Chapter 6: Outreach

18 3 0
                                    

Chapter 6: Outreach

(Dayn POV)

 

“Goodmorning everyone” bati sa amin ng professor

“Goodmorning” sagot namin ng karamihan samin pero ako nanatili lang sa pagbabasa ng libro, nakakatamad kayang magsalita -_______-

“Class, I have something to say to all of you” bungad naman ng prof namin at halata naman naging interesado ang karamihan sa sinabi niya “Our outreach in province will be tomorrow so you’ll need to prepare your medical kit. Like I said this outreach will be our first MEDICAL MISSION so please do cooperate” maraming babae ang nag-giggle dahil sa sabik na silang makapag-outreach pero ang karamihan sa mga lalaki halatang tinatamad.

Tumingin naman ako sa bandang kaliwa kung saan nakaupo si Phoeliz “Nako! Mukhang exciting ang outreach na ‘to te!!” sabi nung babaeng katabi niya habang tuwang-tuwang nagsusulat ng lists ng  mga dapat niyang dalhin

“Kaya nga! Siguro puro bundok doon! Tapos panigurado yung bahay nila kakaiba!” parang batang tuwang-tuwang nakikipagkwentuhan si Phoeliz sa babaeng busy maglista ng mga gamit na dapat niyang dalhin.

So, ayos na talaga ang pakiramdam niya

Binalik ko na lang yung attention ko sa pagbabasa ng Percy Jackson, at dahil sa naaliw ako sa pagbabasa ng librong ‘to hindi ko na nahalata na nagrandom select na sila ng mga ka-partner nila sa darating na outreach.

-___________-

“Phoeliz, you’re next” narinig ko naman na tinawag ng prof namin ang pangalan ni Phoeliz, paniguradong pumunta ito sa harapan para bumunot ng magiging kapartner niya.

Sino naman kaya ang malas na magiging ka-partner niya?

Ng sabihin ko yun sa isip ko napatawa na lang ako, malas talaga yung mabubunot niya. Biruin mo, makakatabi mo sa bus ang “the most annoying girl in the world”. Tapos siya pa parati mong makakasama hanggang sa matapos yung outreach. Kundi nga naman madamay sa kamalasan yung mapipili niyang partner sa sarili niyang nature of badluck.

Tapos sa bawat bibisitahin nilang bahay siya ang makakasama mo, aba! Panigurado SUSUKO yung partner niya sa irita sa kaniya! Malamang iwan siya nun sa bundok!

“AHAHAHAHAHAHAHAHAAHH!” Napatawa akong ng malakas dahil sa mga naiisip kong pwedeng mangyari sa kapartner ni Phoeliz. Kaawa-awa naman

“Mr. Santos?!” naalala ko palang nasa loob pa ako ng klase at nakita ko ang attention ng mga blockmates ko na halos lahat ay nasa akin. Tinignan ko naman yung prof namin na medyo iritado kung tignan ako

“Ehem!!” kunwari’y inayos ko pa yung tindig ko at ipinakita sa prof ko yung librong Percy Jackson para isipin niyang dahil doon kaya ako natawa. Tinignan ko naman yung mga blockmates kong makatingin sakin kala mo mamatay na ako.

She's a FreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon