Chapter 4

4 0 0
                                    

Meet the bad boy

"Quinzy, wake up! Baka ma-late ka sa klase mo." Sigaw ni mama. Ang aga-aga, ang taas agad ng energy ng minamahal kong ina. Agad kong tiningnan ang orasan sa mesa na katabi ng higaan ko. It's 5:10 in the morning. Buti na lang ay maaga pa. Kung hindi ay magaala-ninja moves ako kumilos.

Mabilis akong naligo at nag-ayos kalaunan. Pagkatapos ay nag-almusal. I did my daily routine. Nagpaalam na ako sa kanila at pumasok na. This time, nag-tricycle at jeep ako papuntang FHU. Gusto ko kasing makatipid. Napapamahal ako pag nag-taxi. Maya-maya ay nakarating na ko sa campus. Isunuot ko na agad ang aking I.D, mahirap na at baka masita na naman.

"OMG! Papasok na siya!"

"Really?! Look at me, maganda na ba ko?"

"Let's go girls, mag-retouch tayo."

Dinig kong usap-usapan nung ibang estudyante sa hallway. Hindi ko naman intensyon na makinig pero sa lakas ng tilian nila ay imposibleng hindi mo mapansin. I have no idea on what they are talking about. Linagpasan ko sila at dumiretso na sa locker ko. Kinuha ko ang kinakailangan kong gamit at naglakad na patungo sa aming room. Nagpatuloy ang mga bulung-bulungan. Hmm...bakit kaya? What's the fuss all about? I can't help it, I am so damn curious. Pumasok ako sa room at agad naman akong kinawayan ni Janah.

"Good morning, Quinzy!" Aniya.

"Good morning din, Janah." Saad ko at umupo na sa aking upuan.

Maging ang mga kaklase ko ay walang humpay sa pakikipagkwentuhan sa di ko malaman na kadahilanan. So, I've decided to ask Janah about it.

"Janah, ano ang pinag-uusapan nila?" Tanong ko. This curiousity is killing me.

"Ah yun ba? Hindi ano, kundi sino. Papasok na kasi si..." Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil dumating na si Ma'am Ramos.

"Good morning, class." Aniya.

"Good morning, Ma'am Ramos" Sagot naming lahat at umupo na kinalaunan.

"Class, I'll just go to the office to get something. Answer pages 10-12 on your textbook. Please behave." Aniya. Sumang-ayon naman kaming lahat. Pasimpleng nagdiwang yung iba. Natuwa pa sila, eh may pinapagawa naman sa amin.

Maya-maya pa ay Bigla silang tumahimik. Siguro ay dahil naisipan na ding magsagot. Hindi ko na lang sila pinansin at nagsimulang pagkaabalahan ang pagsagot. I'm busy answering when I notice that someone is standing in front of me. Biglang kumabog ang dibdib ko. Nagulat ako nang biglang hinampas niya ng malakas ang desk ko. Dahan-dahan akong nag-angat ng ulo upang tingnan kung sino ang walang modong may gawa nun. Naghalo ang galit at gulat nang makilala ko kung sino siya.

Yung lalaki sa mall nung isang araw!

"This seat is mine. Alis." Sabi niya sa naiinis na tono. Ako, pinapaalis niya? Kumukulo talaga ang dugo ko sa lalaking ito. Punagtitinginan na din kami ng mga kaklase namin.

"Bakit naman ako aalis? Last time I checked, wala ang pangalan mo dito." Teka, ano nga ba ang pangalan niya? At bakit yun pa ang naisip ko? Hindi ako interesado malaman kung sino siya.

Nagulat ang mga kaklase ko sa ginawa kong pagsagot sa lalaking nasa harap ko. I won't back down. Halata na sa mukha niya ang inis.

"Talaga lang ha? You don't know what you're doing miss." Sinabi niya ito na parang nagbabanta. Akala niya basta-basta akong matatakot.

"May bakante pang upuan ah. Bakit hindi ka dun umupo?" Sambit ko sa tonong may bahid na din ng pagkainis.

Tinitigan niya ko. Bigla akong kinilabutan. Naaalala niya pa kaya ako? Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko matagalang pagmasdan ang kanyang pagtitig.

Those eyes...

Nahinto ang munting kaguluhan sa pagbalik ni Ma'am Ramos.

"What's going on here?" Saad niya. "Kenzer, nandiyan ka na pala." Inalis niya ang tingin sa akin at bumaling kay Ma'am Ramos. So, Kenzer pala ang pangalan niya. I wonder kung bakit kilala siya ni Ma'am Ramos. Mukhang kilala siya dito sa campus. "Umupo ka na at magkaklase na tayo."

Nakahinga ako ng maluwag nung umalis siya at umupo na sa bakanteng upuan sa harap ko. Tila ay kinilig pa yung babaeng katabi niya. Napansin ko ang biglang pagtingin niya sakin. He has a big smirk on his face.

Wait... what have I gotten myself into?

Thin Line Between Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon