Petal Six: "I Literally Ran Into You"

2.2K 79 8
                                    

Petal Six: “I Literally Ran Into You”

~**~**~**~**~**~**~**~

He Says

~**~**~**~**~**~**~**~

“Seryoso, pumapayag ka?” gulat kong tanong sa kanya.

Tumawa siya. “Oo nga! Puntahan mo na lang ako sa classroom natin pagkatapos mong mag-shower.” Pinisil niya ang pisngi ko. Namula ako. Umalis na siya kasama ang mga kaibigan niya. Naiwan akong nakatulala at hindi makapaniwala sa mga pangyayari.

Si Katie. Ang mahal ko. Pumayag siyang lumabas ngayong araw kasama ako. Labis-labis na kasiyahan ang dulot nito sa akin. Kung hindi lang ako magmumukhang tanga, kanina pa ako napasuntok sa ere. Akala ko talaga eh mamalasin ako ngayong araw na ‘to nang dahil doon sa babaeng mukhang manang. ‘Buti eh sinuwerte ako. Kapag minalas ako, ‘wag na siyang magpapakita pa sa’kin.

“O, abot-tainga ang ngiti mo, Dude?” Dumating sina Zeke at DJ kasama ang iba pang teammates namin.

Dude, pumayag siya.” Hindi ko mapigilang ngumiti.

Kumunot ang noo ni DJ. “Sino?”

“Si Katie, Dude. Pumayag siyang lumabas kami ngayon,” sagot ko. “Maliligo na ‘ko. Ayoko siyang paghintayin.”

“Pare—”

Tiningnan ko si Zeke. Alam kong pagsasabihan na naman nila ako. “Siguro, Dude, itigil mo na ‘yang pagiging kontra mo kay Katie,” seryosong sabi ko.

Nagbuntong-hininga siya. “Sige, sabi mo eh. Suko na ‘ko. Pero ‘wag mong sasabihing ‘di ka namin binalaan.”

Ngumisi ako at nagpatuloy sa paglalakad. Hintayin mo ‘ko, Katie.

~**~**~**~**~**~**~**~

Masaya akong nagtungo sa classroom namin. Malapit na ako sa classroom noong biglang may nag-text sa akin.

Hi, Yuan. Next time nalang. Nauna na akong umuwi. ‘Di ko pa pala tapos ang project ko sa Eco. – Katie

Inaamin kong para akong pinagsakluban ng langit at lupa. ‘Yung pakiramdam na merong isang pinakahinihintay at hinihiling na bagay tapos sa wakas ay mangyayari na ito? ‘Yung inaasahang mangyayari na nga ito tapos biglang hindi pala mangyayari? Ang bigat sa pakiramdam.

Sabik na sabik akong makasama siya, pero nauwi ito sa pagkadismaya. Nagbuntong-hininga ako, at pilit na inintindi ko na lang ang dahilan. May project siya. Hindi pa tapos ang project niya, at kailangan niyang tapusin ‘yun.

Makauwi na nga lang. Tatalikod na dapat ako, ngunit naalala kong naiwan ko pala ang libro ko sa Physics sa lamesa ko. May assignment nga pala kami doon. Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad papunta sa classroom namin.

Malapit na ako sa pintuan noong may narinig akong tunog sa loob. Tunog ng umuungol. Napakunot-noo ako. Ungol? Alam ko kung anong klaseng ungol ‘yun. Ungol ng mga taong may ginagawang milagro. Napailing na lamang ako. Bawal dito sa eskuwelahan ‘yun. May CCTV cameras ang bawat classroom. Hindi ba nila naisip na posible silang mapatalsik sa oras na mahuli sila?

Pero madilim na sa loob ng classroom. Nakapatay ang ilaw. Kung naroon man sila sa sulok, maaaring hindi sila masyadong makunan ng CCTV cameras. Katulad na lamang noong ginawa nina Bryan at Katie noong isang beses.

Naalala ko na naman ‘yun.

Bigla akong natigilan. Hindi naman siguro sina Bryan at Katie ang umuungol doon sa loob, ‘di ba?

Petals of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon