Thank you for voting :)
------>
Chapter 5: I don’t know anything
(Dayn POV)
Habang naliligo ako,
Habang nagaayos ako papasok,
Habang bumabiyahe ako papuntang school,
Hanggang sa makarating na ako sa room,
Hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyari kanina. Parang ang bilis ng pangyayari at sa sobrang bilis wala akong nagawa para sa kaniya. Di naman kasi siya sasampalin kung naunahan ko lang magpaliwanag.
*sigh*
Habang suminghal ako ipinikit ko ang mga mata ko. Nagflashback sa isipan ko kung paano siya sampalin ng papa niya. Nakita ko kung paano siya sampalin ng sobrang lakas. Yung tipong makikita mo yung pagbounce ng mukha niya sa palad ng kamay ng papa niya.
Ini-imagine ko pa lang ang sakit na.
“You’re not part of this family so you should step out!”
Nakita ko yung galit sa mga mata ng papa niya, pati yung pagturo niya sa akin na parang kinamumuhian niya ako. Siguro iniisip ng papa niya na boyfriend niya ako at may nangyari sa amin. Magsasalita naman dapat ako kaso pinangunahan ako. Magpapaliwanag naman ako kaso bigla siyang sumigaw.
Napakagat na lang ako sa labi sa kakaisip sa mga nangyari.
Ang masaklap kasi kakagaling lang niya sa sakit di pa siya fully recovered but suddenly her father just slap her faced. Maalog ang ulo niya at magbibigay dahilan ito ng pagkahilo niya lalo pa’t may sakit pa siya kaya ang dizziness niya ay nasa highest peak na. Baka maging headache ito at lumala ang sakit niya.
:/
Di ba yun naisip ng papa niya?
“MR. SANTOS!!!!!”
“PAPA NIYA!!” bigla naman akong napatayo sa kinauupuan ko ng isigaw ng professor ko yung pangalan ko, siguro sa kakaisip ko sa kaniya nawala na sa isip ko na may discussion pala ngayon
“I’ve been calling you for several times! You’re mentally absent today!! What’s your problem?!!” napakamot na lang ako sa ulo ng magsimula ng magsermon yung professor ko. Matindi pa naman ‘to kasi anatomy ang subject namin. Talagang major subject pa ako nagkakaganito.

BINABASA MO ANG
She's a Freak
Teen FictionDayn Santos is brokenhearted because of his GF who is good for destroying his life. While being alone and lonely he found a girl named Phoeliz Monterro who is a freak and good in annoying people. However, destiny takes it actions, Dayn and Phoeliz b...