PIGIL NA PIGIL ang paghinga ni Hera dahil sa pagkakadaiti ng mga daliri nila ni Gideon habang naglalakad sila patungo sa kanyang sasakyan. Parehas nakatuon ang mata sa unahan at walang imik. Mabagal ang bawat paghakbang nila. Na-enjoy niya nang husto ang pakikisalamuha sa mga tauhan sa de Buenavista. Mababait ang mga ito katulad din ng mga tauhan sa kanilang rancho. Maging si Ara ay mabait din pala, pranka lang magsalita. Hindi naman siya nalasing sa ininom na alak dahil kaunti lang naman. Si Ara rin ang namilit sa kanyang sumayaw na pinagbigyan na lang niya dahil ito ang klase ng babaeng hindi yata tumatanggap ng rejection.
Naramdaman niya ang hinliliit na daliri ni Gideon na humaplos sa kanyang daliri. Parang gusto nitong hawakan ang kamay niya pero nahihiya siguro. Nang muling humaplos ang daliri nito ay iginalaw rin niya ang kanyang daliri. Narinig niya ang marahas nitong pagbuntong-hininga at noon lakas loob nitong hinawakan ang kamay niya. Pinagkawing ang mga daliri nila. Nakagat niya ang pang-ibabang labi niya at parang gustong lumukso ng puso niya sa saya.
"Busy ka ba bukas?" tanong nito. Tiningala niya ang binata na nasa unahan pa rin ang mata.
"Hindi, bakasyon nga ako 'di ba?" muli niyang ibinalik ang tingin sa nilalakaran nila.
"Magkita ulit tayo sa talon. Picnic." Puwede bang sabihin mong date! Gusto niyang isatinig.
"Sige.." walang pag-aalinlangan niyang tugon. Nang marating nila ang nakaparada niyang sasakyan ay nagharap sila. Hawak pa rin nito ang kamay niya. Hinawakan pa nito iyon ng isa pang kamay at marang pinisil-pisil habang nakatingin doon na parang may interesanteng bagay itong nakikita sa kamay niya. Umangat ang tingin nito at natuon sa kanyang mukha.
"Bukas?"
Ngumiti siya, "bukas," aniya.
PABILING-BILING si Gideon sa papag, hindi makatulog. Ginugulo ni Hera ang isip niya. Paulit-ulit na sumusulpot sa balintataw niya ang magandang mukha ng dalaga at ang nakakaakit nitong mga labi. Hindi mawala sa isip niya kung paano ito sumayaw kanina. Parang gusto niyang hatakin ang oras para sa gayon ay sumapit na ang umaga para makita niya na uli ang dalaga. Minsan sa tuwing nasa kural siya bigla na lang siyang napapatulala at napapangiti kapag bigla na lang papasok sa isip niya ang dalaga. May pagkakataong nakantiyawan siya ni Barok nang mahuli siya nitong nakangiti habang hinahaplos ang kabayo. Maging ang ibang tauhan ng rancho ay naninibago sa mga kilos niya. Lagi raw siyang nakangiti nitong mga nakaraang araw kahit wala namang rason. Parang nasa mood lagi.
Hindi niya maintindihan pero ibang ligaya ang hatid sa kanya ng presensiya ni Hera. Sa tuwing magkikita at makakasama niya ang dalaga parang ang buong atensiyon niya ay nasa dalaga na lang. Natutuwa siya sa tuwing niloloko niya ito, madaling mapikon at napaka-cute talaga lalo kapag nahihiya. Parang hindi na kompleto ang araw niya kung hindi niya ito makikita, makakasama at makakausap. Ngayon nalilito siya kung anong uri ba ng damdamin ang mayroon siya para kay Hera? Paghanga? Oo, hinahangaan niya ito dahil kahit mayaman ito ay marunong makisalamuha sa kahit ano'ng uri ng tao. Nakita niya iyon sa tuwing nasa stall sila ni Aling Ising at lalo kanina sa rancho. Napakagiliw ng dalaga sa lahat kaya hindi kataka-takang hangaan ito ng marami, dahil bukod sa napakaganda na nito ay napakabait pa.
Ngayon lang niya naramdaman ang humanga sa isang babae nang ganito. Kahit kay Tamara na una niyang naging kasintahan ay hindi niya naramdaman ang ganitong paghanga. Unang taon niya sa kolehiyo nang makilala niya si Tamara. BS Accountancy ang kurso ng dalaga. Nakilala niya ito nang sumali siya sa school org. kung saan member din ito. Hindi ito nag-alangang magpahiwatig ng nararamdaman para sa kanya. Malambing ang babae at maganda pero medyo social climber na isa sa hindi niya gusto sa isang babae. Maraming nagkakagusto kay Tamara pero siya raw ang type nito, naging malapit sila sa isa't isa at kalaunan ay naging girlfriend niya ito. Nang minsang sabihin ng babaeng gusto siya nitong maging boyfriend ay pumayag siya. Ito rin ang unang naging karanasan niya sa usaping sexual.
![](https://img.wattpad.com/cover/67894137-288-k677085.jpg)
BINABASA MO ANG
Heredera Series 1 - HERA
RomanceHERA Synopsis Hera Breinesse Monticello Dela Cruz crossed and met the most handsome ranch helper that she had ever laid eyes on in her 21 years of existence - Gideon Sandagon - nang siya ay magtungo sa probin...