Petal Ten: "A Poem to Reach You"

2.2K 89 7
                                    

Petal Ten: “A Poem to Reach You”

~**~**~**~**~**~**~**~

He Says

~**~**~**~**~**~**~**~

Uwian na. Nakita ko na naman sina Katie at Bryan kanina, at naghahalikan sila nang patago sa isang sulok. Unti-unting dinudurog ang puso ko. Kailangan kong umalis sa lugar na ‘to. Kailangan ngayon din. Kailangan kong ma-distract.

Nagpaalam na sina Zeke at DJ. Maglalakwatsa sila kasama ang iba pa naming mga kaibigan, pero wala ako sa mood sumama sa kanila. Nasilayan ko ang lunch box na iniwan ng mukhang multo. Anong gagawin ko sa pagkain? Iuwi ko na lang kaya at ipakain sa mga kapatid ko? Hindi naman siguro ito masisira. Dali-dali akong umalis. Palabas na sana ako ng gate noong nakita ko na naman sina Katie at Bryan.

Nananadya ba ang tadhana? Iniiwasan ko na nga silang dalawa, pilit pa rin silang pinapakita sa akin. Dumiretso ako sa rooftop.Nakaka-bad trip.

Noong binuksan ko ang pintuan ng rooftop, may narinig akong kumakanta. Mahina lang. Maganda ang boses, pero hindi pamilyar. Lumapit ako sa pinanggalingan ng tinig. At nakita ko siya.

Si White Lady. Nakapikit siya at kumakanta nang mahina. May kaunting luha sa gilid ng mga mata niya. Umiiyak siya? Bakit?

“Bakit ka umiiyak?” tanong ko.

“Ikaw pala, Yuan,” gulat na sabi niya. Umupo ako sa isang bench, pero hindi sa tabi niya. Ayoko nga siyang makatabi. Nakakatakot ang mukha niyang mukhang multo.

“Bakit ka nga umiiyak?” tanong ko.

“Bakit ka nandito?” tanong naman niya.

“Nauna akong nagtanong,” sabi ko.

Ngumiti siya. Pati ang ngiti niya eh nakakatakot. Para bang sinusuri niya ako. Parang stalker ang dating ng ngiti niya. Nakakapangilabot.

“Kasi nakakaiyak ang kinakanta ko,” sagot niya.

“Eh bakit mo kinakanta?” May sayad din pala ‘to eh.

“Dahil maganda ang kanta,” sagot niya.

Ang tanga. Masokista ba ‘to? “Tanga ka ba o tanga ka lang talaga? Nagagandahan ka sa kantang nagpapaiyak sa’yo?”

Ngumiti siya. “May mga bagay na maganda sa paningin, pandinig, o pakiramdam natin kahit na ito ang sanhi kung bakit tayo nasasaktan.”

Ang labo. “Alam mo kung bakit?” tanong niya.

“Hindi at hindi ako interesadong alamin.” Sumandal ako sa bench. Nagkibit-balikat siya at ngumiti. Naiirita talaga ako sa ngiti niya.

Pero… bigla tuloy akong na-curious. “Bakit?” tanong ko.

Tumingin siya sa akin. “Anong bakit?”

“‘Yung sinasabi mo kanina. Bakit?” Kinain ko rin ang sinabi kong hindi ako interesadong malaman ang tungkol sa sinasabi niya kanina.

Ngumiti siya. “Dahil minamahal mo ‘yun,” tipid niyang sagot.

“Huh? Minamahal mo ‘yun? Ang alin? Ang bagay na nagpaparamdam ng sakit sa’yo? Sira ka ba?” Ang timang naman nitong mukhang multong ‘to.

Bahagya siyang tumawa. Kinilabutan ako sa tawa niya. Parang tawang mangkukulam. Ano bang meron dito sa babaeng ‘to? Baka bangungutin ako mamayang gabi dahil sa kanya.

Pinagmasdan ko siya. Naglabas siya ng notebook. Nagsimula siyang magsulat.

“Anong sinusulat mo?” tanong ko.

Petals of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon