Petal Twenty Three: “Emancipation”
~**~**~**~**~**~**~**~
She Says
~**~**~**~**~**~**~**~
“I’m done!” masiglang sabi ni Shake.
“Hindi pa ako tapos,” nakakunot-noong sabi ko.
“Ano ba ‘yan? Kailan pa pinag-iisipan ang pag-fill up ng forms?” nakataas-kilay niyang tanong.
Tiningnan ko siya nang masama. “Nagmamadali? May hinahabol?” sarkastikong tanong ko.
“Oo! ‘Yung crush ko!” sagot niya.
Crush? “May crush ka na kaagad? Eh second day pa lang natin ngayon dito sa Isla eh,” sabi ko.
“Siyempre hindi lang naman iyon ang dahilan,” sabi niya. “May klase po tayo.”
“Huwag kayong mag-alala. Usually, sa susunod na linggo pa papasok ang mga professors sa klase,” sabi ng isang senior na nag-accommodate sa amin.
“Talaga?” masayang sabi ni Shake. “I’m starting to like it here.”
“Oo, panigurado iyon. Saka juniors naman kayo, ‘di ba? Karamihan sa mga propesor ng juniors ay sa susunod na linggo pa pumapasok,” sabi ng senior.
“Ay, tamad ba ang professors dito?” nakakunot-noong tanong ko.
“Tamad? Next week, ipagdarasal mong sana ay naging tamad na lang sila,” sagot niya.
“Bakit naman?” tanong ni Shake.
Tiningnan kami ng senior nang may simpatiya. “This is Isla Filipinas University,” she said as if that explained it all.
Parang naiintindihan ko na. “Siguro next week pa nila kami pahihirapan. Tama ba?” tanong ko. Tumango siya at ngumiti.
“That’s right. Anyway, good luck. I hope you like it here. Kapag nakapagtapos ka naman dito, secured na ang future mo,” nakangiting sabi niya. “Tapos ka na ba diyan sa form?”
Iniabot ko sa kanya ang form na sinulatan ko. Saglit niyang sinuri iyon.
“Xia Arabella Ching from Isla Filipinas International High School.” Tumingin siya sa akin. “Maganda ang background mo. Sana matanggap ka.”
Tumingin naman siya kay Shake. “Ikaw rin. Well, good luck. Sasabihan na lang namin kayo kung saan gaganapin ang interview niyo.”
Tumayo na kami ni Shake at ngumiti doon sa senior. “Sige po, Miss, salamat po,” sabi ko.
Umalis na kami ni Shake sa office ng Isla Literatura. Ang Isla Literatura ay isa sa mga organisasyon ng College of Arts kung saan kabilang ang kursong kinukuha namin ni Shake.
“Matatanggap kaya tayo?” tanong ni Shake.
“Sana. May interview pa at written exam. Tapos required pa tayong magpasa ng book review,” sagot ko.
“May napili ka na bang book?” tanong niya.
“Wala pa nga eh. Maghahanap ako mamaya sa bahay.”
“Hay, sana talaga ay matanggap tayo doon. Balita ko kasi ay marami raw guwapong lalaki doon,” sabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. “So ibig mong sabihin, kaya ka lang sumali doon ay para sa mga lalaki?”
BINABASA MO ANG
Petals of Love
Teen Fiction“Sabi nila, ang kalayaan daw ay katumbas ng kasiyahan. Ngunit paano kung matagpuan mo ang kasiyahan sa isang sitwasyong hindi ka malaya? Pipiliin mo ba ang manatili sa sitwasyong iyon o pipiliin mo ang maging malaya?”