Chapter 2: Hashtags Pilipinas Worldwide

31 4 0
                                    

Chapter 2: Hashtags Pilipinas Worldwide

(Dayn POV)

 

 

*Magritte’s Prince Club*

“UWAHHHHH!!!!!!!!” humikab ng pagkalakas-lakas si Hero sabay stretch-in pa ng kamay

“…..” busy lang si Harry habang nagbabasa at si Chris nakahiga sa sofa habang nakatakip yung libro sa mukha niya.

Napailing na lang ako sabay tingin  ulit sa laptop ko. Dini-delete ko kasi lahat ng mga memories ko kay Christina dito sa laptop. Yung mga pictures namin at videos.

Hero Po, Harry Dee and Chris Amanda ang mga kasama ko sa kalokohan simula pa elementary. At dahil magkaiba na kami ng mga courses kaya naman nagawa namin ‘tong club na ito para kahit papaano may isang activity pa rin sa buhay namin na involve pa rin kaming apat. Kasi kahit na may contacts kami sa isa’t isa hindi mo pa rin maiaalis na mas magiging priority nila yung may mga sense sa buhay nila like school stuffs and such.

And as a part of the curriculum na dapat may club na sasalihan kaya naman naisipan namin gumawa na lang ng sarili naming club na mapagkakasunduan namin.

Magritte’s Prince Club para lang siyang maliit na bistro but we don’t served alcoholic drinks but instead we served sweets which we are the ones who made it. Minsan din para mas maging ka-entertain-entertain ang club namin tumutugtog din kami dito.

“Ayoko na mag-review I give up” naka-pout na pagrereklamo ni Hero

Hero, sa pangalan pa lang niya talagang mabangis na sa mga chicks, yan ang pinaka maharot sa barkada tipong isang araw lang palit girlfriend na agad.

“Hoy Emo Boy tulungan mo naman ako dito kaya nga ako nag-dentistry kasi bobo ako sa math sa science at memorization lang ako lumalaban, tulungan mo naman ako oh” pangungulit ni Hero kay Harry

Harry, siya ang genius samin sa MATH pero saksakan ng bobo sa ENGLISH. Sa totoo lang minsan mo lang makakausap ng matino si Harry dahil minsan lang din siya mag-salita. Parati yang senti kaya tawag namin diyan “Emo Boy”. Kung ano ugali ng Emo, kuhang-kuha niya.

Kinuha lang ni Harry yung notebook niya at siyang bigay ulit kay Hero

“WOW!! Paano mo ‘to na solve?!” tuwang-tuwa si Hero habang tinititigan yung notebook niya

Hindi pa kasi tapos exam ni Hero kaya ganyan na lang yan kung makapag-review. Si Harry, Chris at ako kasi tapos na kaya papetiks-petiks na lang.

“Hays sa wakas natapos din!” sabi ko ng matapos ko ng burahin lahat ng mga photos and videos namin ni Christina “Chris, tara na bili na tayo ng mga ingredients”

Kanina pa kasi ako iniintay ni Chris para samahan ko siya mamili ng mga ingredients para mamaya.

She's a FreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon