Chapter 3

4 0 0
                                    

New school

Nagising ako ng maaga kinabukasan. Time checked: 4:30 a.m. Mabagal kasi akong kumilos kaya maaga akong gumigising. I have a class at exactly 7:30 a.m. First day ko pa kaya ayaw kong ma-late. Hindi naman problema ang pag-biyahe dahil thirty minutes lang naman ang bubunuin bago makarating sa Farah Heights University. I'm a bit nervous. I guess it's just normal. By the way, I'm taking up Business Administration. Na-credit naman yung mga units na nakuha ko na sa aking previous school.

Mabilis akong naligo. Iniisip ko kung ano ang aking susuotin. As usual, I've come up with a simple printed black shirt, blue jeans, and black sneaker. I don't need to impress anyone. Ayokong magsuot ng bonggang damit at kung ano pa. Of course, I put my black hair in a messy bun. I grabbed a grey jacket, in case na lamigin ako.

"Quinzy, bilisan mo at magbre-breakfast na tayo." Saad ni Mama.

Agad akong bumaba para mag-almusal. Nasa hapag kainan na sina mama, papa, and surprisingly si Lora. Tamad kasi 'tong gumising ng maaga. Ang alam ko, mamaya pang 9:00 a.m. ang pasok niya. Si Papa naman, ay kailangang pumasok sa opisina. He's an operations manager sa isang advertising company. Si Mama ay pupunta sa pinagtratrabahuhan niyang restaurant. She's the head chef. Sana nga lang ay namana ko ang galing niya sa pagluluto, sa kasamaang palad ay hindi. Itlog na nga lang ay nasusunog ko pa.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ko sa kanila para pumasok. Nag-taxi na lang ako, dahil gamit ni mama at papa yung sasakyan namin at ihahatid pa nila si Lora sa school.

————

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na din ako sa aking bagong paaralan. Finally! I'm already outside Farah Heights University. Tila ba nalulula ako sa laki at ganda ng bago kong eskwelahan. My God! Labas pa lang 'to ah ano pa kaya kung loob na.

Papasok na ko sa gate nang biglang harangin ako ng guard.
"Bago ka lang dito? Asan ang I.D mo?"

Ay oo nga pala. Nakalimutan kong suotin. Kinuha ko sa bag ko ang aking I.D at agad itong isinuot. "Ay opo, transferee ako. Eto na po. Sorry po manong guard, nakalimutan kong suotin." Sabi ko ng nakangiti. Tiningnan niyang mabuti yung picture sa aking I.D Mukhang sinisiguro na ako talaga yun. Grabe naman. Mukha ba akong hindi mapagkakatiwalaan? Ang sakit ah.

"Sige pasok ka na. Next time isuot agad ang I.D bago pumasok." Aniya.

"Yes po!" Sambit ko sabay thumbs up. Kapapasok ko pa lang, sablay agad. Hayaan na nga.

Luminga-linga ako sa paligid at pinagmasdan ito. Hindi maipagkakaila ang karangyaan kahit saan ibaling ang paningin. Ang gaganda ng mga sasakyan. Halatang pang-mayaman. Yung mga estudyanteng nakakasalubong ko, ang gagara ng mga damit. Muntik ko ng akalain na isang fashion show aking napuntahan.

Teka, bakit parang nakatingin sila sakin? May dumi ba ako sa mukha? Agad kong kimuha ang maliit na salamin sa aking bag. Nung nagsalamin naman ako ay wala. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa. Nakatingin nga sila, at masama ang tingin? I cringed. Uh oh, siguro kasi ngayon lang nila ako nakita. I just ignored them and look for my room. Nung nahanap ko na ay agad akong umupo sa pinakadulong upuan sa bandang likod. I think it's better this way. Nakakapagtaka lang na ako pa lang ang tao sa room. Hmm.. lumabas ako at chineck ko yung room number, tama naman. Siguro ay kasi maaga pa. It's only 6:50 at yung class ko ay 7:30 pa. Excited lang. Haha!

Maya maya ay unti-unti nang nagsipasukan ang mga magiging kaklase ko. Inabala ko ang sarili ko pagbabasa ng libro. Hoping that no one will notice me.

"Hi! Are you a transferee?" Sabay kalabit sakin. Okaaaay...at least I tried.

"Yup." I replied then gave her a warm smile. I don't want to be snob as much as possible. Sana lang sincere siya sa pakikipag-usap sakin. Akala ko ay kakausapin niya ako ulit, pero hindi na. Umupo na siya sa kanyang upuan. Akala ko makikipagkaibigan na sakin. Oh well, sanay naman akong walang kausap. Lumipas ang ilang minuto ay unti-unti ng napupuno ang room. May mga nag-uusap, may mga nag-aasaran, at mayroon din namang mga tahimik lang, kagaya ko. Nagkasya na ako sa pagmamasid sa kanila. I'm totally an outcast here. Isang patunay nito ay walang gustong tumabi sakin. Bakante pa ang upuan sa tabi at sa may harap ko.

I was busy contemplating my whole life, when they became quiet all of a sudden. Dahil pala dumating na ang aming professor.

"Good morning class. I am Professor Amanda Ramos." Aniya.

"Good morning Ma'am!" Sabi naming lahat.

"So, magkakakilala na ba kayong lahat? Sino dito ang transferees?" Tanong niya. Nagtaas ako ng kamay. Mga tatlo kaming nagtaaas. "Alam kong magkakakilala na ang karamihan sa inyo, pero gayun pa man, gusto ko makilala ang bawat isa sa inyo." Aniya. And, alam niyo na. Ang pinakapaboritong gawin sa simula ng pasukan. Yup, you got it right. Introduction/Tell me about yourself thingy.

Isa-isang nagpakilala ang aking mga kaklase. May anak ng mayor, may anak ng isang business tycoon, may anak ng haciendero, so on and so forth. I'll just leave it to your imaginations. Hanggang sa ako na lang ang natitira. Pinagpapawisan ako ng malagkit. I suck with giving introductions, especially about myself. Bahala na.

"Hi, I am Quinzy Lorenzo. Transferee. I'm 19 years old. My parents are Gracie and Harold Lorenzo. I have one younger sibling. Her name is Lora. My mom's a chef while my dad is a manager. Err.. I love reading books. Umm.. that's all." Pagkatapos kong magsalita ay umupo na ko.

"Nothing is special about her." "Ordinary girl. I bet she's just a scholar. Poor girl" Narinig kong bulong ng dalawa kong kaklase. May pa bulong-bulong pang nalalaman, rinig ko naman. Halata naman na sadyang gustong iparinig. Aminado naman ako na hindi kami kasing yaman kumpara sa kanila. O edi, sila na nasa pedestal. At least, I have a happy family. That's all I need.

Lumipas ang mga oras at lunch break na. Lumabas ako at pumunta sa pinakatagong lugar. I mean, dun sa bench na walang tao at malapit sa puno. Sa di kalayuan, namataan ko ang dalawang lalaki habang pinagtutulungan ang isang babae. I gasped. Hanggang dito ba naman may mga bullies? Oh well, bakit ba ako nagtataka. Bigla hinila nung isang lalaki yung bag nung babae habang yung isa ay hinablot yung lunch box ng babae. Hindi na ko nakatiis at nilapitan ko sila.

"HOY! What are you doing to her?!" Sambit ko sa pinatapang na boses.

"Why do you care?!" Tanong nung isang bully na naka-white na shirt.

"Huwag kang mangialam kung ayaw mong madamay!" Dugtong naman nung isa pang bully. Akala niya matatakot ako. Eh yung buhok niya nga parang dinilaan ng baka.

"That's bullying! Tigilan niyo yan. Mga kalalaking tao niyo, kaduwagan yan." Nagtinginan sila at nagsitawanan. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Ilang sandali pa ay nagsilapitan sila sa akin at bigla akong hinila nung isa. Hindi na ko nakapagpigil at sinipa ko ang kanyang tuhod. Namilipit siya sa sakit. Uh-oh! I swear, mahina lang yun. Sumugod naman yung isa at hinawakan ako sa braso na nakatalikod. Kumawala ako at pinilipit ang kanyang braso. Uh-oh! Napalakas ata. Hmp! Nagtinginan yung mga bullies at kumaripas ng takbo. I pat myself, feeling proud.

"Waaah! Ang galing mo. Pa'no mo nagawa yun? Anyway, thank you!" Saad nung babae na binubully kanina.

"Welcome! Next time, huwag kang papayag na ginaganyan ka nila." Sambit ko.

"But they're stronger than me.  Pero tama ka, kaya simula ngayon ay lalaban na ko. Btw, I'm Janah Martinez. Ikaw si Quinzy Lorenzo diba?" Sabi niya sabay lahad ng kamay.

Hala, kilala niya ko. Isip..isip.. Eto na naman ako sa pagiging makakalimutin pag dating sa mga tao. "Hmm...bakit mo ko kilala?" I asked, totally confused.

"Hahaha! Silly, magkaklase tayo." Aniya na natatawa.

"Ay oo nga pala. Sorry. Haha! Tara sabay na tayong kumain." Pag-aaya ko. Mukhang mag-isa lang din kasi siya.

"Sure!" She replied.

Sabay kaming kumain at nagkwentuhan pagkatapos. Somehow, I found a friend. Things went well. Natapos ang lunch break at sabay kaming pumasok ni Janah. Lumipat siya sa katabi kong upuan. Which means, there's only one left vacant seat.... sa harap ko.

Lumipas ang mga oras at natapos na din ang klase ko. Salamat at naging maayos naman ang lahat. I'm happy that I found a friend. Janah is a very nice person. Hindi katulad ng iba na parang ilag sakin.

Thin Line Between Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon