SUMASABAY ang ulo at paa ni Hera habang kinakanta niya ang awitin nina Ariana Grande, Jessie J at Nicki Manaj habang abala siya sa pagmamaneho ng kanyang itim na Audi SUV. Halos walong oras na siyang nagmamaneho at talagang hapong-hapo na ang buo niyang katawan. Ang pang-upo niya ay ang init-init na at namamanhid na dahil sa magdamag na pagkakasadlak sa upuan ng kanyang sasakyan. Ang braso niyang animo'y naninigas at hindi na niya madaling mailukot dahil sa magdamag na pagmamaneho. She could also feel a cramp in her right leg.
Hindi niya lubos akalain na ganito pala kalayo ang probinsiyang kinalakhan ng kanyang inang si Celestina Monticello Dela Cruz. Alas sais ng umaga siya nang umalis ng Maynila patungo sa bayan ng Don Bernardino sa Rehiyong Bicol. She was freaking exhausted. Parang gusto na niyang pagsisihang hindi niya sinunod ang mungkahi ng kanyang ina na mag-eroplano na lang.
"May pa-adventure adventure ka pa kasing nalalaman," usal niya at nagpakawala ng isang malalim na hininga.
Ang pagod niya ay medyo naibsan nang makita niya ang isang welcome sign na yari sa bato na may nakasulat na "WELCOME TO DON BERNARDINO". Finally! Bulalas ng kanyang utak na nagbubunyi. Nang malagpasan niya ang welcome sign at makapasok sa bayan ng Don Bernardino ay lalo siyang napaindayog at napabulalas ng kanta.
"Bang bang into the room (I know you want it)
Bang bang all over you (I'll let you have it)
Wait a minute let me take you there (ah)
Wait a minute 'til ya (ah)
Bang bang there goes your heart (I know you want it)
Back, back seat of my car (I'll let you have it)
Wait a minute let me take you there (ah)
Wait a minute 'til ya (ah)
Bang bang into the room (I know you want it)
Bang bang all over you (I'll let you have it)"
Sinabayan pa niya ng mahinang headbang at pagtapik sa manibela gamit ang daliri ang pagkanta niya
Nalagpasan na rin niya ang bayan ng San Bernardino at ngayon ay tinatahak na niya ang daan pupuntang Rancho Monticello — ang Rancho ng kanyang abuelo na si Don Fausto Monticello. Hindi naman siya nahirapang hanapin ang lugar sa tulong ng google map, huwag lang mawalan ng signal. Magtatanong-tanong na lang siya kung saan matatagpuan ang Rancho Monticello.
Ang lolo niya ang dahilan kung bakit siya napauwi ng probinsiya. Her grandfather cajoled them to visit him. Nais daw nitong nandodoon silang mag-ina bago man lang ito bawian ng buhay. Hindi niya alam na mahina na pala ang kanyang abuelo. Noon ay madalas itong lumuwas sa Maynila pero naging madalang paglaon at ngayon ay halos dalawang taon na noong huli nitong pumunta ng Maynila dahil sa hindi na maganda ang kalusugan nito.
Kaya pag-ka-graduate niya ay hindi na siya nagdalawang isip pa na magtungo ng probinsiya. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang siya ay gum-raduate. Hera graduated summa cum laude in UP Diliman with a degree in Mass Communication. Pangarap niyang maging isang news anchor at ngayong tapos na siya ay matutupad na iyon. She had received a job offer from the two biggest TV network in the country at ngayon ay pinag-iisipan niyang mabuti kung anong network ang pipiliin niya. It's important to take time to carefully evaluate the offer for her to make an educated decision whether she'll accept or reject the offer.
![](https://img.wattpad.com/cover/67894137-288-k677085.jpg)
BINABASA MO ANG
Heredera Series 1 - HERA
RomanceHERA Synopsis Hera Breinesse Monticello Dela Cruz crossed and met the most handsome ranch helper that she had ever laid eyes on in her 21 years of existence - Gideon Sandagon - nang siya ay magtungo sa probin...