"Hmm.." Marahang ungol ni Hera. Kinusot ang ilong gamit ang kanyang kamay. Mula sa pagtulog ay nararamdaman niya ang pinong hangin na tumatama sa kanyang ilong na naghahatid ng kiliti sa kanya. Napangiti siya nang may dumamping labi sa kanyang ilong.
"I love you, Gideon.." paungol na bigkas ni Hera na may ngiti sa mga labi. Ang pakiramdam niya ay nasa probinsiya siya at nasa cabin ni Gideon. Katabi niya ito at hinahalikan siya.
"I love you too, sweetheart," narinig niyang sambit ni Gideon.
Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nakangiting mukhang ni Gideon ang nasilayan niyang nakatunghay sa kanya. Dinampian siya ng pinong halik sa labi. Muling ipinikit ni Hera ang kanyang mata. But as the realization dawned on her, she quickly opened her eyes. Napalunok siya nang mapagtantong hindi siya nananaginip lang. Totoong nandito si Gideon pero ano'ng ginagawa nito sa silid niya?
"Gideon?" untag pa niya.
"Yes, sweetheart?" nakangiting sabi nito.
Sa puntong iyon ay napabalikwas na si Hera. Niyakap siya ng lamig na nagmumula sa aircon. Napatingin siya sa katawan niya. Napaawang kanyang labi nang makitang naka-brassiere lang siya. Sa pagbangon niya ay lumantad ang kanyang halos hubad na katawan nang matanggal ang comforter na hindi naman niya natatandaang itinakip niya sa katawan niya kagabi. Maayos na rin ang puwesto niya sa kama. Agad niyang tinakpan ang katawan niya ng bulaklaking comforter. Marahang natawa si Gideon kaya muli niya itong binalingan.
"What's funny?" taas kilay niyang tanong.
"Halos nakita ko na kasi ang lahat-lahat sa 'yo ngayon mo pa talaga itatago 'yan."
Akmang aabutin ni Gideon ang mukha niya para haplusin pero tinabig niya ang kamay nito.
"What the hell are you doing? Ano ba talaga—mmm.." naputol ang sasabihin pa niya nang siilin siya ni Gideon ng isang maalab na halik na ikinawala ng kanyang ulirat, dahil bigla niya iyong tinugon na may kasing init ng halik nito. Nang lumalim ang halik na iyon at magsimulang humaplos ang kamay ni Gideon sa kanyang likod ay noon niya ito itinulak.
"God, Gideon! Stop it! Ano ba'ng gusto mong mangyari?"
"Pagbalik ko ng rancho wala ka na. Kaya agad akong lumuwas uli para puntahan ka."
"For what? Para ipakita sa 'kin ang pagbabalikan niyo ni Tamara?" napayuko si Hera.
"M-maganda siya, bagay kayo..." bahagya pang pumiyok ang boses niya dahil sa pagpipigil na maiyak.
"Silly." Hinawakan nito ang baba niya at inangat. His lips twitched into a lop-sided grin. A grin that will make women's heart melt.
"Hindi kami nagkabalikan ni Tamara. Nakita mo ang babaeng kasama ko kagabi? Ang kapatid niya talaga ang gusto ko una ko pa lang makita." Parang pinisil ang puso niya sa narinig. Muli sana siyang yuyuko para itago ang pamumuo ng luha niya pero pinigil ni Gideon ang mukha niya.
"Gideon, stop it!" Hera burst into tears.
"Bakit ba napaka-insensitive mo? Alam mong mahal kita at ngayon pilit kitang kinakalimutan pero ito ka ngayon at sinasabi sa 'kin kung sino ang gusto mo! I hate you, Gideon!" Napahagulhol siya nang tuluyan. Kinabig siya ni Gideon at buong suyong niyakap.
"Oh, I'm sorry, sweetheart." Hinaplos nito ang likod niya.
"I didn't mean to hurt you, baby, I'm sorry."
"You mean it. You are cruel!" naghihinagpis niyang sumbat rito.
"I love you, Hera." Kumawala si Hera mula sa pagkakayakap ni Gideon. Naguguluhan niya itong tinitigan.
BINABASA MO ANG
Heredera Series 1 - HERA
RomanceHERA Synopsis Hera Breinesse Monticello Dela Cruz crossed and met the most handsome ranch helper that she had ever laid eyes on in her 21 years of existence - Gideon Sandagon - nang siya ay magtungo sa probin...