Chapter 8: Nagtampo si GARDO?? Di nga?!!

28 3 0
                                    

Chapter 8: Nagtampo si GARDO?? Di nga?!!

(Dayn’s POV)

 

Ilang oras pa ang inintay namin para lang makarating sa province na magiging venue ng aming Medical Mission. Kaso nga lang pagbaba namin ng bus maglalakad pa ulit kami ng pagkalayo-layo para makapunta sa mismong exact place.

“Ano bang pinagkaiba ng venue sa exact place? Badtrip naman dito! Pagbaba ng bus maglalakad pa! ang lamok-lamok kaya dito!” nagkamot-kamot ako ng katawan habang naglalakad

“Gravity atiii! Kanina ka pa nagrereklamo” sumbat ni Gardo

“Palibhasa sanay ka sa ganitong situation! Tsk!” sabi ko naman kay Gardo “Oh saan ba tayo??” paglingon ko sa kaniya napansin kong nagiba ang mood niya parang nalungkot ata siya?

“Doon” matamlay niyang sabi sabay lakad na papunta sa tinuro niya

“Huh?” pagtataka kong tanong sa sarili ko “May nasabi ba ako para maoffend siya? Teka pagkakakilala ko sa baklang yun di siya naooffend” para akong gago na nagmonologue sa kalagitnaan ng kagubatan

Sinundan ko na lang siya bago pa ako tuluyang maiwan dito “Aray!!” tinaboy ko naman yung nakaharang na kawayan dahil nangangati ako kapag dumikit yun sa balat ko.

“Grr!! Fvck!! Ano ba ‘tong mga ‘to?!!” maarte at naiirita kong pagrereklamo dahil may natapakan akong putik na parang tae.

“KADIRI!!!!! Asar naman!!!” tinignan ko naman si bakla para tawagin “Hoyy!! Malayo pa ba?!” pero laking gulat ko ng di niya ako pansinin

“WOW! Deadma” yun na lang ang nasabi ko sa sarili ko

Tahimik ko na lang sinundan si bakla pero patuloy pa rin ako sa pagrereklamo dahil sa nakakairita nga yung place. Kundi lang para sa grade ‘to talagang di na ako sumama.

Sinubukan ko pang kausapin si Gardo pero wala talaga syang imik “hoy, di mo ba talaga ako kakausapin?” tinignan lang niya ako ng seryoso at sabay inirapan ako “WOW!! TORROOOYYY!”

Nakarating kami sa exact place ng hindi kami nagiimikan ni Gardo. Tumuloy agad ako sa may batis para hugasan yung rubber shoes ko at si Gardo naman tumuloy sa loob ng tent para siguro ilapag ang gamit niya.

*PRIIIIIIIT*

Narinig ko naman ang pag-whistle ni Ma’am ibig sabihin lang nun, she’s calling for attention. Agad naman kaming nag-compressed at nagkumpol-kumpol.

“Is everyone here?” pagtatanong ni Ma’am sa amin at nagstart na nga siyang mag-roll call. Buti na lang at di pa inaatake ng katangahan si Phoeliz kaya hanggang ngayon andito pa siya.

She's a FreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon