Chapter 8

4 0 0
                                    

I'm not scared

We are on our last subject for the day. Ang bagal ng oras. Nakakaantok tapos boring pa magturo ang professor namin. Gustong-gusto ko na talagang umuwi para matulog. Talk about me and my undying love for sleeping.

Ten minutes na lang Quinzy. Nagsimula kong bilangin ang bawat minuto.

10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2......

"Okay class, bukas na lang natin itutuloy ang discussion. Don't forget to answer your homework..."

and 1

"Yeeeeeees!" Napatingin sila sakin. Gulp. Umm...what did I do? Napalakas ata ang pagkasabi ko.

Nahagip ng mga mata ko si Kenzer na nakangisi. Weird.

Napailing na lang sila at binalingan ulit si Ma'am.

"Anyway, after our discussion tomorrow, we will going to have a long quiz. That's all for today. Good bye, class."

Pagkalabas na pagkalabas ni Ma'am ay sinuot ko agad ang bag ko at naghandang umalis.

"Bye, Janah! See you tomorrow." Sabi ko at pagkatapos ay nagmamadaling lumabas. Nasa pintuan na ko nung nahabol ako ni Janah.

"Wait lang, Quinzy!"

"O, bakit Janah?"

"Punta tayo sa bahay namin. Maaga pa naman. 2:30 pa lang. Wala kasi akong kasama. Umalis sila mom and dad. Bukas pa yung balik nila. Tara! Movie marathon tayo. Please..." She says as she gives me her puppy eyes look.

"Naku, mag-aaral pa ako para sa long quiz at saka inaantok na ko dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Sorry." Paliwanag ko.

"Oo nga pala. Sayang naman." Malungkot niyang sabi.

"Hmm..how about sa weekend?"

"Really? Sure!" Nagbeso siya sakin at nauna na akong umalis dahil hihintayin pa niya ang kanyang sundo.

Naglalakad ako nang biglang harangin ako ng tatlong lalaki. Anong kayang kailangan nila? Lalagpasan ko na sana pero biglang lumapit yung isa at tinakpan ang aking bibig. Nilagyan niya ang bibig ko ng panyo. Pagkatapos ay binuhat ako na parang sako. Habang yung isa naman ay hinawakan ang aking mga braso ng mahigpit. Yung isa, display lang. I mean, siya siguro yung look out.

Nagpupumiglas ako. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Urgh!!! Bakit ko ba kasi naisipang mag short-cut at dumaan sa likod ng field na sa kasamaang palad ay walang tao?!

I'm doomed.

Dinala nila ako sa isang tagong lugar sa campus. Hanggang sa nakarating kami sa isang abandonadong silid. May ganito pala sa FHU? Mukhang dito tinatambak ang mga sirang upuan at kung ano pa.

Nung nasa loob na kami ay inalis nung lalaking bumubuhat sakin ang panyo na nakatakip sa aking bibig.

"Anong kailangan niyo sakin?" Mariin kong tanong sa kanila.

"Tumahimik ka, kung hindi ay tatapalan ko ulit yang bibig mo." Pagbabanta niya sakin. Pero imbis na matakot ay natawa pa ako dahil sa boses niya na parang boses ipis. Ang laking tao tapos ganun. Hahahaha! Ooops sorry. I can't help it.

Tumahimik naman ako ng saglit. Nag-iisip ng paraan kung paano malulusutan 'to.

Maya-maya pa ay bahagyang binitawan nung matangkad na lalaki ang braso ko para humila ng isang upuan. Wrong move dude! Nakahanap ako ng pagkakataon para malakas na sikuhin yung likod nung lalaking bumubuhat sakin. Halatang nasaktan siya sa ginawa ko. Lumuwag yung hawak niya. Sinamantala ko yun at agad kumawala. Namimilipit pa rin siya sa sakit. Dapat lang yun kanya. Kanina pa ako nagtitimpi.

Nakita nung dalawa yung ginawa ko at agad nagsilapitan sakin. Nakatikim yung matangkad na lalaki ng sipa mula sa akin. Binigyan ko pa ulit siya ng isang sipa.

Yung isa naman ay pinagpapawisan na. Mukhang hindi naman ako mahihirapan dito. Sinugod niya ako at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay nadapa siya....

Una mukha.

He winced in pain. Uh-oh! He did that to himself.

Bago pa sila mahimasmasan at sugudin ako ay inunahan ko na sila. Kumuha ako ng tatlong upuan. Nakakita din ako ng lumang lubid sa di kalayuan at kinuha ko ito. Itinali ko sila sa upuan. I made sure that they won't get away. May kailangan pa akong malaman mula sa kanila.

Pinagpag ko ang aking mga kamay at nakapameywang na hinarap sila.

"Sino ang nag-utos sa inyo para kunin ako?" Mariin kong tanong sa kanila. Though I already have someone in mind who could possibly be the master mind behind all of these. Ayoko pa ring basta-bastang mamintang. Kailangan kong malaman mula mismo sa kanila.

Walang nagsalita.

"SINO ANG NAG-UTOS SA INYO PARA KUNIN AKO?" Ulit ko.

Wala pa ring nagsalita.

Ah ganon?

"Hindi niyo talaga sasabihin kung sino? Okay. Sige bahala kayo. Madali naman akong kausap. Aalis na ko. Isasara ko lang naman ang pinto. Mukha pa namang walang napapadaan dito." Umiling-iling pa ako at tinalikuran sila.

"Bro, sabihin mo na kung sino."

"Bakit ako? Ikaw na lang."

"Malalagot tayo nito kay boss."

Nag-usap usap na yung tatlo. Ha! Konti na lang.

Naglakad na ako at nakarating na sa pintuan. Hawak ko na ang door knob nang biglang....

"Sasabihin na namin!" Sabi nung isa.

Napangisi ako. Humarap ako at muli silang nilapitan.

"Good boys." I pat their heads. "So, sino yung boss niyo?" Mukhang nagdadalawang isip pa silang magsalita.

"Si....si....si....Ken....zer...." He stutters as he looks down, looking like a scared little kid.

I knew it!

Dahil nakuha ko na ang gusto kong malaman. Tinanggal ko na sila sa pagkakatali. Pagkatapos nun ay nag-uunahan sila sa pagtakbo. Tingnan niyo yung mga yun. Nauna pa talagang lumabas kaysa sakin.

Thin Line Between Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon