Chapter 2

4 0 0
                                    

Can't get over

Kinagabihan ay umuwi ako sa bahay na tila pagod na pagod. Sumalampak ako sa sofa katabi ang mga pinamili ko. Feeling ko ang haba ng araw na 'to.

"O anak, nandiyan ka na pala. Gutom ka na ba? May pagkain diyan sa mesa. Kumain ka na lang." Wika ng aking ina.

"Umm, busog pa po ako, Ma. Akyat na po ako sa kwarto. I'm so tired." I replied.

"Okay. Sige." Sabi ni Mama.

Agad akong umakyat sa kwarto. Inayos ko muna ang mga pinamili kong gamit bago humiga sa kama. How I missed my bed. To think, kalahating araw lang akong nawala. Nakatingala ako sa kisame habang iniisip ang nangyari kanina.

I can't stop thinking about that guy.  Yung walang modong lalalaki na sumira sa araw ko. That jerk! Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko mapigilan na isipin siya.

The way he dragged me...

Unconciously, napahawak ako sa aking braso. I felt something that was so foreign. That tingling sensation almost felt like....electricity?

What the heck was I thinking? I shook my head to clear my thoughts. Kinilabutan lang ako. Yeah, that's it.

I just can't get over of what he did to me. He called me stupid. How dare him. I try to erase the thoughts of him and focus on what will happen tomorrow. New school. New environment. I don't know what to feel. Kung magiging masaya ba ako o malungkot. Masaya dahil makakapag-aral ako sa university na pinapangarap ng halos lahat ng mga estudyante. Malungkot naman dahil, mga bago na naman ang aking pakikisamahan. Kailangan ko na namang mag-adjust. Sana maging maganda ang mangyari bukas. Tulala ako habang nag-iisip nang biglang pumasok ang magaling kong kapatid.

"Ate, how's your day? Where's my pasalubong?" Nagniningning ang kanyang mga mata habang sinasabi ito.

Ito namang kapatid ko, akala mo nangibang bayan ako kung makahingi ng pasalubong. Dahil alam kong manghihingi siya ay binilhan ko siya ng kulay pink na headband. It's her favorite color; on the contrary, my most hated color.

"O eto, headband. Do you like it?"

"Wow! Yes! Thank you, ate." Sabay suot sa binigay ko. Bagay sa kanya.

"You're welcome Lora. Tulog ka na. Antok na din ako eh. Good night." I kissed her on the forehead. 

"Good night, ate." Sabay tayo para umalis na. Good luck bukas!" Aba't may pahabol pa.

"Yeah right. Good luck talaga sakin." Sambit ko.

Nag-shower ako at naghahanda na matulog. Papikit na ko nang maalala ko ang lalaki kanina.

Those eyes...

I don't know but there's something about that guy.  Kailangan ko na talagang matulog. These thoughts are starting to drive me crazy.

Thin Line Between Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon