Petal Eighteen: “The Flower”
~**~**~**~**~**~**~**~
She Says
~**~**~**~**~**~**~**~
Mabilis man ang mga pangyayari, masasabi kong nangyari nga talaga ang hindi inaasahan. Hindi ko talaga inaasahan.
Hindi ko inaasahang magiging mas malapit kami ni Yuan sa isa’t-isa.
Pagkatapos ng insidente noong nakalipas na araw, akala ko talaga ay makikipaghiwalay na siya sa akin. Akala ko ay magbabalik-loob na siya kay Katie.
Hindi naman sa nagiging negative thinker ako, pero hindi kaya dahil lamang iyon sa kasunduang tatlong buwang relasyon?
Hindi kaya pinagbibigyan lang talaga niya ako?
Malapit nang mag-ikatlong buwan.
Sa katunayan nga, halos kalagitnaan na ng February ngayon at January naging kami.
Malapit na ang huling araw namin. Wala naman kaming pinag-usapang specific day ng paghihiwalay namin, pero…
… Graduation Day.
… iyon siguro.
“Huwag kang masyadong nakatulala. Nagmumukha kang estatwa.”
Kumurap ako at nakitang papalapit si Yuan sa akin.
Bakit ba ang guwapo niya?
Umiling ako. Bakit pakiramdam ko ay umiinit ang mukha ko?
“Ba’t namumula ka? Ba’t ka tulala? Sinong iniisip mo? Kung lalaki ‘yan, Xiara—”
“Oo, lalake, este wala!” dali-dali kong sabi.
“Lalake?” asar niyang tanong.
Lagot. “Oo, lalaki—”
“Sinoong lalaki ‘yan at—”
“Yuan! ‘Pag ba may iniisip akong lalaki, iba na kaagad? Hindi ba puwedeng ikaw ‘yun?”
Medyo natigilan siya. “Mga banat mo…”
“Seloso ka pala?”
“Ako, seloso? Saan banda?”
Nagkibit-balikat ako. “Okay, fine. Sabi mo eh.” Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa bench dito sa West Garden. Lumapit ako sa mga bulaklak. Tapos na ang final exams namin. Naghahanda na ang juniors at seniors para sa Prom. Kasalukuyang breaktime namin ngayon kaya nakatambay lang kami dito sa West Garden.
Hindi naman siguro kami sisitain? Bahala na.
Teka…
Prom. Pupunta ba ako? Kailangan ba? Wala naman kasi akong gagawin doon. At kahit na may boyfriend ako, alam ko namang hindi ako ang gusto niyang makasama sa Prom.
Hindi ko alam kung may nararamdaman pa rin siya para kay Katie. Posibleng wala na. Pero hindi naman ibig sabihin ay may nararamdaman na siya para sa akin.
Nagbuntong-hininga ako.
Yayayain ko ba siya? Kaso natatakot ako na baka tanggihan niya ‘ko.
Pero… bakit dati? Hindi naman ako natakot na matanggihan niya noong sinabi kong gusto ko siyang maging boyfriend.
Pero… iba ‘yun. Hindi pa kami noon.
Eh ngayon, kami na. Kahit na wala siyang nararamdaman para sa akin, alam kong masasaktan ako nang sobra kapag niyaya ko siya sa Prom tapos tumanggi siya.
BINABASA MO ANG
Petals of Love
Fiksi Remaja“Sabi nila, ang kalayaan daw ay katumbas ng kasiyahan. Ngunit paano kung matagpuan mo ang kasiyahan sa isang sitwasyong hindi ka malaya? Pipiliin mo ba ang manatili sa sitwasyong iyon o pipiliin mo ang maging malaya?”