Petal Three: "Shelter from the Rain"

2.4K 87 3
                                    

Petal Three: “Shelter from the Rain”

~**~**~**~**~**~**~**~

She Says

~**~**~**~**~**~**~**~

“Hay, naku, Xiara, walang mangyayari sa buhay mo kung tititigan mo lang ‘yang telepono mo,” paninita ni Eirene. Nagbuntong-hininga ako.

Tatlong araw na ang lumipas, ngunit wala pa rin akong natatanggap na tawag mula kay Yuan.

Tanga ka kasi, Xiara. Anong inaasahan mo, papayag siya sa gusto mong mangyari?

“Kung ako sa’yo, move on. ‘Di mo pa naman siya mahal, ‘di ba? Gusto mo palang siya, so mag-move on ka na! Maraming lalaki diyan.”

OK, nagsinungaling ako. ‘Di ko siya gusto lang. Mahal ko siya.

May hindi pa ako sinasabi. ‘Di rin alam ni Eirene ito. Gusto ko kasing i-preserve ang isang ala alang kaming dalawa lang ni Yuan ang nakakaalam. Ayun nga lang, ‘di ko alam kung naaalala pa ni Yuan ‘yun. Malabo. Ngunit para sa akin, iyon ang isang ala alang hindi basta-bastang mabubura sa puso ko.

~**~**~**~**~**~**~**~

Third year.

Dahil sa sobrang daming pressure na binibigay sa akin ng pamilya at mga guro ko, I broke down into tears sa loob ng CR ng girls. Wala na halos tao sa Isla noon dahil lagpas uwian na ang oras. Matagal akong nag-stay doon at umiyak hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko. Paglabas ko ng CR ng girls, umuulan pala. Wala akong payong at hindi ako nakasabay sa service bus pauwi. May oras lang ang service bus. Kapag hindi nakasakay ang estudyante sa kanyang scheduled ride, iiwan na siya ng bus Parte ng pagdidisiplina iyon ng eskuwelahan.

Kaya ayun, naiwan ako ng service bus. Kinailangan kong mag-commute. May dalawang problema. Una, wala akong payong. Ikalawa, hindi ako marunong mag-commute. Hatid-sundo kasi ako ng service bus at sa pagkakataong ito, naiwan ako ng bus. Wala ring puwedeng sumundo sa akin dahil wala nasa trabaho si Mama at bakasyon naman ng mga kasambahay namin.

Noong mga panahong ‘yun, naisip kong oras na siguro para matuto akong mag-commute. Malapit lang naman ang village namin sa eskuwelahan. Kung hindi ako nagkakamali, puwede akong mag-bus o mag-taxi.

Isa nalang ang problema ko—payong. Wala akong payong. Wala naman akong puwedeng mahiraman dahil pasara na ang school. Wala na halos katau-tao. Wala na ang mga guro. Malamang ay wala na rin ang mga kakilala ko. Nakakahiya namang mang-abala ng caretakers ng eskuwelahan. Wala akong choice kundi sumugod sa ulan hanggang sa makarating ako sa sakayan ng taxi o bus.

Buo na ang desisyon ko. Susugod na ako sa ulan.

Noong nakarating ako sa gate, wala si Manong Guard. Ini-scan ko sa Biometric ang mga daliri ko at bumukas ang gate. Iyon ang tracking ng ‘in and out’ ng bawat estudyante.

Susugod na sana ako sa ulan, ngunit bigla akong nadulas sa hagdanan ng front gate.

Nagbuntong-hininga ako at tatayo na dapat ako noong biglang may humila sa akin patayo.

“Patag na nga ang lupa, nadulas pa.”

Noong itinaas ko ang ulo ko, nakita ko siya.

Si Yuan Lim.

Ang crush ko. Ang lagi kong inaabangan sa main gate upang masilayan. Ang lagi kong pinanunuod kapag may basketball games.

“Thanks,” mahinang sabi ko. Napansin kong may payong siya at pinayungan niya ako.

“Bakit ka nagpapaulan? Wala ka bang payong?” tanong niya.

“Wala eh,” nahihiyang sagot ko.

“Kaya sumugod ka nalang?”

“Hindi kasi ako nakapagdala. Sige, una na ‘ko,” sabi ko. Tumalikod na ako at maglalakad na dapat ako papalayo noong bigla niya akong higitin papalapit sa kanya na naging dahilan ng hindi sinasadyang pagyakap ko sa kanya.

Ang puso ko… ang bilis ng tibok ng puso ko.

Sobrang lapit namin sa isa’t-isa, at ramdam ko na ang tibok ng puso niya. Ramdam ko na rin ang matigas na pangangatawan niya. Abs. At amoy bagong ligo siya. Galing siguro siya sa training ng basketball.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Para akong hindi makahinga sa sobrang kaba at panginginig. Parang gusto kong sumandal at manatili sa mga bisig niya noong mga panahong iyon. Pakiramdam ko ay ligtas ako.

Sa totoo lang, hindi ko inakalang ganito ang magiging epekto ng eksenang ‘yun sa sistema ko. Natauhan na lamang ako noong bigla siyang nagsalita. “Siguro naman eh kaya mo nang maglakad? Kanina ka pa kasi parang estatwa diyan.”

Agad akong lumayo sa kanya. Medyo nabasa ako kaya naman ay hinigit niya ulit ako papalapit sa kanya.

“Saan ka ba?” iritadong tanong niya.

“Saan ako?” nagtatakang tanong ko.

“Saan ang sakayan mo?”

“Diyan lang sa may East Avenue,” sabi ko.

“Ihahatid na nga kita doon. O, punasan mo nga ‘yang mukha mo. Natalsikan ng putik.” May inabot siyang panyo sa akin.

“S-salamat.”

Hinatid niya ako sa sakayan. Magpapasalamat ulit sana ako sa kanya, ngunit bigla na siyang umalis kaagad. Nakatulala kong pinagmasdan ang likod niya.

…ang likod ng taong dumating upang itayo ako mula sa pagkakadapa noong araw na ‘yun.

…ang taong nagbigay ng silong sa akin sa gitna ng ulan.

Yuan Lim.

…ang taong hindi ko akalaing mamahalin ko nang ganito.

~**~**~**~**~**~**~**~

 “Xiara? Hoy, Xiara!” Napakurap ako. Kanina pa pala ako natulala.

Nginitian ko si Eirene. “Hayaan mo na, baka busy lang,” sabi ko.

“Busy sa ibang babae. Alam mo naman siguro ang tungkol kay Katie, ‘di ba?” tanong nyia.

“Oo.” Si Katie ang matagal nang nililigawan ni Yuan. Alam ko ang tungkol doon. Bakit? Hindi ako stalker. Pero habang pinagmamasdan ko sa malayo si Yuan, kitang-kita kong pinagmamasdan din niya sa malayo si Katie. At si Katie ay madalas may kasamang ibang lalaki. Alam ko ang nararamdaman ni Yuan sa tuwing nakikita niya si Katie na may kasamang ibang lalaki. Nararamdaman ko rin ‘yun sa tuwing nakikita ko siyang pinagmamasdan si Katie.

Sana ako nalang, Yuan. Sana ako nalang ang pinagmamasdan mo.

Nagbuntong-hininga ako. Mukhang walang pag-asa. Mukhang ‘di niya ako ite-text. Malamang naitapon na niya ang papel na binigay ko sa kanya. Itinapon na niya kasama ang ala alang dulot ng eksena ko noong isang araw.

Hindi umuulan.

Pero pakiramdam ko… para akong sumugod ulit sa ulan.

…nang walang dalang payong.

At walang magbibigay sa akin ng silong.

…sa gitna ng ulan. 

~**~**~**~**~**~**~**~

Dyosa Maldita Creations = R│E│A│D│L│I│N│E│S

“Typographical Errors inevitability.”

Plagiarism is a crime. Let’s create our own.”

“Say ‘NO’ to unauthorized distribution of online manuscripts. Let’s give respect to the creators and their creations.”

Photo on the right: Designed by Ailza Louise

谢谢

Dyosa Maldita

 ~**~**~**~**~**~**~**~

Petals of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon