Chapter 13

4 0 0
                                    

Contemplating

"Malalagot ka talaga sakin pag hindi ka pumunta."

Mababaliw na ko kakaisip kung pupunta ba ako o hindi. Makabanta kasi siya, wagas. Isa pa 'tong si Janah. Pinipilit din akong pumunta. Wala daw kasi siyang kasama.

Nandito kami ngayon sa bahay nila para daw mamili ng susuotin sa birthday party ni Kenzer. Ang aga niyang pumunta samin para lang kumbinsihin ako. Kaya heto, nandito ako sa kanila para tulungan siyang mamili ng susuotin.

"Ayaw ko ngang pumunta Janah. Ramdam kong may binabalak lang siyang masama kaya niya ako inimbita." Sabi ko. Hanggang ngayon ay kinukulit niya pa rin ako na sumama.

"Ano ka ba! You're just over thinking. Sige nga, bakit sa lahat ng mga kaklase natin ay ikaw lang binigyan niya ng invitation? Kinausap ka pa niya ng personal. That was a sweet gesture." Sabi niya na tila kinikilig.

I cringed. What is sweet about that?

"Aba malay ko." I shrugged.

"Kami ngang hindi inimbitahan ng personal ay pupunta. Tapos ikaw, hindi? Sige na sama ka na." Pamimilit ni Janah. Hindi na kasi kailangan ng invitation dahil automatic na invited na ang buong klase. Eh bakit nga ba ako inimbitahan ni Kenzer ng personal? Nakakapagduda talaga.

"You're so persistent. Bakit ba?"

"Pupunta kasi Lester. Siya yung sinasabi ko sa'yong crush ko. Classmate siya ni Kenzer nung high school. Kaya please sama ka na. Hindi ako pupunta kung 'di ka pupunta." She pleaded.

Ah kaya pala.

"Oo na! Pupunta na ko. Iiyak ka na eh. Hahahaha."

"Yey! Thanks, Quin!" Sabi ni Janah na parang bata na tuwang-tuwa.

"Kaya lang wala akong susuotin." Sabi ko. Hindi kasi ako mahilig pumunta sa mga parties. Semi-formal ang birthday party ni Kenzer. Eh sa bukas na yun. Gahol na sa oras kung mamimili pa ako.

"Don't worry. I have a spare dress. Hindi ko pa siya nagagamit at sa tingin ko mas bagay siya sa'yo."

Yeah. As long as it's not pink and revealing , I'll be fine.

"Thanks, Janah."

"Tara, let's try it. Ipapakita ko na din sa'yo yung mga pinagpipilian kong damit. Tingnan mo kung alin ang babagay sakin." Excited niyang sabi.

"Sure." I replied.

Nagsimula na si Janah na magsukat ng kung anu-anong damit. Nakakatatlong sukat na siya pero wala pa din siyang mapili.

"Eto, bagay ba?" Sabi niya at ipinakita ang suot niyang color pink na dress. Napapalibutan ito ng sequin. It's simple but elegant.

"Yup. Bagay sa'yo." Sabi ko habang tumatango.

Akala ko ay magsusukat pa siya ng iba pero mukhang sapat na sa kanya yung pink na dress.

"Your turn. Here..isukat mo na. I'm so excited! I'm sure bagay yan sa'yo." Iniabot niya sakin ang isang light blue dress.

"It's beautiful." Sabi ko habang tinitingnan yung dress. The exquisite fabric feels so smooth in my hand.

"Go Quin, try it." Sabi ni Janah habang itinutulak ako sa bathroom.

Sinuot ko na yung dress. Pagkatapos ay tinitigan ko ang aking sarili sa salamin. Tama si Janah, kasya sakin. The dress is so gorgeous.

After few minutes, lumabas na ko ng bathroom para ipakita kay Janah yung damit habang suot ko.

"I knew it! bagay na bagay sa'yo Quin."

"Thank you."

"Buti naman at tinanggap mo yung compliment ko. Akala ko sasabihin mo na naman na gipit ka at wala kang maipapautang sakin. Hahaha."

"Osiya, tara na at magpalit na tayo. Baka masira pa 'tong mga damit. Sayang. Haha."

Pagkatapos naming magpalit ay pumunta na kami sa kanilang kitchen para kumain. Ewan ko ba, pareho kaming nagutom eh nagsukat lang naman kami ng damit.

"Nga pala Quin, ano kaya kung pumunta na lang ako ng maaga bukas sa inyo. Dun na lang din ako mag-aayos para sabay na tayo pumunta sa birthday party ni Kenzer. I'll bring Leilani with me. She's a make-up artist/hair stylist. Suki kami ni Mom sa salon na pingtratrabahuhan niya kaya papayag yun. What do you think?"

"I think that's a good idea. Wala din namang mag-aayos sakin eh."

"Great. Excited na ko!"

Mabuti pa siya excited samantalang ako naman ay kinakabahan. Okay lang sana kung ibang party ito eh. Kaya lang, party ito ni Kenzer Lee Gonzalvo.

Thin Line Between Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon