Chapter Eight

53.1K 1.1K 47
                                    

"I'M not Monticello. Anak ako ni dad sa una niyang naging girlfriend. All I knew is that mom and dad were victims of their manipulative parents. They were forced into marriage na hindi nila kailanman ginusto. Nagkahiwalay si dad at ang tunay kong ina. Hindi alam ni dad na nabuntis pala ang tunay kong ina. Bigla na lang raw nagpakita ang biological mother ko sa mga grandparents ko at ibinigay ako kapalit ng malaking halaga. So that, there is no blood of the Monticello's flowing through my veins."

"I understand what you feel, Gideon, dahil katulad mo ay inabandona rin ako ng sarili kong ina." Napasandal si Gideon at namamanghang nakatitig lang kay Hera. Para itong hindi makapaniwala sa mga rebelasyon sa pagkatao ni Hera.

Hera laughed humorless. "Ang drama pala ng mga buhay natin 'no? Puwede ng pang-maalaala."

Pagbibiro niya para pagaanin na rin sariling kalooban. Dahil sa tuwing naalala niya ang bagay na iyon ay nasasaktan siya. Hindi niya kasi akalain na may gan'ong klase palang ina; na kayang iwan ang sariling anak. Nalaman lang niya ang tungkol sa pagkatao niya nang ma-ospital ang kanyang daddy dahil sa sakit sa puso. Hindi sinasadyang marinig niya ang pag-uusap ng magulang.

"'Wag mong papabayaan si Breinesse, Celestina. Mahalin mo siya na parang tunay mong anak." Sa kabila ng hirap sa paghinga ay pilit na nagsalita si Dante. Ang tangkang pagpasok ni Hera sa ICU ay natigil nang marinig iyon.

"Dante, 'wag kang magsasalita ng ganyan." Umiiyak na sabi ni Celestina habang mahigpit na hawak ang kamay ng asawa.

"Mangako ka."

"Higit kanino man ikaw ang nakakaalam kung gaano ko kamahal si Breinesse. Kahit na kailan hindi ko naisip na hindi ko siya tunay na anak. Isa siya sa naging dahilan kung bakit may nabuong pagmamahalan sa pagitan nating dalawa, Dante." Naitutop ni Hera ang palad sa sariling bibig. Her eyes were blurred with tears as her heart thumping loudly inside her chest.

Nang araw ring iyon ay binawian ng buhay ang kanyang ama. Ipinagtapat sa kanya ng kanyang mommy ang buong katotohan tungkol sa pagkatao niya.

"Hera.." napukaw ang paglalakbay ng diwa ni Hera sa madilim na parte ng kanyang buhay sa mahinang pagtawag sa kanya ni Gideon. Gideon gave her a sympathetic glance. Agad niyang pinahid ang luha na hindi man lang niya namalayan na naglandas na pala.

"I'm sorry. I couldn't help it." She said as she wiped the tears away form her cheeks with her palms. Hindi niya mapigilan ang maiyak sa tuwing maalala niya ang araw na iyon. Ang araw ng kamatayan ng kanyang ama at ang pagkakasiwalat sa kanyang totoong pagkatao.

Tumayo siya. "I have to go, Gideon. Sana hindi maging dahilan ng pagiging Monticello ko para iwasan mo ako. I enjoy my stay here because of you, Gideon." Tinalikuran na niya ito at tinungo ang pinto pero natigil ang akma niyang paglabas nang marahang hablutin ni Gideon ang kanyang braso sapat para mapihit siya paharap.

Hera gasped when Gideon claimed her lips. Mahigpit nitong hawak ang likod ng kanyang ulo at ang isang braso nito ay mahigpit na nakapulupot sa kanyang baywang. Hindi niya inaasahan ang gagawin nito. His kiss was a little bit rough but thoroughly. And she liked it. She kissed him back. Humaplos ang kamay ni Hera sa dibdib ni Gideon pataas sa balikat nito and she cupped his nape. Handa na siya para palalimin ang halik nang tumigil naman si Gideon.

"Mag-iingat ka, Hera." Hera took in lungfuls of air bago siya bumitaw sa pagkakakunyapit sa batok ni Gideon.

"Ano ang ibig sabihin ng halik na 'yon?" hindi umimik ang binata.

"Okay, let me rephrase my question. Ano ang ibig sabihin ng mga halik mo sa 'kin?" pinagdiinan niya ang salitang 'mga' para i-emphasize dito ang ginagawa nitong paghalik sa kanya ng ilang ulit na. Isang buntong hininga ang naging tugon ni Gideon na ikinairita niya.

Heredera Series 1 - HERA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon