(My Parent's Experience.)
___________________
Nung pinag bubuntis palang daw ako ni mama nung maranasan nila ma ka encounter ng isang tiktik.
Nag kasagutan ang mama ko at ang lola ko that time.
Kaya they decided na sa tita v ko muna tumuloy.
Ang bahay ng tita v ko ay malapit sa tabing ilog siguro mga 30 meter ang layo nila sa ilog, tapos sa kabilang panig ng ilog ay manggahan, isa itong malaking kalupaan na puno ng mga puno that time ginagawa palang itong village.
Kakagawa palang ng bahay ng tita ko, malapit narin iyon matapos kaya tinirahan na nila.
Ang kapitbahay palang ng tita ko roon ay mga tatlo pero malalayo ang agwat, tapos napapaligiran pa ng mga puno. Taniman daw kasi iyon ng mga gulay katulad ng kangkong, talbos kamote at iba pa.
My dalawang pintuan iyong bahay nila dahil hindi pa sila nakakapag decide kung saan ang magiging daanan nila palabas.
Yung isang pintuan ay nasa left side nakalagay at yung isa sa harap ng bahay.
Mga two days narin nakikituloy sina mama kina tita.
Inutusan ng mama ko ang father ko na mamalengke ng ipang uulam nila mamayang gabi.
Dahil nakikituloy sina mama ay nakikihati rin sila sa gastusin.
Umalis na ang Father ko at sinabing dadaan din sya sa kaibigan nya.
Mga alas siete na nakauwe ang father ko galing sa kumpare nya.
Habang tinatahak ng father ko ang daan pauwe ay nakaramdam sya na parang may nakatingin sa kanya.
Nilibot nya ang kanyang paningin, wala naman syang nakita.
Tanaw nya na ang bahay ng makaramdam nanaman sya but this time nakasunod na sa kanya.
Huminto sya at biglang lumingon, wala syang nakita.
Kaya binilisan nya nalang ang lakad para makauwi na.
Ramdam niya ang pagsunod nito sakanya, pag lilingon naman sya wala naman.
Nakaramdam narin sya ng takot lalo na at madilim na at napapaligiran sya ng mga puno.
Mga 10 meters away nalang ay nasa bahay na sya, kaya lumingon sya ulit,
Laking gulat nya ng may nahagip ang paningin niya kahit madilim ay malinaw nya itong nakita dahil sa pag galaw nito paitaas ng puno para mag tago duon.
Hindi nya masyadong nakita ang kabuuan nito dahil madili at maitim ito at parang shadow nalang ang nakita niya.
Nagtatakbo agad sya pauwe.
Ng makarating na siya sa harap ng bahay ay nag kakatok na sya.
Tok! Tok! Tok...!
"Iam buksan mo to"sabi ng father ko at katok ng malakas.
Napatigil sa pag katok ang father ko kasi parang may gumagaya sa kanya, pag kakatok siya ay may naririnig din syang nakatok sa gilid at pag mag sasalita sya parang na echo ang boses nya.
Nakaramdam ng paninindig ng balahibo ang father ko kaya nag kakatok ulit sya at halos mag histerikal na.
"IAM! ATE V! BUKSAN NYO ANG PINTO DALIIIIIII!"malakas na pag tawag ng father ko. At di magkamayaw sa pag katok at pag pihit ng seradura ng pinto, dahil narinig nya kasing may sumigaw rin sa gilid at kaboses nya.
"O anung nangyare sayo? Dali pumasok ka na may ikukwento ako sayo"sabi ni mama at luwang ng pinto.
Dali daling pumasok ang father ko at isinarang maigi ang pinto. Dumeretso sya sa kusina at kumuha ng asin at bumalik sa sala kung asan parin si mama at sinabuyan nya ng asin ang mga siwang sa dalawang pinto.
Nakarinig sila sa gilid na pinto na may bumagsak doon. Tunog ng nabasag na paso.
May mga alagang halaman ang tita ko na nakalagay sa mga paso na nakapatong sa mahabang bangkuan na nasa gilid ng pintuan sa kaliwa.
Ang hinala nila mama nasagi ng tiktik iyon ng maghagis ng asin ang father ko.
Kinuwento ng Father ko ang nangyare sa kanya kanina.
Sabi ni mama kaya daw sya natagalan buksan dahil nalilito sya kung aling pinto ang bubuksan dahil parehong may tumatawag doon.
Alam ni mama na tiktik iyon dahil buntis siya noon, mga 7 months palang ako noon sa sinapupunan ng aking ina.
Pinakinggan muna daw ni mama ng maigi yung dalawang nakatok sa magkabilaang pinto.
Napansin ni mama na unang nakatok at nagsasalita ang nasa harap ng bahay at nakikigaya lang ang nasa gilid na pinto.. kaya ang harap na pinto ang binuksan nya.
Hindi muna ipinaalam nina mama kina tita.
Matutulog na sina mama ng makaramdam ng pagkaihi si mama.
Kaya nag pasya siyang mag banyo, patapos na umihi si mama ng makaramdam sya na parang may nakatingin sa kanya at pagtingin nya sa taas ay may isang nilalang na maitim at may matang kulay pula na nanlilisik ang nakasilip sa siwang ng trapal na ginawang pansamantalang bubong ng banyo.
Nag sisigaw si mama na agad namang dumating ang father ko at ang tito at tita ko.
"Bakit anong nangyari?"
humahangos na sabi ni titaTinuro naman ni mama ang siwang at sinabing may nakasilip doon na ibang nilalang kanina.
"HOY PUT#NG#NA MO! G#GO KA LUMAYAS KA DITO BAKA GUSTO MONG TAGAIN KITANG TARANT#DO KA."sigaw ng tito ko na may pag turo pa sa itaas kung nasaan ang siwang.
Pinapasok na sa loob si mama na di na nagawang suotin ang panty mabuti nalang at naka duster sya kaya hindi halata.
Sabi nina tita at tito dapat daw pag ganon mag tapang tapangan ka at mura murahin sila dahil matatakot iyong lumapit sa inyo.
Takot daw ang mga aswang at tiktik sa mga taong matatapang at minumura sila. Dahil nabahag ang buntot nila at takot din silang mamatay.
Kapag nagpadaig ka naman ng takot ay madali ka nila masisilo. Matatapang lang daw sila kapag alam nila na hindi mo sila kaya at madali kang matakot.
Hindi na daw babalik ang tiktik na iyon dahil sa takot.
Kahit ganon paman halos punuin na daw ng asin at bawang ang bubong at paligid ng bahay nina tita v.
Sa isang linggong pananatili nila mama doon ay hindi na iyon muling nangyare......
_____
Hope u like it ☺☺😊😊
BINABASA MO ANG
Kwento ng Kababalaghan (BASED ON TRUE STORIES)
RandomLAHAT NG NAKASULAT DITO AY PAWANG KATOTOHANAN LAMANG. MGA KABABALAGHANG NANGYARI MISMO. KARANASANG GALING MISMO SA AKIN, SA KAPAMILYA KO, KAPITBAHAY NAMIN, KAIBIGAN AT SA MGA KAKILALA KO. ITO PO AY HINDI KO GAWA GAWA LANG. AT ITO ANG MAG PAPATUNAY N...