Chapter 9

5 0 0
                                    

Confrontation

Bakit kaya nagawa ni Kenzer yun? Oo, alam kong mainit ang dugo niya sakin pero kailangan ba talagang umabot sa ganon? Ano bang mapapala niya sakin? Oh well, bakit pa nga ba ako nagtataka. He's a bad boy after all.

Napagpasiyahan kong hanapin siya. Siguro ay hindi pa yun nakakauwi dahil naghihintay pa siya ng balita sa mga alagad niyang kumuha sakin.

Hindi naman ako nahirapan dahil nakita ko kaagad siya sa bench malapit sa oval. Dito ako tumatambay minsan dahil medyo tago.

He's not alone. May kasama siyang babae. Iba na naman 'to sa mga babaeng nakita kong kasama niya dati. Grabe, ang bilis naman niyang magpalit. Playboy.

Tapos ano? Makikita ko na naman siya kung saan na pinapaiyak yung babae habang nagmamakaawa sa kanya?

Pinagmasdan ko sila. Mahigpit na nakapulupot yung babae sa kanya, habang si Kenzer naman ay tila pilyong hinahalikan ang leeg nung babae. 

At talagang dito pa nila nagawang gawin ang mga nakakadiring bagay na yan? Sa campus pa talaga? Mga lapastangan. Gusto ko silang batuhin.

Hindi nagtagal ay napansin ni Kenzer ang presensya ko. Buti naman. Kasi konti na lang itutuloy ko na ang pagbato sa kanila.

Nanlalaki ang mata niya sa gulat habang tinitingnan ako. Nagtataka siguro kung bakit ako nandito at wala doon kasama ang mga lalaking inutusan niya para kunin ako.

Tinitigan ko siya ng masama. Agad niyang tinanggal ang pagkakapulupot nung babae sa kanya.

"Babe, mauna ka na munang umalis. May gagawin lang ako." Dinig kong sabi ni Kenzer sa ngayo'y tila dismayadong babae.

"Okay babe. I'll go ahead. See you tomorrow then." Sabi nung babae.

Pagkatapos nito ay mabilis na hinalikan ni Kenzer yung babae sa labi.

Struggling to breath, I look away. Hindi ko alam pero may kung ano sa akin ang nagwawala. Sa hindi ko alam na dahilan, ayoko sa aking nakita.

Umalis yung babae at ngayon ay kami nalang ni Kenzer ang naiwan.

I need to get this done and over with. I have to confront him.

Inhale. Exhale.

Maya-maya pa ay naunahan niya na akong magsalita.

"Ano ang ginagawa mo dito?" Tanong Kenzer sa naiinis na tono.

Siya pa talaga ang may ganang magtanong?

"Hindi mo talaga alam? Ha! Huwag na tayong maglokohan dito. Bakit mo ako ipinadukot?" I sneer as I emphasizes every word.

Halata sa mukha niya ang gulat pero agad din namang nawala.

"I don't know what you're talking about." Pagtanggi niya.

Ang kapal talaga.

"Pwede ba, huwag ka ng magmaang-maangan pa. Umamin na yung mga inutusan mo."

"F*ck. Lagot sa'kin yung mga yun." He whispers as he clenches his fists in anger.

Siguro kung ibang tao lang ako ay tumakbo na ako sa takot. Ngayon pa lang ay naaawa na ko sa tatlong kumuha sakin.

Muli niya akong binalingan.

"So...natakasan mo pala sila. I underestimated you. Nakakabilib din naman yang katapangan mo."

Unti-unti siyang lumalapit sakin habang ako naman ay paatras ng paatras. Kinabahan ako bigla. Hindi ko na muna pinansin ang paglapit niya at nagsalita.

"Bakit mo sila inutusan para dukutin ako? Anong balak mong gawin sakin?"

"HAHAHAHAHAHA."

Ay baliw? Bakit siya tumatawa? Sa pagkakaalam ko ay seryosong usapan 'to.

"Oyy. Bakit ka tumatawa?" Tanong ko.

Hindi niya pinansin ang tanong ko at ipinagpatuloy ang pagtawa.
Somehow, I like the sound of his laughter.

Baliw na din ba ko?

Maya-maya pa ay pinilit niyang magseryoso. He gazes at me with still a hint of amusement, as he walks nearer.

Napalunok ako ng laway. Palapit siya ng palapit habang ako naman ay umaatras hanggang sa mapasandal na ako sa pader. Oh no!

Itinukod niya ang kanyang mga braso sa magkabilang gilid ko. Ikinulong niya ko hindi lang sa mga braso niyang nakatukod sa pader kundi pati na rin sa kanyang mga tingin.

Ngayon ko lang siya napagmasdan ng ganito kalapit. Ang kanyang mga mata na nadedepina ng mahahabang pilikmata. Aaminin ko, maganda ng kanyang mga mata. Ang kanyang mga...

Oh gosh wait..

Ano ka ba Quinzy, huwag mo siyang titigan. Saway ko sa aking sarili. Nabalik lang ako sa aking sarili nung bigla siyang magsalita.

"You are such a funny girl. Iniisip mo ba na may gagawin ako sa'yo? Na pagsasamantalahan kita? Don't flatter yourself. You're not my type."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Huh? What? Yun ba ang pakahulugan niya sa tanong ko kung bakit niya ako ipinadukot?

At saka ano daw? Hindi niya ko type? Hindi na talaga ako makapagtimpi sa lalaking 'to. Makapagsabing hindi niya ko type. Eh bakit siya ba type ko? Ang kapal niya ah. Marahil yung mga type niyang babae eh yung mga sobrang mapuputi, makikinis, matatangkad, sexy, magara magdamit. Yung para bang walang kapintasan sa panlabas na anyo. Pwedeng modelo. Katulad nung nakita kong kasama niya.

"Hindi ko kailanman inisip yan. Napakadumi ng isip mo. I'm sorry to disappoint you but you're not my type either." Mariin kong sabi.

"Oh, really?" He says tauntingly as he touches my face with the back of his hand.

I'm new to this kind of feeling. Tila ba nanghihina ang mga tuhod ko.

This has to stop.

Tinulak ko siya ng buong lakas upang makawala at saka tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas sa kabila ng panghihina ng mga tuhod ko.

Hindi ko na siya muling nilingon pa.

Thin Line Between Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon