Chapter 4: Beast**
Luna Veralizza.
"Alam mo ba kung ilan ang pahina ng bawat libro, Elisa?" tanong ko. Sabay kaming naglalakad. Magkasama na siguro talaga naming tatapusin ang misyon na iyon.
"Sa bilang ko nasa saktong isang-daan ang pahina nito." sagot naman niya.
"Sigurado ka?"
"Malamang nagtanong ka diba?" sarkastikong sagot nito. Hindi ko talaga alam kung makakasaup pa ba ng maayos ang babaing ito kahit minsan.
"Tara doon tayo." turo ko sa isang malaking karatula na nakalagay sa gilid katabi ng isang tindahan.
Lumapit naman kami rito. Tiningnan ang mga nakalagay. Iilang mga balita tungkol sa Zepheria ang makikita. Ngunit isang artikulo ang pumukaw sa atensyon. May pamagat ito na "The Fall of the Princess,". Pangalan ko agad ang unang mga salita na nakasulat rito. Luna Veralizza Feishin Celestial. Mahabang balita ang nakasaad doon, sinimulan sa di sadyang pagkakapasok ko sa Zepheir. Ang pagtuklas sa aking kakayahan, Iilang mga misyon na ginawa katulad ng pagpunta sa Spiritual Forest.
Nakasulat rin dito ang pagbalik nang alaala, at higit sa lahat ang katapusan na naganap noong dalawang taong ang nakalipas.
Maganda ang pagkakasulat nito, totoong mga impormasyon ang nakalagay at talagang detalyado. Hindi na ako nagtaka ng mabasa ko ang pangalan ng mga sumulat ngnasabing artikulo -Meisie Waest. Reivy Delphox, Charles Lux, Ken Lastrux.
Ang mga kaibigan ko. Nakakatuwa na kahit paano ay nagawan ako nila ng ganito. Parang pagsasabi na rin ng si Luna ang nagligtas sa atin.
Sinubukang kong tanggalin o kunin man lang ang papel na iyon pero may mahika na nakapaloob, nagkaroon ng maliit na tinik bigla ang pagitan ng buong karatula. Gustong-gusto ko na silang makita. Pinigilan ko ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Hindi na ako iiyak. Hindi na. Kailangan kong maging matatag.
Inalis ko na ang atensyon ko doon. Si Elisa naman ang tiningnan ko. Halos nagpipigil lang rin itong umiyak.
"Ayos ka lang?"
"Hindi malamang. Sadyang ngayon ko lang naisip na sobrang sama ko pala."
sabay iling na sabi nito."Talaga? Wow. Mukhang babait na ata, may nalalaman ka pang ngayon ko lang naisip. Ewan nga Elisa tigil na ang drama ang dami pa nating hahanapin na pahina." natatawang sabi ko na lang.
"Hmp. Sadyang may mga bagay lang tayong nagagawa na hindi na natin iniisip ang mga magiging epekto nito sa iba." mahinang sabi nito.
"Hay nako ewan ko sayo. Wala na tayong magagawa sa bagay na iyon. Nangyari na. Tapos na. Pabasa nga rin nyang balita tungkol sayo."
Katulad sa akin ginamit rin sa unang mga salita sa artikulo ang pangalan ni Elisa Caxion. "Lost." Basa ko sa mahinang boses, halos puro masasamang bagay ang nakasulat rito. Kung paano ang pagkasira na ginagawa ni Elisa sa lugar na gustong lang nito wasakin, ang kasamaan nito ng ugali. May mga salita pa rito na nagsasabi na kung gaano kasama si Elisa. Halos puro negative lang ang mga nakalagay rito, at si Elisa raw ang pinakabatang reyna na kayang pamunuan ang mga myembro sa dark guild. Hindi na naman nakakapagtaka ang bagay na iyon.
Dahil kung sa lakas ng mahika lang ay lamang na ito kanino pa. Noon siguro, ewan na lang ngayon dahil taon rin ang nakalipas. Ang pinagkaiba lang na kung sa akin may pangalan ang gumawa ng artikulo kay Elisa ay wala. Sinubukan nya rin itong sirain ngunit ayaw rin matanggal.
"Hayaan na nga natin ang mga papel na yan dyan." sabi ni Elisa, tinigilan na nito ang pagkuha sa papel. "Maglakad na lang ulit tayo. Kahit wala naman tayong pupuntahan. Nakakaloka."
BINABASA MO ANG
Zepheir Academy: The Princess Agony
RandomZepheir Academy Princess Agony She become invisible. A lost princess, together with her last enemy the queen of darkness. Kinakailangan nilang tapusin ang misyon na ini-utos sa kanilang dalawa. To restore the pages of their respective book of spells...