Chapter two

65.4K 1.8K 23
                                    

"ANO ba ang ginagawa ko rito?" tanong ni Hera sa sarili. Nasa loob siya ng sariling sasakyan na nakahimpil sa tabi ng daan at nakamasid sa bilihan ng empanada. Oo na sige na, siya na ang hinihintay ko! Pagsuko niya. Pumunta siya rito para bumili sana ng empanada pero ang totoo ay umaasa rin siyang makikita si Gideon. Para lang ibigay ang bayad ko sa empanada. Giit niya sa sarili. Ayaw niyang magkaroon ng kahit kaunting utang na loob sa hambog na 'yon.

Napaayos nang upo si Hera nang makita ang pagdating ni Gideon. Bumababa ito ng kabayo at nagtuloy sa stall ng empanada. Napahawak siya sa sariling dibdib. Bakit ganito ang tibok ng puso niya? Her heart was beating rapidly all of a sudden.

"Kinakabahan lang ako," sabi niya sa sarili.

Tiningnan niya ang sariling repleksyon sa rearview mirror. Sinuklay ang mahabang alon-alon na buhok ng kanyang mga daliri. Napabuntong-hininga siya. Bakit ba siya biglang na-conscious sa itsura niya? Maganda kaya siya. Kahit nga hindi siya magsuklay ay maganda pa rin siya. Never siyang nako-conscious sa itsura niya. She's confidently beautiful. Muli siyang nagpakawala ng hangin sa bibig bago tuluyang umibis ng sasakyan.

Habang papalapit siya sa kinaroroonan ni Gideon ay lalong bumibilis ang tibok ng puso niya na hindi niya maintindihan kung bakit siya nagkakagan'on. Nang marating niya ang kinaroroonan nito ay bumuwelo muna siya bago nagsalita.

"Fifty pieces of empanada nga!" Pinasigla niya nang husto kanyang boses at tingin niya ay nasobrahan yata. Parang pa-cute na ang ginawa niya.

"Fifty pieces po," ulit niya sa mas kaswal na boses.

"Ikaw pala, miss ganda. Nasarapan ka ba sa empanada namin?" tanong ng matandang babae.

"Opo. The best empanada I've ever tasted. Mas masarap pa ito sa empanada na sine-serve sa bar namin sa Maynila. Kung ganito lang kasarap ang empanada sa bar namin for sure the customers will love it and they will keep on going for more," aniya.

"May bar kayo? 'Yong may mga nagsasayaw na hubad na babae?" tanong ng matandang lalaki na iginiling pa ang katawan.

Natawa si Hera. "Hindi po. Beer house naman po 'yon. Resto bar po ang pag-aari naming magkakaibigan. Resto bar has various entertainment such as live band and disc jockey playing recorded music," she explained.

"Wala akong maintindihan sa sinasabi mo, ineng. Ang alam kong bar ay iyong may mga gumigiling na babae." Muli siyang natawa sa sinabi ng manong.

"Pero sandali. Puwede natin itong i-serve sa bar namin. Tama. Puwede kayong maging supplier namin ng empanada. Five thousand pieces a week at kapag patok siya baka mas damihan pa namin ang order namin. What do you think?"

"Talaga ba?" tanong ng matandang babae. Tumango siya. Mabilis na lumapit sa kanyang ang matandang babae, nagpunas ng kamay sa apron nito at inilahad ang kamay.

"Ako nga pala si Ising. Ang asawa ko naman si Mando at ang anak ko si Cecille." Pagpapakilala nito. Bakas ang kagalakan sa mukha ng ali.

"Kuya Gideon, ito na," narinig niya si Cecille. Noon niya naalala si Gideon na saglit na nawala sa isip niya dahil sa pakikipag-usap kay Aling Ising. Tiningala niya ito at parang dinakma ang puso niya mula sa kanyang dibdib nang magtagpo ang mata nila. Her knees wobbled by his penetrating gaze. Kumagat ito ng empanada saka umalis at tinungo ang kabayo. Sinundan niya ito at tinawag. Huminto ang lalaki at nilingon siya.

Heredera Series 1 - HERA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon