Story from my friend.
_____________________________Julie P.O.V
When my parents separated.
Kay mom kami sumama ng kapatid ko. That time james is two years old at kailangan pa ng kalinga ng ina.Mom decided to live here to start a new life daw. I was 14 that time (now im going 21 this yr xD). May nabiling bahay si mommy sa Cavite pero under renovation pa kaya nangupahan muna kami sa Indang kung saan malapit yung work ni mommy.
Simple lang yung bahay two story din. Ang kinaganda pa nito ang mura lang ng upa. Tapos isang buong bahay. Ang tanda ko mga 2500 pesos lang. Hahaha totoo po yan. Tapos ang sabi ni mom nag advance daw sya ng limang buwan na upa iba pa ung two months deposit.(Nag tanong ako kay mom bakit 5 months yung advance. E renovation lang naman yung bahay sa Cavite. Yun pala bonggang renovation kasi giray giray pala daw yun.)
Tuwang tuwa ako that time kasi kompleto sa gamit yung bahay may sala set pati kitchen utensil kompleto my gas stove at ref. Ang kinaganda pa may 4 rooms doon 1 room sa baba at 3 rooms sa taas, yung room sa baba ay bodega talaga, dalawang room lang ginamit namin yung isa ginawang bodega ni mommy doon tinambak yung mga gamit namin dahil hindi naman namin din magagamit.
Yung master bedroom yung gamit ni mom sa harap noon yung room namin mag kapatid. Yung una ko palang makita yung magiging room namin ni james feeling ko nainlove na ko doon. Kasi katulad sa baba kompleto rin sa gamit may single bed at crib din hindi ko alam kung nilagay lang ni mom yung crib o sadyang nandoon na. Pero alam kong andoon na yon dahil kulay blue ang crib ni james at hindi pink.
Yung tema ng room ay relaxing parang tama sa edad ko noon lol xD. Sky blue yung wall na may touch of pink tapos ang daming glowing in the dark na star sa taas.(astooog) may dalawang cabinet rin doon binuksan ko yoon at may mangilan ngilang damit doon mukhang lalaki yung nag room doon. Pero bakit kulay pink ung crib?. Kinuha ko yung isang polo shirt sa kabinet mukhang hindi nag kakalayo yung edad namin kasi konteng lake lang ng polo mag kakasya na sakin.
Binuksan ko naman yung isa pang cabinet na super cute kasi parang pang princess ung design kaya lang ang liit lang mga 3 feet lang hindi katulad ng na una na mga lagpas ng 5 feet. May mga damit din at mga nakabalot pa mukhang hindi pa nasusuot. Mga damit pang bata pala yon. Mga nasa edad 3 yrs old na ata kasi mas malaki yung damit kay james na 2 taon palang. Pinag lalabas ko lahat ng damit at nilagay sa sala sa baba. Si mom nalang mag lalagay sa bodega.
Unang gabi namin ay sa master bedroom kami na tulog ni james kasama si mom. Hindi parin namin kasi na lilinis yung magiging kwarto namin mag kapatid. Dapat doon na talaga kami ni james ma tutulog sa new room namin kaya lang yung magiging kama ko doon ay sira. Sa part kasi ng ulunan sa right side sira may awang. Hindi ko alam kung nasira o sinira talaga. Pero base sa obserbasyon ko sinira. Kasi parang sinadyang siraan atsaka kung titignan mo lang hindi talaga sya halata na may awang doon lalo na kung papatungan ng unan. Para syang pasage papuntang ilalim ng kama. Pano ko na sabi kasi nung sinilip ko yung butas ng kama deretso sa baba. Ang design kasi ng higaan gawa sa kahoy tapos pinatungan lang ng foam ng kama yung may spring. Hindi sya katulad ng iba na pure foam katulad sa master bedroom. Yung part na kahoy sealed sya hanggang ilalim kasi bed drawer design nya. Tinary ko rin hilahin yung drawer kaya lang hindi ko mahila. Naisip ko nga anong klaseng drawer kung hindi ma open. Gigive up na sana ako ng makita ko na may awang sa gilid nito. Kaya inislide ko yung drawer paright side bumukas. Hindi sya drawer, sliding window? ata sya sa ilalim ng kama. Ano ba term non. Hay nako!. Ang galing ng nakaisip kunyare pull drawer sya yun pala sliding drawer. Sisilipin ko sana para malaman kung anong laman ng ilalim ng kama kaya lang tinawag na ako ni mom para matulog na kami, buhat nya si james na tulog na.
Maaga kami gumising ni mom para mag ayos. Nag file kasi ng leave si mommy sa work nya at tomorrow na ang balik nya. Kaya sabi ni mom bago sya pumasok bukas dapat ayos na ang bahay. Pinag tulungan namin ni mom ang pag lilinis ng buong bahay. Inuna namin sa baba. Mabilis lang matapos dahil wala na dapat linisin. Tinago lang ni mom yung mga plates at ibang gamit sa kusina at nilagay ang mga dala namin gamit pang kusina. Sabi ni mom mabuti na mag ingat kasi hindi naman namin kilala ang mga gumamit ng mga plato, kutsara at baso. Miski kaldero tinabi ni mom sa bodega at sinalansan ng maayos. Sa sala pinalitan namin yung lumang kurtina at pinag pag maigi ang sopa pinag pupunasan ko rin yung ibang naka display doon isa na doon ang family portrait. Mukhang sila ang dating nakatira dito at sa ibang bansa na naninirahan. Mukhang mayaman sila dahil base sa aura. Pano ko na sabi? Kasi sa pananamit at tindig mo sila malalaman mo talaga. Hindi naman kalumaan yung larawan. Pag kakatanda ko sampung taon na mula ng ambandonahin ito ng dating nakatira. Wala na rin naman kinuwento ang care taker bukod sa galing sa magandang pamilya yung lalaki tapos yung asawa may kaya sa buhay. Sobrang yaman daw nung pamilya ng lalaki. Matapobre nga lang. Pinag palit daw nung lalaki yung pamana nya para sa asawa nya at anak. (Na touch nga ako doon e.) Tapos na muhay sila ng simple. Tinanong ko nga kung ano trabaho nung lalaki sabi ito na daw ang nag manage ng company ng magulang nito at yung babae naman minamanage ang negosyo ng pamilya nito. Hindi naman pala sila nag hihirap.
BINABASA MO ANG
Kwento ng Kababalaghan (BASED ON TRUE STORIES)
RandomLAHAT NG NAKASULAT DITO AY PAWANG KATOTOHANAN LAMANG. MGA KABABALAGHANG NANGYARI MISMO. KARANASANG GALING MISMO SA AKIN, SA KAPAMILYA KO, KAPITBAHAY NAMIN, KAIBIGAN AT SA MGA KAKILALA KO. ITO PO AY HINDI KO GAWA GAWA LANG. AT ITO ANG MAG PAPATUNAY N...