Chapter 15

2 0 0
                                    

Happy Birthday

"Dance with me..."

Mabilis na nagwala ang kung ano sa aking kalooban. Tama ba ang dinig ko? Baka naman nabibingi lang ako.

"Ah.. eh.. pakiulit nga." Nauutal kong bigkas.

"I said, dance with me." Mariin niyang tinuran.

So, gusto niya nga akong isayaw pero...

"BAKIT?"

"It's my birthday, I can dance whoever I want." Nakangisi niyang sagot.

Ayan na naman yung ngisi niyang parang may masamang binabalak.

"O edi, isayaw mo yung iba. I think they're more than willing to dance with you." Sarkastiko kong wika.

He scratched the back of his neck.

"Can you just dance with me. Kanina lang ay willing kang maisayaw nung lalaking yun, tapos sa'kin hindi. Pambihira..." He hissed. Medyo pabulong niyang sinabi yung mga huling salita.

Ano ba? Pagbibigyan ko ba siya? Birthday naman niya diba? Hindi pa ako nakakapagdesisyon ay hinawakan na niya ang aking kamay at hinila patungo sa gitna kung saan may mga nagsasayaw. Wala na akong nagawa kundi ang gawin ang gusto niya.

Pinagmasdan ko ang mga nasa paligid namin. Bahagya ay napahinto sila at napunta sa amin ang kanilang atensyon. Maging si Janah ay nakangiti na nagtataas-baba ang kilay.

Nawala lang sa iba ang atensyon ko dahil naramdaman ko ang paghawak ni Kenzer sa aking beywang at ang pagsalikop niya sa aming mga kamay.

Tila ba nanghina ang aking mga tuhod at may dumaloy na kakaibang pakiramdam sa aking sistema.

"Kenzer, tama na 'to. Nakakahiya..."

Isinantabi niya ang aking sinabi at nagsimulang igiya ang aking mga paa sa daloy ng musika. Nakita ko rin ang ngiting naglalaro sa kanyang mga labi. Bakit kaya?

"Just follow my lead..." His voice is huskier than usual.

"Bakit ka nakangiti diyan?" I asked. I don't know but there's something about that smile.

"Ito ang unang beses mong binanggit ang pangalan ko."

Huh? Napangiti ko siya sa simpleng pagsabi ko ng kanyang pangalan? Something touched my heart.

Ipinagpatuloy namin ang pagsasayaw. I must admit, he's a good dancer. This is actually my first dance. Hindi ko akalain na kay Kenzer pa ito mapupunta.

Who would've thought?

Sobrang awkward para sa akin ng sitwasyon. Gusto kong magsalita pero hindi ko alam kung ano'ng nais kong sabihin.

Get a grip of yourself, Quinzy. Just act normal.

"Um... Kenzer..." Aking basag sa katahimikan.

"Bakit?" He asked.

"Happy Birthday." Mahina kong sabi.

Yun ang unang pumasok sa isip ko na sabihin. Hayaan na nga, tutal 'di ko pa naman siya nababati.

"Thank you." Ani Kenzer. Muli kong nasilayan ang ngiti sa kanyang mga labi.

Teka lang, tama ba rinig ko? Nag-thank you ang isang Kenzer Lee Gonzalvo? Oh well... ganun naman dapat ang sagot 'di ba?

Muli kaming binalot ng katahimikan. Maya-maya pa ay mas lalo niyang inilapit ang kanyang katawan sa'kin at bumulong...

"You look beautiful, Quinzy..." Saad sa Kenzer sa seryosong tinig.

Napasinghap ako at biglang  nanigas sa aking kinatatayuan. I don't know how to react. Sinabi niya ba talaga ang mga salitang yun? First time ko ring narinig na banggitin niya ang aking pangalan. May kung ano sa puso ko ang lumundag.

"Kenzer, upo na ko. Ah.. eh.. medyo nangangalay na kasi ako. Si..ge.." Natataranta kong sabi at agad kumalas sa kanya.

Muntik pa akong madapa sa pagmamadaling makarating sa table namin.

"Quin, bakit parang namumutla ka?" Janah asked.

"Ako? Hindi ah... Bakit naman?"

"Asus, kunwari pa. Nakita ko kayo ni Kenzer. Ang sweet niyo nga eh." Kinikilig niyang sabi.

Kung may kinakain lang ako, panigurado nabilaukan na ko. Pasimple kong tiningnan si Kenzer. Nakatayo pa rin siya sa pwesto namin kanina at nakasulyap sa akin.

Ilang sandali pa ay pinalibutan na siya ng mga babae naming kaklase. Marahil ay gusto nilang maisayaw. Kita sa mukha ni Kenzer ang pagkairita.

I looked away. Natutusok ako sa mga tingin niya.

Si Janah naman ay panay pangungulit kung ano ang pinag-usapan namin.

"Wala nga... Binati ko lang siya nga happy birthday. Yun na yun..." Saad ko.

"Kung yun lang talaga, eh bakit parang natataranta ka nung may binulong siya sa'yo?" Pursigidong tanong ni Janah.

Pati ba naman yun, nakita niya? Akala ko pa naman ay busy siya dahil kasama niya si Lester.

"Wala lang yun. Ikaw nga itong dapat magkwento dahil sinayaw ka ng crush mo." Pag-iiba ko ng usapan.

Heto naman si Janah, parang nasa ulap at tila kinikilig.

Habang ikinikwento ni Janah ang nangyari ay hindi ko maiwasang sulyapan si Kenzer.

May kasayaw na siyang babae. Nag-uusap sila at nagtatawanan. Grabe din kung makapulupot sa kanya yung babae.

Nabuhay ang inis ko. May pa 'you look beautiful' pa siyang nalalaman tapos heto siya ngayon nakikipaglandian.

Ang sarap nilang pagbabatuhin. Teka, bakit nga ba ako naiirita? Wala naman siyang ginagawang masama. Ganyan naman talaga siya.

"Janah, uwi na tayo. Lagpas alas-diyes na ng gabi. Baka hinahanap na ko sa amin." Pagdadahilan ko, pero ang totoo ay gusto ko lang makaalis sa lugar na 'to.

"Sige. Kailangan ko na din makauwi. Nag-text na sila mom and dad."

Buti umaayon ang sitwasyon.

"Let's go..." Saad ko.

"Hindi ba tayo magpapaalam kay Kenzer?" Tanong ni Janah.

"Huwag na. Abala naman siya sa mga babae niya. Hindi na nun mapapansin na umuwi na tayo." Mariin kong tinuran.

Tumango siya at naglakad na kami paalis. Tama nga ang sinabi ko. Hindi na napansin ni Kenzer ang pag-alis namin.

Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit tila'y nakaramdam ako ng lungkot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thin Line Between Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon