Chapter 3: Gentleman's Dignity

33 3 0
                                    

Chapter 3: Gentleman’s Dignity

(Dayn POV)

 

 

“Ituro mo kung saan yun! Ngayon na!!!!” utos ko kay Von

Sinamahan niya ako papunta sa bulletin board kung saan nakapaskil ang mga di umano’y panirang puri sakin. Hindi ba nakakainis yun ganun? Ikaw na nga nagmakaawang makipagbalikan sa kaniya tapos napahiya ka pa sa harap ng madaming tayo. In the end, ikaw pa rin ang mukhang masama sa lahat kasi ayun ang ipinamumukha nila.  

Bakit ba sila ganun?! Bakit ba ganun ang ugali ng mga kaibigan ni Christina?! At bakit ba kasi pati pag-ihi ko ikinukwento pa ni Christina sa kanilang lahat? Hindi ba kapag relasyon kailangan ng PRIVACY tsaka na lang yung pakikipagkwentuhan mo kapag kailangan mo na ng advice ng ibang tao. Hindi yun parang gagawin mo pang diary mga kaibigan mo at sasabihin sa kanila lahat lahat. Sana ba kung puro positive ang naikukwento niya kaso hindi PURO NEGATIVE AT AGAINST LAHAT SAKIN YUN.

Nakapunta na rin kami sa may mga bulletin board at kung saan andun yung mga papers na nakapaskil.

 

“Excuse” pigil na galit kong taboy sa mga nakaharang sa daan, kaya pala walang tao sa club namin dahilan kasi sa eksenang andito.

Napuno yung daanan dahil sa mga estudyanteng kumpol-kumpol na nandito. At nang makarating na ako dun parang nahawi yung daan at nagbigay space sila sakin papunta dun sa bulletin board.

Pinagpipilas-pilas ko agad yung mga papel na nakadikit sa bulletin board at tsaka humarap sa kanilang lahat “Who made these sh^ts?” cool down pa ako ng itanong ko yan dahil ayaw kong gumawa ng eksena dito sa school baka masira pa-record ko

Walang makasagot sakin at halos lahat sila nakatingin lang sakin. Kilala ko naman talaga kung sino ang may lakas ng loob gawin ito pero ang gusto ko lang umamin siya sa harap ng mga tao

 “So no one does?” naiirita ko ng tanong “Ok then”

Naglakad na ako paalis sa lugar na yun dahil baka kung ano pang magawa ko, hindi ko maintindihan kung ano bang mali sa mga ginawa ko para kay Christina at kung bakit pati mga kaibigan niya ginagago ako.

Kami pa lang ni Christina kung makapakielam na yung mga friendships niyang hilaw kala mo ang laki ng atraso ko sa kanila. May lumabas lang patak ng luha sa mga mata ni Christina na ako ang dahilan susugod na yang mga yan, all for one-one for all pa sila. Tulong-tulong awayin ako at sumbatan ng masasama salita. Dati nagtitiis lang ako dahil mga kaibigan naman sila ni Christina pero ngayon hindi na.

Bumalik na lang ako ng club house dahil yun ang alam kong place kung saan magiging peaceful ang lahat.

She's a FreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon