Petal Twenty Six: "Beyond Hatred"

2K 68 13
                                    

Petal Twenty Six: “Beyond Hatred”

~**~**~**~**~**~**~**~

He Says

~**~**~**~**~**~**~**~

Sa dinaming maling akala, bakit ito pa? Bakit ngayon pa ako nagkamali?

Bakit sa lahat ng mga asignatura ko, kaklase ko siya?

Bakit pati sa Isla Literatura, makakasama ko siya?

At bakit ultimo puwesto namin sa Isla Literatura ay magkatabi pa?

Napakunot ang noo ko habang tinitingnan siya sa gilid ng mata ko. Parang wala lang sa kanya. Hindi siya apektado. Parang ako lang talaga ang apektado.

Hindi talaga ako makapaniwala kanina sa inauguration. Halos malaglag ang panga ko noong nakita ko siya sa loob ng auditorium.

At siya nama’y kampante lang. Parang walang nakita. Parang hindi niya ako kilala.

Nagkamali ako.

Akala ko ay matatahimik na ang mundo ko ngayon.

Bakit lalo yatang gumulo?

Teka… ba’t gugulo? Bahala siya. Hindi ko naman siya papansinin.

Eh ano naman kung magkaklase kami? Ano naman kung magkasama kami sa iisang organisasyon? Ano naman kung katabi ko siya?

Not a big deal. Right. Not a big deal.  Kung sa kanya ay wala lang ‘yun, ba’t sa akin eh magkakaroon ng kahulugan?

~**~**~**~**~**~**~**~

She Says

~**~**~**~**~**~**~**~

No. This is not happening. This is so not happening!

Bakit kailangan pa kaming magkasama sa Isla Literatura?

Ang pinakamamahal kong Isla Literatura…

… tinubuan ng ligaw na mushroom.

Naiiyak na ako sa inis.

“Hoy, Xiara, bakit pulang-pula ka yata? In fairness, ha, namumula ka. Minsan lang ‘yan,” sabi ni Shake.

“Wala,” inis kong sabi. Tumingin ako sa tabi ko. Wala si Mushroom. Umalis. Naghanap siguro ng matutubuang lugar kung saan kadalasang tumutubo ang mga kabute.

Anyway, wala akong pakialam kung saan siya napadpad.

“Aba, ang sungit. May dalaw ka?” tanong ni Shake. “Saka pansin ko lang, ha, bakit ba hindi mo yata pinapansin si Yuan? Classmate naman natin siya sa lahat ng subjects tapos kasama pa ntin siya dito sa organization. Dapat ay makipag-close tayo sa kanya,”

“Makipag-close? Gaano ka-close? I-close na lang kaya?” I muttered. “Kung puwede lang isara ang pagmumukha niyang mushroom.”

Kumurap si Shake at tumawa. “Excuse me? Anong sinabi mo? Mushroom? As in, you know, the fungus?”

Inirapan ko siya. “Hindi ka nakakaintindi ng Ingles? Kabute, Shake, kabute. Gusto mo Nihonggo pa?”

“Gaga, alam ko kung anong ibig sabihin ng mushroom. Ang ibig kong sabihin eh bakit mushroom? Paano siya naging mushroom?” natatawang tanong niya.

“Eh kasi kabute siya. Period,” sagot ko. Binuksan ko ang desktop computer.

“Tinagalog mo lang. Ikaw, Xiara, ang init ng dugo mo sa kanya, ha. Siguro type—”

Petals of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon