa isang mataas na puno. Nakaupo at tahimik na pinagmamasdan ang paligid. Levitation her sub magic. Dahilan kung bakit nakarating sya sa ganung kataas na lugar.

Pinagalaw ko ang mga halaman. Nakaupo sa taas nito. Nakarating naman ako kung nasaaan si Elisa.

"Hi!" bati ko dito.

Inirapan naman ako nito. "Bakit sumunod ka pa rito?" as usual nasa galit pa rin na pananalita.

"Nakakaboring kasing mag-isa."

"Kausapin mo ang mga halaman ng may magawa ka. Umalis ka na." tinulak pa ako paibaba. Mabuti na lang at nakakapit ako sa matibay na sanga ng puno.

"Parang kanina ayos naman ang ugali mo? Ang hirap mong pakisamahan," nagkibit ako ng balikat.

"Wala kang pakialam. Wag ka ngang plastic. Bitch please, hindi tayo ganun kadaling magkakasundo. Princess Luna." sabi nito sabay lipat ng tingin sa kawalan.

"What? Hindi kita pina-plastik kung 'yan ang naiisip mo."

"Ano palang ginagawa mo ngayon?"

Oh great! Ang galing nya talagang mang-inis, kung may kasama lang akong iba rito hindi ko naman papansinin 'to.

Zepheir Academy: The Princess AgonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon