Petal Nineteen: “Angel”
~**~**~**~**~**~**~**~
He Says
~**~**~**~**~**~**~**~
JS Prom. Bakit ba kasi kailangan pang sumali sa ganoon? Sa totoo lang ay naiirita ako. Ayokong pumunta. Ayokong sumali. Hindi ako kumportable sa mga pormal na damit. At lalong hindi ako kumportableng naghihintay dito sa lobby ng eskuwelahan.
Pero mas lalong hindi ako kumportableng maghintay ng babae sa ganitong sitwasyon. Nasaan na ba ang mukhang multong iyon? Ang tagal naman niya. Ang usapan ay alas-sais ng hapon. Mag aalas-siyete na at alas-siyete ang umpisa ng Prom na iyan.
Hindi kaya inindiyan niya ako? Lagot siya sa akin kapag nalaman kong hindi siya pumunta. Alam kong ayaw niya ring pumunta, pero wala naman kasi kaming magagawa dahil kailangan.
Naiinip na ako. Kanina pa ako palakad-lakad dito sa lobby. Ayaw kong umupo. Baka tamarin na akong tumayo.
Takte. Nasaan na ba kasi iyon? ‘Yung mukhang multong ‘yun… Kapag…
“Yuan?”
Lumingon ako. Huh?
“Yuan?”
Bakit parang nag-iba ang paligid? Lumiwanag? Imposible. Pero maliwanag talaga eh.
Hindi kaya…
… sumalangit na ang kaluluwa ko?
Bakit maliwanag?
At…
… totoo pala ‘yung sinasabi nilang anghel?
Anghel ang sumundo sa akin? Hindi kampon ng kadiliman? Ibig sabihin ba nito ay mabuting tao talaga ako? At kung ano man ang kasalanan ko, napatawad na ako?
Kumurap ako. Tama.
Langit nga ito…
“Yuan?”
Inalog ako ng anghel.
Bakit?
“Uy, Yuan.” Mas lalo niya akong inalog.
Dapat ay pagsabihan ni San Pedro ang mga alaga niyang anghel. Nang-aalog eh.
May dumaping malambot sa mga labi ko.
Hinalikan ako ng anghel?
Hindi ba bawal iyon?
Hindi ba bawal magkaroon ng relasyon ang isang anghel at taga-lupa? Bakit ako hinalikan nitong anghel na ito? At sa labi pa.
Baka masita kami ni San Pedro.
Pero ayos lang. Kung ba naman ganito kaganda ang anghel, itatakas ko na ito.
Naramdaman kong may humawak sa magkabilang pisngi ko.
“Yuan, kung hindi maganda ang pakiramdam mo, tara na. Umuwi na tayo,” mahinang sabi niya.
Napakurap ako. Mabuti naman ang pakiramdam ko, ah? Lalo na noong nakita ko itong anghel na ‘to.
Nagbuntong-hininga ang anghel. “Yuan. Naman eh. Sumagot ka naman.”
Hindi ba ako sumasagot?
“Yuan!” Naramdaman kong may kumurot sa ilong ko.
Teka. Ba’t nakakaramdam pa ako ng sakit? “Buhay pa ‘ko?” mahinang sambit ko.
Umirap ang anghel. “Malamang naman, Yuan, malamang naman.”
Mataray na anghel. Teka…
“Xiara?” Agad akong lumayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
Petals of Love
Teen Fiction“Sabi nila, ang kalayaan daw ay katumbas ng kasiyahan. Ngunit paano kung matagpuan mo ang kasiyahan sa isang sitwasyong hindi ka malaya? Pipiliin mo ba ang manatili sa sitwasyong iyon o pipiliin mo ang maging malaya?”