KNK 7-ASWANG (part 2/2)

815 11 0
                                    

Abaigail P.O.V

Mag dadalawang linggo na kami dito. Salungat ng sinabi ni lola wala kami naramdaman o nakikitang kababalaghan. Walang aswang ang lumilitaw o maligno man.

"Hoy Bing bantayan mo si Baby" ani Kuya.

"Ah?"

"Bantayan mo, Liligo lang ako"

Hindi na ako nakasagot dahil pumasok na sya sa loob ng bahay.

Tinignan ko si baby kung saan ay mag isang naglalaro. Ganyan talaga yang batang yan mas gusto maglaro mag isa, kapag nilalaro ko naman ay naiirita at nagwawala lang.

"Hayyy!" Napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa lamesang katabi ko kung saan ko nilagay ang kutsilyo, palanggana na may tubig, plastik, toyo at asin. Balak ko sana kumuha ulit ng mangga sa likod bahay kung saan tanaw ko sa pwesto ko ang mga puno ng mangga.

Nag lalaway na ko. Tinignan ko si baby na masaya at payapang naglalaro.

Lumapit ako kay baby at inayos ang nasa paligid nya puro unan para kahit matumba sya di sya masaktan. "Bebe okay ka lang ba jan? May kukuhain lang si ate doon"turo ko sa gilid ng bahay papuntang likuran.

"Babalik ka agad ako. Stay ka lang ah! Behave!" Tinignan lang ako ni baby at naglaro ulit. Napailing nalang ako at kinuha ang gamit sa panunungkit ng mangga at dumeretso sa likuran.

Marami-rami na ang nakukuha kong mangga ng marinig ko ang matinis na iyak ni Baby. Na patakbo ako wala sa oras at dali dali pinuntahan ang kinaroroonan ni Baby.

Pag karating ko nakita ko ang kulay gray na mahabang payat na pusa na nasa tabi ni Baby at kampanteng nakahiga sa paanan ni Baby.

Kaagad ko binugaw ang pusang wirdo. Sa tanan ng buhay ko ngayon lang ako nakakita ng pusang ganon. Ang matindi pa wala itong balahibo. May ganoon bang pusa?

"Tsu! Tsu!"bugaw ko pero hindi man lang natinag ang wirdong pusa sa kinapupwestuhan. Titig na titig ito kay Baby na patuloy parin sa pag iyak. Binuhat ko si Baby at inaastang tatadyakan ang pusang wirdo pero di parin ito natinag at nakatingin lang kay Baby. Nakaramdam ako ng takot kasi ngumunguya ang pusang wirdo. Ano yun may bubble gum sa bunganga? Siguro kambing to!?

"Alis! Alis!"bugaw ko at pinag babato ko ng maliliit na laruan para hindi naman masaktan.Tumahan na si Baby na hanggang ngayon buhat ko parin at busy na sa pag lalaro. Bata nga naman. Lintik hindi parin natitinag ang pusang wirdo.

"Tsu! Tsupiiii!"malakas kong sabi. Bumangon ang pusa sa kinahihigaan nito. Akala ko aalis na nag unat lang pala at tumitig ulit kay Baby na buhat buhat ko. Parang nakaramdam si Baby at umiyak uli. Pinatahan ko naman sa pagtapik tapik sa likod nito.

"Tahan na Baby" pag alo ko. Pinag masdan ko ng maiigi ang pusang wirdo. Yung itsura ng pusang to nakakapanindig balahibo. Alam nyo ba yung palabas na Iam Legend? Yung mga taong nagiging Zombie nawawalan ng buhok. Ganoon ang itsura ng pusang to tapos kulay gray? D b dapat kulay pitch! Tpos may bigote naman sya ang pinag tataka ko lalo bat ang haba nya compare sa normal na pusa para syang footlong na pusa ang payat pa kita na yung ribs. Hindi ko alam kung maaawa o matatakot.

Pero mas lamang ang takot ko. Kasi napaka wirdo. Kung ngumuya daig pa kambing. At any moment ngunguyain nya si Baby.

"ALIS LINTIK KA LAYASSS!"sigaw ko at bato ng unan sa pusa hindi natinag at di man lang ako tinignan. Isnabero ang peg. Naiinis na ako kasi naiyak parin si Baby tapos wala parin si Kuya at tapos hindi ko pa nakakain yung mangga ko na naiwan ko pa sa likod bahay.

"T@ngna ka umalis ka dito at baka makatay kita letsugas ka!" At pinagbabato ko ng mga laruan ni Baby na nakapaligid samin. "Layas! Layassss!" Sabay dampot ng kutsilyo sa ibabaw ng lamesa at inamba sa pusang wirdo. Tinignan lang ako ng masama ng pusang wirdong ito. Aba mukhang nakakaintindi ito.

Kwento ng Kababalaghan (BASED ON TRUE STORIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon